Chapter 2: Who is he?

1245 Words
Dahan-dahan kong itinulak ang pinto at agad na sinuyod ng mga mata ko ang pamilyar na sala. Pagkasara ng pinto sa likod ko, tuluyan nang bumigay ang aking tuhod. Binitiwan ko ang bag at humiga sa malamig na sahig, hinayaan ang mga luha na tuloy-tuloy na umagos mula sa mga mata ko. Dapat noon pa lang alam ko na. When people described him as wicked and arrogant, I should’ve listened because that was exactly who he was. Ang makipagrelasyon sa kanya ay parang impyerno. And now, seeing him again… it dragged back all those disgusting memories I tried so hard to bury. “Ate…” Isang munting boses ang tumawag sa akin. Mabilis kong pinunasan ang mga luha at tumingin sa maliit na pigura sa likod ko, pilit na nagpipinta ng ngiti sa labi. Pero alam kong halata. “Okay ka lang?” maingat niyang tanong. I nodded, even though it was a lie. Ngumiti siya at mabilis na lumapit sa akin. “Natanggap ka ba sa trabaho?” excited niyang tanong. Hindi ako agad nakasagot. Tinitigan ko lang siya. Isa siya sa mga dahilan kung bakit pilit akong lumalaban. Si Klea, ang kapatid kong babae. Isang magandang bata, matalino at masayahin. Ang tanging hiling ko lang ay manatili ang ngiti sa mukha niya, kahit pa gumuho na ang mundo ko. Nasa ospital si Mama at may breast cancer. Isang salitang parang kutsilyong paulit-ulit na tumutusok sa dibdib ko. Kailangan namin ng pera para maipagamot ito. Kaya ako naghanap ng trabaho. Pero parang lagi na lang may humaharang sa daan ko. And our father… his case was another nightmare. Inakusahan ng pagpatay. Sentensiyado ng habambuhay na pagkakakulong. “Hindi mo nakuha ‘yung trabaho?” malungkot na tanong ni Klea nang mapansin ang pananahimik ko. I couldn’t answer. Paano ko sasabihin na nakuha ko nga ang trabaho pero ang boss ko ay ang lalaking muntik nang sumira sa pagkatao ko? Working with Zayn would be a dangerous game, and I refused to be his victim again. “Kumain ka na ba?” I asked, quickly changing the topic. Tumango siya at ngumiti. “Kailan tayo bibisita kay Mama?” tanong niya ng nakanguso. Marahan kong ginulo ang buhok ni Klea. “Sa weekend, kapag nakahanap na ako ng trabaho.” She nodded in understanding. Desidido na ako. Hindi ako magtatrabaho kay Zayn. Kahit ano pa ang mangyari. Hahanap ako ng ibang trabaho para mailaban ang kalusugan ni Mama. “Okay,” sabi ni Klea bago marahang naglakad papunta sa sofa at binuksan ang maliit na TV sa sala. Muli kong pinunasan ang mga luha at dinampot ang bag ko nang biglang maramdaman ang pag-vibrate ng cellphone ko. I frowned at the unfamiliar number before answering. “Hello, Sera.” Ang pamilyar niyang paos at mababang boses ay parang malamig na hangin na dumaan sa balat ko. My blood froze. Tears. Biglang nangilid ang mga luha sa mata ko. Kumabog ang dibdib ko na parang sasabog, at ang tanging hiling ko lang ay sana panaginip lang ito. Matagal na simula nang maramdaman ko ang ganitong takot. And he was one of the few people capable of making me feel this terrified. Inilapat ko ang kamay sa aking dibdib, pilit pinapakalma ang sarili pero walang silbi. Sinakop na ako ng takot. Wala na akong kontrol. “Say something, Sera. Gusto kong marinig ang maliit at sexy mong boses,” malamig niyang sabi. Nanatili akong tahimik. Hindi ako makapagsalita. Para bang nawala ang boses ko, nilamon ng takot. I should have researched the company better. Akala ko pamilyar lang ang pangalan. Kung alam ko lang kung sino ang may-ari. Matagal na sana akong tumakbo palayo para iligtas ang sarili. “You