Mainit ang balita sa sa buong Libana. Ang prinsipe ng Haito Mafia Group ay malakas at isa-isang pinupunterya ang mga corrupt na taong gobyerno at maging ang mga negosyante na ayaw magbayad ng tamang buwis. "Sa ginagawa ni Hexur, dumarami ang mga kliyente natin na gusto siyang patayin," wika ni Jordan sa tauhan niya. "Tama, boss. Marami ang gustong patayin ang mafia prince ng Haito." Lingid sa kaalaman ng lahat, ang taong pinag-iinitan nila ay abala sa pagpapatayo ng isang gusali sa labas ng Libana kung saan ang mga taong biktima ng gulo sa siyudad ay palilipatin ni Hexur doon at bibigyan ng pangkabuhayan. Ang perang nakukuha niya mula sa mga tiwali sa gobyerno at sa komunidad ay ginagamit niya upang bigyan ng pagkakataon ang mga taga-Libana na makapagbagong buhay na malayo sa disgra

