Dumating ang Daddy ni Llewyn sa Pilipinas isang linggo bago ang 21st birthday ng anak nito. Kagabi pa lang ay sinabihan na sila nito na magpapahanda ng maliit na salu-salo kinabukasan kaya sinabihan nito si Paprika na imbitahin ang kapatid n’ya at ilang malalapit na kaibigan n’ya. Of course, she invited Pete and Kris and her colleagues. Kaya nga napaaga ang gising n’ya dahil ramdam na ramdam na n’ya ang sinasabi ng karamihan ng mga nagbubuntis na pagsusuka sa tuwing umaga. Sa totoo lang ay wala namang pinipiling oras ang sa kanya. Basta na lang s’yang nakakaramdam no’n kahit na nga ba sa kalagitnaan pa ng pagtulog n’ya o madalas ay tuwing pagkatapos n’yang kumain kaya hindi tuloy s’ya ginaganahang kumain ng marami kapag naiisip n’yang isusuka rin lang n’ya ‘yon pagkatapos. Ang Daddy ni Ll

