Malayang iginala ni Paprika ang paningin sa kabuuan ng condo na pag aari ng kapatid n’yang si Pete at ng nobyo nitong si Kris. The unit was kinda spacious and designed in a modern style. Wala pang masyadong gamit bukod sa isang sectional sofa bed doon na agad na bumungad sa kanya sa pagpasok pa lang sa unit. There were two rooms na parehong wala pang mga laman. Nang magtungo s’ya sa gawing kitchen ay namangha s’ya sa halos kumpleto ng gamit sa pagluluto. Puno din ang fridge ng iba’t ibang pagkain kaya naisip n’yang mukhang doon ang hideout ng dalawa kapag hindi umuuwi si Pete sa unit nila. Napangiti s’ya nang mapagtanto na sa batang edad pa lang kapatid n’ya ay nakaisip na kaagad itong mag invest sa isang property na katulad no’n. Iniisip n’ya nga at kasalukuyan n’yang pinag iipunan ang ma

