CHAPTER 64 TRAVIS POV: PALAISIPAN sa akin ngayon ang sinabi ni Shiena tungkol sa anak namin. Ini-imbestigahan niya ang dahilan nang pagkamatay ng anak namin. Pero bakit kailangan niya pang gawin ito? Bakit niya naisipan na alamin ang pagkamatay ng sanggol? Halos limang taon na ang nakalipas. Limang taon na rin simula nang mawalan kami ng anak. Tapos ngayon ay pina-iimbestigahan niya? Hindi pa ba sapat sa kanya ang sinabi ng Doctor? Gusto ko pa sanang magtanong kay Shiena. Kaya lang hindi ko na ito nagawang sundan pa dahil saktong dumating na ang sundo niya na si George. Isama mo pa ang lalaking ito. Kung makaasta siya ay halatang may paghanga siya kay Shiena. The way he hold the woman, ramdam mo talaga na natitipuhan niya ang babae. Gusto kong magselos. Pero ano naman ang karapata

