Sa nakalipas na dalawang linggo mula nang huli silang mag-date ni Jarvis ay hindi na nakausap ng maayos ni Paprika ang binata. Palagi na ay nagmamadali ito sa morning meeting nila at kung hindi naman ay mayroon kaagad itong bisita sa oras ng meeting nila kaya naman hanggang ngayon ay hindi pa rin n’ya nasasabi dito ang gustong sabihin. Hanggang sa matatapos na lang ang panibagong linggo ay hindi pa rin n’ya nasasabi dito na tumigil na ito sa panliligaw sa kanya. Ayaw n’yang magtagal pa bago n’ya masabi iyon dahil ayaw n’ya itong umasa sa wala kahit na alam naman n’yang hindi lang s’ya ang babaeng pwedeng ligawan nito. He was one of the most sought-after bachelor in his generation kaya imposibleng mawalan ito ng choice kung sakali man na patitigilin n'ya ito sa panliligaw. Isa pa, ano na la

