Habang lumalaki ang balita tungkol kay Hexur ay may mga taong nagdiriwang. Ngunit ang mafia boss ay nananatiling matatag. Hindi rin naman siya tinalikuran ng mayor ng Libana at ito ang nagsilbing taga-tama sa maling impormasyon na kinakabit pa sa kan'ya. Wala pa rin alam amg mayor sa totoong pagkatao ni Hexur kaya panay tanggol nito sa binata. Si Jomar ay napagod na sa pagpapadala ng sulat kay Hexur. At dahil nawala na ang atensyon ng mga tao sa kan'ya kaya naman lumakas ang loob n'ya na gumawa ulit ng mga kalokohan lalo at ang sisi ng tao ay kay Hexur. Tuwang-tuwa siyang nawala na ang atensyon ng mga tao sa kan'ya kaya malaya n'yang nagagawa ang gusto. Dumagdag pa ang mga pahayag ng mga scientist na totoong may mga unidentified creatures na namumuhay sa mundo ng mga tao. Dahil doon ay

