Mula sa Feroia ay walang emosyon na pinagmamasdan ni Soe sa monitor sina Cedric at Morie. Hindi nagugustuhan ng pinuno ng mga Feroian ang nakikita niyang masayang tagpo ng dalawa sa loob ng isang malapit nang masirang bahay. "Soe, tigilan mo na ang mga tao," payo ni We. "Kay puso sila kaya gan'yan ang pakikitungo nila sa isa't-isa." "Hindi ko nagugustuhan ang pakikialam ng lalaking iyan. Kasama siya palagi ni Yu, bakit nakikipagkita siya sa babaeng iyan? Sa mundo natin ay ipinagbabawal na sumama pa sa iba ang kinagigiliwan ng isang Feroian sa kapwa n'ya Feroian," sabi ni Soe habang pinipigilan ang sarili na galawin ang mga bituin. "Ang bathala ay tiyak na hindi na matutuwa sa iyo kapag nakialam ka pa riyan," sabi ni We. "Hindi n'ya nga nagustuhan ang pakikialam mo noon kaya ibinalik n

