“See me in my office,” umalingawngaw ang malalim niyang boses sa telepono.
Kumuyom ang kamao ko at napalingon kay Zayn. Kumindat lang siya. Tama ba ang desisyon kong magtrabaho dito?
Marahas akong napabuga ng hangin bago lumabas ng opisina at nagtungo sa kanya. I dragged my skirt down before knocking on the door. Walang sumagot. Ilang segundo ang lumipas, saka ko itinulak ang pinto para buksan. Pagkapasok ko pa lang, bigla niya akong itinulak sa salaming dingding at marahas na inangkin ang mga labi ko.
Nanlaki ang mga mata ko sa gulat. Sinubukan ko siyang itulak palayo pero hinawakan niya ang dalawang kamay ko at idiniin sa salamin habang patuloy akong hinahalikan. Bahagyang umatras si Zayn at ngumisi bago marahang hinalikan ang leeg ko dahilan para manginig ang aking katawan.
“Kilala mo ako, Sera. Walang makakapigil sa akin kapag may gusto ako,” bulong niya malapit sa labi ko habang marahang kinakagat ang ibaba kong labi.
Lalong idinikit ni Zayn ang kanyang katawan at muli akong hinalikan. Sinipsip niya ang labi ko at tinukso ang aking dila na para bang inaangkin ang bawat sulok ng bibig ko.
“Kiss me,” bulong niya sa tainga ko bago marahang kagatin.
“Over my dead body,” I spat at his face.
Ngumisi si Zayn at pinunasan ang laway sa kanyang pisngi saka ’yon dinilaan. I groaned in disgust.
“You taste sweet,” bulong niya habang kinagat ang labi sa mapang-akit na paraan.
Marahang iginiya ang kamay niya sa dibdib ko. Bumilis ang paghinga ko. Pinilit kong huwag magpakita ng anumang reaksyon at napansin niya ‘yon. Mas lalong lumawak ang ngisi ni Zayn. Bigla niya akong binitawan. Napasinghap ako sa ginhawa.
“Paano mo nagawa ’yon?!” sigaw ko habang tumutulo ang mga luha.
Naiiling na bumalik sa upuan si Zayn na tila walang nangyari habang pinapanood akong umiiyak.
“I hate you so much!” sigaw ko.
Umismid siya.
“Here.” Inilahad niya ang isang file sa akin.
Hindi agad ako kumilos. Tinitigan ko lang siya na puno nang galit.
I wished I could get away from him. Sana maayos na ang kalagayan ni mama para hindi ko na kailangang magtrabaho dito. So I wouldn’t have to face this jerk every single day. Galit ako sa sarili dahil hindi ko siya napigilan. Galit ako dahil palagi akong natatakot sa kanya. Galit ako dahil hindi ko kayang ipagtanggol ang sarili.
“Keep staring at me like that, and I’ll assume you want me to kiss you again,” Zayn said casually.
Agad akong umiwas ng tingin at pinunasan ang luha. Kilala ko si Zayn. Hindi 'yon ang ibig sabihin ng tingin ko pero alam kong gagawan niya ng ibang kahulugan. I snatched the file from his hand, making him chuckle.
“Those are important documents. I want you to arrange them properly,” he instructed.
I stared at him with pure hatred. A part of me still had feelings for him. Inamin ko na ‘yon sa sarili ko. Pero hinding-hindi ko aaminin sa kanya. Inabot niya sa akin ang isang notepad at tinanggap ko ‘yon.
“Nandiyan ang lahat ng schedule ko,” sabi niya. “Pwede ka nang umalis,” he added, already turning his attention to his laptop.
I scoffed quietly. Hindi pa rin siya nagbabago. All he ever wanted was my body.
“Nakuha mo na ang gusto mo, ’di ba?” tanong ko.
Nakangising nag-angat siya ng tingin sa akin.
“Parang strawberry ang lasa ng labi mo. I would like to have more,” sabi niya habang dinidilaan ang kanyang labi.
“Siguro iniisip mong gusto lang kitang makasama sa kama. Yeah, maybe. But I also want you to be mine forever.” He winked.