don’t want to answer?” he said in that husky tone I knew too well. “Fine. Gusto ko lang ipaalalang mag-ayos ka bukas. Dress nice… sexy.” Isa sa mga ugali niyang hindi kailanman mawawala ay ang mang-asar at manakot. “H-hindi ako papayag maging secretary mo,” I stuttered, my voice shaking uncontrollably. Isang mababang halakhak ang narinig ko mula sa kabilang linya. “Sera, I knew you were coming to the interview from the start,” he said calmly. “The moment I saw your picture and your CV, I knew it was you. At hindi ko kayang hayaan na makawala ka ulit sa akin.” Parang binuhusan ng malamig na tubig ang buong katawan ko. Napahinga ako nang malalim at dahan-dahang naupo sa upuan. He knew. He knew I was coming. “H-hindi ako magtatrabaho,” mahina kong ulit. “We’ll see about that,” sagot ni Zayn bago tuluyang ibaba ang tawag. Dahan-dahang nahulog ang cellphone mula sa nanginginig kong kamay. Hindi ko namalayan na nakatingin na pala sa akin si Klea. “Ate… okay ka lang?” tanong niya, bakas ang pag-aalala sa boses. I couldn’t answer. Hanggang ngayon, hindi ko pa rin maintindihan kung ano ang ginawa niya sa akin noon para maramdaman ko ang ganitong takot na hindi nawawala kahit boses lang niya ang marinig ko. Zayn was a dangerous man. Isang lalaking dapat katakutan. But should an ex be this afraid of him? Naupo ako sa gilid ng kama, nakatitig lang sa pagkain sa harap ko. Wala akong ganang kumain. All I could think about was the possibility of Zayn finding me. “Ate...” Bumukas ang pinto at sumilip ang kapatid ko. “May naghahanap sa ’yo.” Biglang bumigat ang dibdib ko. Bumalik ang takot na akala ko pansamantala ko nang nakalimutan. Si Zayn ba? “S-sino?” nanginginig kong tanong. “Hindi ko kilala,” sagot ni Klea. Lumunok ako bago tumayo. Mabigat ang bawat hakbang ko palabas ng kwarto. Sumilip ako sa sala. May lalaking nakaupo sa sofa, nakataas ang isang paa at nakatutok sa TV. Hindi si Zayn. Napabuntong-hininga ako sa ginhawa. “Brayden,” tawag ko habang papalapit sa kanya. Ngumiti siya at tumingin sa akin. “I missed you,” sabi niya. We hugged. “Did you get the job?” he asked. Nanigas ako. Simpleng tanong lang 'yon, pero bakit parang may bumara sa lalamunan ko? “Hindi,” sagot ko. Napabuntong-hininga si Brayden. “Okay lang ‘yan. Sigurado akong makakahanap ka pa ng iba.” Marahan niya akong niyakap, parang pinapakalma ang magulong isip ko. Brayden was my best friend, the kind anyone would be lucky to have. Lagi siyang may paraan para mapangiti ako. We hadn’t known each other for long, but he had been nothing but kind and supportive. A knock on the door interrupted us. I immediately pulled away and stood up. My heart began to race. Naglakad ako papunta sa pinto at dahan-dahang binuksan. At napako ako sa kinatatayuan nang makita kung sino ito. Zayn stood there boldly, like a king, guards surrounding him as if he owned the world. May mga gwardiyang kasama na parang sinisigurong wala na akong kawala. I had forgotten about him… or maybe I had just hoped he wouldn’t come. “Hi,” he said, waving casually, that familiar smirk on his face. Sinubukan kong isara ang pinto, pero agad itong pinigilan ng isa sa mga gwardiya. Pumasok si Zayn na parang pag-aari niya ang lugar, diretso ang tingin sa akin. Pagkatapos, dahan-dahang lumipat ang mga mata niya kay Brayden na tahimik lang na nakamasid. Kumunot ang noo niya bago muling bumalik ang tingin sa akin. “Who is he?” he asked coldly, his voice filled with anger.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD