OSCAR #35 "Mahal mo ako, Ethan?" tanong sa kanya ng kanyang tito Oscar. Nag-iwas siya nang tingin at mas napaluha. Hindi niya dapat sinabi iyon. Nangako siyang dadahan-dahanin niya ang kung ano man ang namamagitan sa kanila. "Humarap ka sa akin, Ethan." malumanay nitong ani at hinawakan siya sa baba pero pinanatili niyang nakayuko ang kanyang ulo. "Pasensya ka na, tito Oscar." nahihiya at lumuluha niyang ani. Naiinis siya sa kanyang sarili. Sinira niya ang masayang sandali dahil sa kanyang bibig. "Humarap ka sa akin, Ethan." pag-ulit nito. Malumanay parin ang boses pero may diin na. "Ayoko, tito Oscar," napayakap na lamang siya sa kanyang barakong tiyuhin at mas napahagulgol ng iyak sa balikat nito. "Nahihiya ako sa iyo. Hindi ko dapat nasabi iyon sa iyo. Hindi mo kailangang tumugon s