He looked so serious. But I refused to believe him. Sinamaan ko siya ng tingin bago tuluyang lumabas ng opisina niya. Ramdam kong nakatitig pa rin si Zayn sa akin sa likod ng salamin. Nang sumulyap ako, nakita ko ang nakakalokong ngiti na sumisilip sa kanyang labi.
“Hey!” kumaway si Jeda mula sa labas.
Tumayo ako at binuksan ang pinto para sa kanya.
“Hi,” nakangiti kong bati.
I was actually happy to see her.
“Tapos na ako sa trabaho ngayon, kaya naisip kong dalawin ang bago kong kaibigan,” masigla niyang sabi.
Ang hilig niyang ngumiti. Nakakagaan sa loob.
“Kaibigan?” gulat kong tanong.
Tumango siya. “Ayaw mo ba akong maging kaibigan?” ngumuso siya.
Napatawa ako. “Of course.”
Nanlaki ang mata ko nang bigla niya akong niyakap.
“Thank you for being my friend,” she said.
Ngumiti ako. Masaya rin naman akong may kaibigan dito.
“Ano bang trabaho mo sa kumpanya?” tanong ko.
“We’re in charge of the CCTV cameras. Minomonitor namin at inaayos kapag may sira,” paliwanag niya.
Tumango ako. Napatingin muli sa opisina ni Zayn. He was completely engrossed in his work. Kahit gaano siya kakulit, seryuso naman kapag trabaho ang pinag-uusapan. Isa ‘yon sa mga dahilan kung bakit siya paborito ng kanyang ama.
“What about that girl?” I asked softly.
“Si Karina ba?” tanong ni Jeda.
Napabuntong-hininga ako. “Oo, hindi ko nga alam pangalan niya.”
“She’s in the same department as me,” sagot niya.
Tumango ako pero napatingin na naman sa opisina ni Zayn.
“Bakit siya nasa opisina ni Zayn? Hindi man lang kumatok,” bulong ko.
“May sinabi ka ba?”
“Wala,” mabilis kong sagot.
Hindi ko gusto ang pakiramdam na ‘to. Not that I cared anyway.
Natapos ang buong araw ko na puno ng stress dahil kay Zayn. Wala itong iba ginawa kun'di ipatawag ako sa kanyang opisina kahit wala namang iuutos. Gusto niya lang daw akong makita.
“Bray, lalabas na ako maya-maya,” sabi ko habang maingat na inilalagay ang mga dokumento sa loob ng bag.
Nauna nang umalis si Jeda. Ang dami naming napag-usapan bago siya tuluyang nagpaalam.
“Nagdala ako ng popcorn. Iniisip ko na manood tayo ng movie kasama si Klea,” sabi ni Brayden sa kabilang linya.
Napangiti ako.
“Anong series ang papanoorin natin?” tanong ko.
“Kailangan pa bang itanong 'yan? Alam naman nating pareho na paboritong pelikula ni Klea ang Akeelah and the Bee, kaya 'yon ang panonoorin natin,” sagot niya.
Napatawa ako. “Ilang beses na niyang napanood ang pelikulang ’yon, hindi ko na mabilang.”
Paglingon ko, bigla akong natigilan. The devil himself was standing at the entrance of my office, staring at me with a strange expression on his face.
“Bray, I’ll be out soon. See you,” mabilis kong sabi bago pinatay ang tawag.
Dahan-dahan akong humarap kay Zayn.
“Brayden pala ang pangalan niya,” he said with a dry chuckle.
“Kailangan ko nang umalis,” sagot ko at sinubukan siyang lampasan, pero bigla niya akong itinulak pabalik.
“Galit ako sa lalaking ’yon,” bulong niya.
I scoffed. “Kung galit ka sa kanya, problema mo na ’yon.”
Tinulak ko siya palayo sa daraanan ko. Hindi niya ako pinigilan. Nakatayo lang siya roon. Habang papalayo ako, narinig ko siyang nagsalita sa likuran ko.
“You don’t know what you’ve gotten yourself into, son of a bitch."
Natigilan ako. Hindi ko maipaliwanag kung bakit pero may kakaibang lamig na gumapang sa buo kong katawan.