CHAPTER 02: Hidden Behind Makeup

2146 Words
Chezca Mendoza Maaga akong binulabog ng tawag mula kay Badong. Namamaga pa ang aking mga mata at antok na antok pa ako. "Hello..." mahina kong sagot sa namamaos pang boses. "Good morning. Tulog ka pa?" tanong naman niya sa kabilang linya. Ramdam ko ang sigla sa boses niya. Guwapo naman ang boses niya. Huwag mo lang siyang makakaharap. Hindi ko nga alam kung bakit parang pamilyar ang boses niya, eh. May kapareho siya ng boses. 'Di ko lang makuha kaagad kung kanino. "Oo. Kaluluwa ko 'tong sumasagot sa 'yo ngayon," sagot ko naman. Narinig ko ang malakas niyang tawa sa kabilang linya. "We're meeting your friend today—the wedding planner, right? You're going to introduce me to her, and we'll start planning our wedding." Inilayo ko ng bahagya sa tainga ko ang cellphone bago huminga ng malalim. Tamad na tamad ako ngayon—wala akong kagana-gana. Gusto ko na lang sanang magkulong dito sa kuwarto ko habambuhay hanggang sa mamatay. Muli kong ibinalik sa tainga ko ang cellphone. "Let's just meet at—" "I'll pick you up at your house," agad naman niyang sagot. "Fiancé mo na ako simula pa kahapon. Hahayaan ko bang mag-travel ng mag-isa ang prinsesa ko?" Bigla akong napangiwi sa sinabi niya. Bumabaligtad ang sikmura ko. Para akong masusuka na ewan. Tsk. "I-Ikaw ang bahala," sagot ko na lamang. "I'll just take a shower." "Okay! Let's have breakfast outside so I can spend more time with you, alright?" I could hear the excitement in his voice. Makakakain naman kaya ako na siya ang kaharap ko? Baka mawalan ako ng gana. Tsk. Pero susubukan ko. Kailangan ko nang masanay simula ngayon na kasama siya sa lahat ng bagay. Geez! Parang sumasakit ang ulo ko! "Alright," tipid kong sagot. "Yes! I'll be there in five minutes!" Mas lalo pa siyang sumigla. "Ang bilis mo naman. Ingat sa biyahe. Baka maaksidente ka. Sige ka, hindi matutuloy ang kasal natin." "Don't worry—I'll never let that happen. Superman kaya 'to." Muli akong napangiwi. "Sige na, bye-bye. Ingat." "I love you, my princess!" sigaw pa niya sa kabilang linya. Napatakip akong bigla sa bibig ko. Para akong masusuka! Kaagad ko na lamang pinatay ang linya bago pa mangyari 'yon. Ibinato ko sa kama ang cellphone ko bago bumalikwas ng bangon at tumakbo patungo sa banyo. Kamuntik na akong maduwal sa sink! Ilang ulit akong huminga ng malalim at ipinilig ang ulo ko. God! Hanggang kailan ko naman kaya matatagalan itong si Badong?! Hindi ko na lang siguro iisipin ang mukha niya sa tuwing makakausap ko siya sa phone. Guwapo naman kasi ang boses niya, malamig na medyo husky. Huminga akong muli ng malalim, at naghilamos na. Kahapon ko lang naman nakaharap at nakilala si Badong. But Lolo had been telling me about him for a long time—that he was the handsome grandson of his friend. Handsome? Saan naman kaya doon banda? Ang hirap hanapin. Nagmula siya sa Scotland, at kahapon lang din siya ng umaga dumating. Doon siya ipinanganak at lumaki. Pero last year lang ay nabalitaan naming namatay na ang mga magulang niya, kaya kinuha siya doon ng lolo niya at dinala dito sa Pilipinas. He knows how to speak Tagalog dahil parehong Pilipino naman ang mga magulang niya. May mga negosyo sila doon na ang ibang anak ni Mr. Salvion ngayon ang humahawak. At dahil sa negosyo kaya ipinagkasundo ako ni Lolo na ipakasal sa lalaking hindi ko naman gusto. Pero wala na akong magagawa. Kailangan ko na ring magpatali sa kahit kanino na lang, para lang maputol na ang pagpapantasya ko kay Stanley Montgomery. Kasi hangga't single ako at ganun din siya, aasa lang ako nang aasa. I'm twenty-eight now, and I've been dreaming of him since I was a child. Yes. But damn it, gusto yata niyang habambuhay maging binata! Huwag niyang sabihing hanggang ngayon ay baliw pa rin siya kay Joyce! Masaya na ang buhay ng babaeng 'yon ngayon sa piling ni Chrisven Delavega. Nadagdagan na nga ulit sila ngayon ng dalawa pang anak, kaya tatlo na ang anak nila ngayon. May mga asawa na rin at anak ang mga kaibigan ko, pero hanggang ngayon ay single pa rin ako. Napag-iiwanan na nila ako, no. Kawawa naman ako! Pero sa aming magkakaibigan, ako lang ang ikakasal na malungkot. Dahil