Pigil na pigil ang hininga ni Paprika habang sakay ng magarang sasakyan ni Jarvis pauwi sa kanilang unit. Dinala s'ya nito sa isang magarang restaurant na halos ang nakapaligid na disenyo ay puro arts. Nagmistula nga silang kumakain sa isang art gallery kanina dahil gano'n na gano'n ang vibes ng restaurant na `yon sa pinuntahan nilang coffeehouse ng bes tfriend nito noong nakaraan. They did not talk about something private. They just casually talked about normal stuff. And when she said 'normal stuff', she meant nothing but work related topics. Hindi naman sa nag-eexpect s'ya ng ibang topic dahil nga nasa labas sila ng opisina, para sa kanya ay masyado lang irrelevant ang topic nila dahil naroon sila sa isang magarang restaurant na silang dalawa lang. The vibes of the place were giving

