Akala ko pupulutin ako sa kalsada sa mga nagdaang buwan dahil nagbunga ang isang gabing pagkakamali. Pero sa tulong ni Daniel na tumayong guardian ko simula nung araw na malaman niyang buntis ako at walang asawa. Hindi niya hinayaang mawalan ako ng trabaho at pinagbuti ko naman buti nalang si baby puro food cravings lang ang hinahanap hindi na ako nasusuka o nahihilo at malakas padin ang katawan ko. Sinasamahan ako ni Daniel sa monthly check-up ko at laging nagpapadala ng pagkain sa opisina para hindi na ako magpapalipas ng gutom. Naipasok din niya ako sa isang yoga class para sa mga buntis para daw hindi na ako mahirapan manganak. How thoughtful, maswerte ang babaeng mamahalin niya. Maalaga siya! Noong una talaga akala nila, siya ang asawa ko hindi naman itinatama ni Daniel ang tsismis h

