Bakit hindi ko makontak si Jay. Unattended ang kanyang phone number. Kung kailan kailangan ko naman siya saka pa siya naglaho na parang bula. Naku naman isang linggo kona dito sa Pilipinas at apat na araw simula nakaharap ko ang striktong kapatid ni Jenny. Namiss kona siya. That night was the last time I saw her dahil iniuwi siya agad ng kanyang kapatid. Isa daw magaling at mabagsik na attorney. Haaay! Napabuntong hininga nalang ako. Halata namang hindi ako gusto ng kanyang kuya. Paano pa kaya kung malaman niyang buntis na siya at pangalawa na naming anak. Jay kailangan kita sagutin mo naman ang mga tawag ko. Hayop naman oh! Hindi pa rin ako mapakali. Nakailang text na ako kay Jenny pero wala man lang siyang sagot sa akin. Unattended din ang kanyang cellphone. Baby please answer my calls.

