CHAPTER 43 SHIENA'S POV: NASA LOOB ako ngayon ng dating kwarto ni Gerome na siyang magiging silid ko na. Ang hacienda ni Gerome sa Probinsya sa farm ay talaga nga namang napakalaki. Siya yata ang pinakamayan dito sa Probinsya, dahil halos lahat ng taga-rito ay kilala siya. He really has a good heart. Kahit na wala na siya ay mananatiling nasa isipan ng mga tao ang kabutihang ginawa niya. Marami siyang natulungan. Dahil sa farm na ito ay marami siyang nabigyang trabaho. Kaya pagbubutihin ko talaga ang lahat. Sosolusyunan ko agad ang sakuna rito nang sa gano'n ay hindi na mamroblema pa ang mga tao. Sa paglalakad ko sa loob ng silid ay saka lang ako napahinto nang tumunog ang aking cellphone. Dapat sana ay magpapahinga ako, kaya lang nawala na yung antok at pagkahilo ko. Kaya pinili kong

