Hindi pumayag ang Daddy ni Llewyn na hindi mag ayos ng todo si Paprika nang sabihin n’yang s’ya na ang bahala sa isusuot n’ya para sa birthday party ng anak nito. Ang katwiran nito ay hindi lang naman daw iyon celebration para sa birthday party ni Llewyn kung hindi ay celebration na rin para sa magiging apo nito sa kanila. Sinabihan din s’ya nito na pormal na s’yang ipapakilala nito bilang magiging manugang because Llewyn told her that he’s going announce tonight that he’s finally engaged. Kaya hindi na s’ya nakipagtalo pa sa mag ama at hinayaan na lang ang mga ito sa gustong gawin. Alas sais pa ng gabi nakatakdang magsimula ang party kaya walang ginawa si Paprika kung hindi ang mamahinga sa maghapon. Sinabihan din s’ya ni Llewyn na mamahinga para hindi s’ya gaanong mapagod dahil panigura