hindi ko naman gusto ang lalaking pakakasalan ko. Kung naging guwapo sana si Badong, eh, 'di sana maipagmamayabang ko siya sa lintik na Stanley na 'yon. Try niya kaya magsuot ng wig. Baka sakaling magkaroon siya ng kahit kaunting hitsura. Ang layo-layo niya kay Stanley, kaya lalo pang lumaki ang ulo ng tipaklong na 'yon. Pagtatawanan niya lang ako kapag nakita niya si Badong. Napahinga akong muli ng malalim. Minabuti ko na lang maligo. Ayoko nang isipin pa ang lalaking 'yon. Starting today, I'm going to forget him! ***** NAGBIBIHIS pa lamang ako nang makarinig ako ng mahihinang katok sa pinto. "Anak?" I heard Mommy's voice from outside. Segundo lamang ay bumukas rin kaagad ang pinto at pumasok siya. "Good morning," nakangiti niyang bati, pero hindi 'yon umabot hanggang mga mata niya. Nababasa ko pa rin ang pag-aalala at lungkot sa mga mata niya hanggang ngayon. "Good morning, Mommy," bati ko rin at nginitian siya ng matamis habang nagsusuot ng underwear. Isinara niya kaagad ang pinto. "Bernardo is downstairs," she said, referring to Badong. "That's good. We'll be going out early today." Muli ko siyang binigyan ng munting ngiti. "Mapapadalas po ang paglabas-labas namin ngayon dahil sa bukod sa pag-aasikaso ng kasal namin, kailangan ko rin siyang makilala ng lubusan." Hindi kaagad siya sumagot. Naglakad siya patungo sa kama at inayos iyon. "Anak, kung hindi talaga bukal sa loob mo ang pagpapakasal sa kanya, pwede ka naming tulungan ng Dad mo na makalipad patungong ibang bansa para matakasan ang Lolo mo. Your older brother is there, too—he's against this marriage, too. He'll help you as well." "Mommy, 'wag na," sagot ko naman. "Ayokong magkaroon pa ng problema ang pamilyang 'to. Ayokong magalit sa inyo si Lolo. Besides, maraming utusan ang mga Salvion. Their influence is wide enough that they could still find me no matter where I hide." Mga damit ko naman ang isinuot ko. "Baka makatulong sa atin ang mga Delavega, ang Ate Rijhen mo." "No, Mommy. Makakaabala pa tayo sa kanya. Badong seems kind anyway. Who knows? I might even learn to love him..." Huminga akong muli ng malalim. Inalis ko ang tuwalyang nakabalot sa buhok ko bago humarap sa salamin. "Hayaan niyo na 'ko. Kayang-kaya ko na 'to, at haharapin ko 'to nang maluwag sa dibdib." Hindi na siya sumagot pa, pero nakikita ko pa rin ang lungkot at awa sa mga mata niya mula sa repleksyon niya sa salamin. "Mommy, do you remember? You and Daddy also had an arranged marriage back then, right?" tanong ko. "Because of Lolo. But look at you and Daddy now—living happily together. At ikaw na rin ang nagsabi na natutunan mo talagang mahalin si Dad. Ikaw lang din naman ang nag-iisang babae ni Dad at hanggang ngayon ay nakikita namin kung gaano ka niya kamahal. Sinabi mo rin na wala kang pagsisisi na sinunod mo noon ang parents niyo sa desisyong 'yon. Don't tell me you were lying." "Pero hindi naman lahat ganun, anak." "Malay niyo naman. Huwag na muna tayong humusga ngayon. At kung sakali naman na hindi ito mag-work, Badong and I can always have the marriage annulled. Ganun lang 'yon... Pag-uusapan na lang namin ito ng mabuti ni Badong. Ako na ang bahala." Lumapit ako sa kanya at niyakap siya mula sa likod. "I love you, Mommy. Thank you for always being there for me." Hinagkan ko siya sa pisngi. Pinigilan ko ang maging emosyonal. "Huwag na kayong mag-alala pa. Matanda na ako, at kayang-kaya ko na ang sarili ko." Nilingon niya ako at binigyan din ng munting-ngiti. "Kaligayahan mo lang naman ang iniisip ko." Hinawakan niya rin ang mga braso ko. "Magiging maligaya din ako someday," nakangiti kong sagot na may buong kumpiyansa. "Hindi naman habambuhay miserable ang buhay ko. Walang ganun. Sabi nga nila, bilog ang mundo. Darating rin ang tamang panahon para sa akin. I believe that. And we still have God on our side, Mommy." Huminga siya ng malalim. "Alright then. Just be careful, always." "I will, Mommy. I promise." Muli ko siyang niyakap ng mahigpit. "Aalis na po ako. Sa labas na kami magbi-breakfast ni Badong." Muli ko siyang hinagkan sa pisngi bago kumalas. "Alright. Take care." "Yes, Mommy!" Dinampot ko na ang shoulder bag ko at lumabas na rin ng