OSCAR #31 "Please, kuya Matteo. Nag mamaka-awa ako. Umalis ka na lang..." pagsusumamo niya sa barakong kanyang nasa harap. Mukhang umipekto ang kanyang mga salita nang lumambot ang ekspresyon sa mukha nito. "Sige, pagbibigyan kita ngayon, Ethan. Pero tandaan mo ito, desidido akong makuha ka kay Oscar at gagawin ko ang lahat makuha ka lamang sa kanya." ani Matteo at lumapit sa kanya at nang akmang hahalikan siya nito ay nag iwas siya. Bumakas ang gulat sa mukha nito pero saglit lamang iyon. Ngumiti ito sa kanya pagkatapos ay tumalikod at naglakad paalis. Pinanood niya itong umalis hanggang sa hindi na niya ito matanaw. Napatingin siya sa kanyang mga kamay. Nanginginig parin ang mga iyon maging ang kanyang mga tuhod ay nangangatog rin dahil sa kaba at takot na baka mahuli sila ng kanyang

