Hindi magkandatuto si Paprika sa kung ano ang unang gagawin matapos n'yang masukahan ang damit ni Llewyn! Hiyang hiya s'ya at halos hindi na makatingin dito na mukhang nabigla rin sa nagawa n'ya. Ilang beses s'yang napaisip bago agad na napalingon sa paligid. Kahit na nasa nakakahiyang sitwasyon s'ya ay hindi n'ya pa rin nakakalimutan ang katotohanang maaaring nasa paligid lang ang taong nagtangka sa buhay nito. At ang malamang naroon ito malapit sa lugar kung saan s'ya nakatira ay labis labis na nagbigay sa kanya ng takot at pangamba. Kaya bago pa man s'ya madala ng kung anong hiyang nararamdaman ay hinawakan na kaagad n'ya ang kamay nito at hinatak papasok sa building kung nasaan ang unit n'ya. Hindi naman ito nagsalita o nagreklamo sa ginagawa n'yang paghatak dito pero ramdam na ram