silid ko. Napabuntong-hininga na lang akong muli ng malalim. Hindi ko alam kung mapapanindigan ko ba talaga ang lahat ng mga sinabi ko sa aking ina. Sana nga. PAGDATING ko sa hagdan ay natanaw ko na kaagad sa sala si Badong. Bihis na bihis at may dala pang isang bungkos ng red roses. Para sa akin ba 'yon? Kinikilabutan ako. Tsk. He smiled the moment he saw me. Agad siyang tumayo at lumapit sa ibaba ng hagdan. Nangingintab ang ulo niyang kalbo dahil sa pagtama sa kanya ng ilaw ng chandelier. Medyo malaki rin ang tiyan niya at halatang-halata iyon sa damit niya. "Napakaganda naman ng fiancée ko," bati niya habang titig na titig sa akin. Nababasa ko ang paghanga sa mga mata niya. "Good morning." Ilang ulit akong lumunok at huminga ng malalim. Pilit ko rin siyang nginitian. "Good morning," bati ko rin. "Umagang-umaga, pero akala ko ay tanghaling tapat na." "Why's that?" may pagtataka niyang tanong. Inilahad niya sa harapan ko ang kamay niya nang tuluyan na akong makalapit sa kanya. "Sobrang liwanag kasi ng ulo mo," sagot ko naman habang tinatanggap ito. Bigla na lamang siyang tumawa ng malakas. "Palabiro ka pala. I like that. Tiyak, magkakasundo tayo." Inalalayan niya akong makababa. Iniabot niya rin sa akin ang hawak niyang mga bulaklak. "For you." "Ang aga mo ring manligaw," I said as I took the flowers. "Uso ba 'yan sa ibang bansa?" "Wala naman sigurong oras ang panliligaw. Pinaghirapan ko pang pitasin ang mga bulaklak na 'yan sa hardin ni Lola. Ninakaw ko lang talaga." Kinindatan niya ako. Ako naman ang natawa ng malakas. "Lagot ka sa lola mo. Isusumbong kita." "Huwag naman. Kailangan nating magtipid ngayon sa ibang bagay, dahil mas importante kapag naikasal na tayo." Titipirin lang pala niya ako. Tsk. "Okay. Let's go. Nagugutom na rin ako. Iiwan ko na lang 'to dito, para wala na tayong dalahin." Ibinaba ko sa center table ang mga bulaklak. "Make sure to put it in your room later, okay?" "Yeah, I will." Sumunod na rin siya sa akin palabas ng bahay. Nakaabang naman na sa labas ang kotse niya at dalawang bodyguard. Ipinagbukas nila kami ng pinto. Si Badong ang umalalay sa akin papasok sa loob. Pagkasara niya ng pinto ay mabilis siyang umikot patungo sa kabilang bahagi at doon naman pumasok. Umalingasaw sa loob ng kotse ang bango niya. Binuhos niya yata ang lahat ng pabango niya sa bahay nila! "How old are you again?" I asked him. "29," he answered with a smile. "And you're still 28, right?" "Yes." "Perfect. We're just the right fit for each other." Lihim na lamang akong napangiwi. "May naging girlfriend ka na ba sa Scotland?" muli kong tanong. "Wait, may buhok ka ba dati?" Muli siyang tumawa. "Ang dami mo namang tanong. You seem really excited to get to know me." "Of course," I replied. "Magiging asawa kita kaya dapat lang na makilala kita ng lubos." "Alright." Huminga siya ng malalim, pero naroroon pa rin ang ngiti sa mga labi niya. "We're the same. I want to get to know you just as well ... and find out whether I can trust you with my secrets." Bigla akong napahinto sa sinabi niya, at mas napatitig pa sa kanya. Secret? Nangunot ang noo ko nang mapansin kong parang may kakaibang kulay sa kanyang buong mukha. Parang tinatakpan ng cream foundation, na hindi ko malaman. Pansin ko rin na hindi gaanong gumagalaw ang balat niya sa pisngi sa tuwing siya ay ngumingiti. Masyado ring malaki ang ilong niya. "Huwag mo naman akong masyadong titigan ng ganyan. I might melt right here," he said, quickly looking away. Itinago niya rin ng bahagya ang mukha niya mula sa akin. Ngayon ko lang kasi siya natitigan ng ganito sa malapitan. Kahapon ay halos hindi ko siya matingnan. "Sino bang kamukha mo sa parents mo?" tanong ko. "Parang hindi mo naman kasi kamukha ang lolo mo. Napakalayo." May hitsura naman kasi ang Lolo niya. Siguradong guwapo siya noong kabataan pa. "Hindi ko talaga kamukha ang Dad ko, lalo na ang lolo ko. Si Mommy ang kamukha ko sa amin." "Hmm..." Parang may something talaga sa mukha niya na hindi ko maipaliwanag. May cream foundation siyang makapal! Baka naman may mga itinatago pa siyang bulutong, pekas o mga tagyawat sa pisngi!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD