Ako ang inutusan ni kuya Axel na sasalubong sa magiging bagong marketing manager sa aming main dahil nagpaalam si Dana na hindi makakaabalik dito sa Canada. Hawak ko ang kanilang placard na nag-aantay dito sa arrival area. Pwede namang iba kasi ang kausapin niya bakit naman ako pa. Marami akong gagawin pa sa opisina lalo pat isasabay sa pagtatapos ng taon ang pagbubukas ng Palawan branch na pinakamaganda sa lahat. Nasa malalim akong pag-iisip ng may isang pair ng stilleto at maliit na rubber shoes sa aking paanan para mapaangat ako ng mukha. "Hi! I'm Jenny Santos the one you are waiting!" Nakangiti niyang bati. Natulala akong napatingin sakanya malaki ang kanyang ipinagbago 4 years ago. Hindi niya ako makikilala dahil nakasuot ako ng sombrero at maitim na salamin. "Hi! Mister are you alr

