CHAPTER 8

2122 Words
MATAAS NA ANG sikat ng araw nang magising si Cadence. Hindi muna sya bumangon dahil kanya munang pinakiramdaman ang sarili. Hindi na masakit ang ulo nya at sinat na lang ang mayroon sya. Ang kanya namang paa ay ganoon pa rin ang kirot. Dahan-dahan syang naupo sa kama. Walang ibang tao ang nandoon sa silid. Maingat nyang nililis ang kumot sa katawan hanggang sa matanaw ang paa na namamaga. Bumuntong-hininga si Cadence. Sumandal sya sa mga unan saka muling pinikit ang mga mata. Kanina pa sya nya gusto magtungo sa banyo. Mukhang kailangan nya talagang mag-isa na bumangon. Kahit naman kasi nandito ang mommy nya, hindi rin naman sya nito maaalalayan. Noon nya naalala si Aga. Naalala nya na naman ang kabutihan nito sa kanya mula kahapon hanggang sa pagbabantay sa kanya kaninang madaling araw. "Anong oras kayang oras sya umalis?" tanong nya habang nakatulala. Wala sa sariling napangiti sya pero kaagad din iyon na nawala nang may kumatok sa pinto. "Bukas iyan!" aniya. Malapad ang ngiti ni Cadence sa pag-aakalang baka si Aga iyon ngunit nagkamali sya. Ang pinsan nyang sina Aliona at Azariah ang pumasok doon. May dalang tray si Aliona. Si Azariah naman ay dumiretso sa kanya habang nakangiti. "Kumusta na ang pakiramdam mo?" tanong nito sa kanya. Nilagay nito ang palad sa kanyang noo. "May sinat ka pa. Teka, iipit mo tong thermometer sa kili-kili mo. Mas mabuti na alam natin ang exact temperature mo." Hindi sya kumibo. Sinunod na lang nya ang sinabi nito. Tinanaw nya ang tray na nilapag ni Aliona sa kabilang gilid nya. "Kumain ka na kasi iinom ka ng gamot mo," anito. Kumunot ang noo nya. "B-bakit kayo ang nandito?" Nagkatinginan ang dalawa. Maya-maya lang ay may sumilay na pilyang ngiti sa mga labi nito. Mas lalo syang nagtaka. "B-bakit?" "Bakit? Sino ang gusto mong nandito?" tanong ni Azariah. "Sino pa nga ba?" Lumapit pa ang mukha ni Aliona sa kanyang mukha. "Si Aga ba?" Nanlaki ang mga mata nya. Pakiramdam nya ay nag-init ang kanyang mukha. "L-lumubay nga kayo! H-hindi, no!" Nag-iwas sya ng tingin. Kinuha nya ang isang unan saka itinakip sa mga mata. Narinig nya ang pang-aasar sa kanya ng mga pinsan. "Nagtatago pa!" "Nagba-blush iyan for sure!" ani Aliona saka natawa. Bigla nya inalis ang unan saka tiningnan ang mga ito. "Hindi nga! Sumasakit lalo ulo ko sa inyo, e!" aniya saka hinampas ng unan yung dalawa kahit hinang-hina sya. Natatawa na hinuli ni Azariah ang kamay nya. "Oo na, oo na. Sige na. Kumain ka na kasi iinom ka pa ng gamot." "Nasaan nga pala ang mommy ko?" "Nasa Butterfly Haven sila. Dumating kasi ang ibang mga kamag-anak ni Abuela galing pang Mindanao," paliwanag ni Azariah habang hawak ang tray. Nilagay nito iyon sa harapan nya. "Kumusta pala ang paa mo?" "Masakit pa rin, e." "Namamaga pa kasi. Sige na kumain ka na." Sinimulan nya kumain kahit na wala syang gana. Kailangan nya uminom ng gamot at magpagaling. Pinagpatuloy nya ang pagkain habang ang mga pinsan ay panay ang kwentuhan. Wala syang ma-gets sa topic ng mga ito dahil hindi nya kilala ang mga pangalan na binabanggit. "Thank you," aniya nang alisin ni Azariah ang tray sa harap nya. "You're welcome. May gagawin ka ba sa CR? Sasamahan kita." "Mayroon pero kaya ko naman na siguro." Inirapan sya nito. "Kaya mo? Sige nga. Tingnan natin!" anito saka humalukipkip. Narinig nya ang pagtawa ni Aliona. Umupo ito sa kanyang tabi. "Go, girl!" Umirap sya sa mga ito. "Kaya nga ko nga. Believe me." "Kaya nga. Tumayo ka riyan para makita namin. Go!" mataray na pagkakasabi ni Azariah. Sinimulan nyang igalaw ang paa pero agad sumugid ang kirot doon. Napangiwi sya nang lumingon sa pinsan. Ngumiti naman ito na animo tuwang-tuwa sa nakikita. "Kaya mo na no?" "Huwag mo kasi ako i-pressure!" aniya. Natawa ito. "Hoy ano? Pine-pressure kita? Grabe, ah!" anito. Lumapit ito sa kanya. "Huwag matigas ang ulo, okay?" Tumango sya. Mukhang wala syang magagawa pa talaga sa ngayon dahil sa lagay ng kanyang paa. Inakay sya ng mga ito papunta sa banyo. Lihim syang nagpapasalamat sa mga ito. Sakto naman na kalalabas lang nila ng banyo nang may kumatok sa pinto. Lumapit doon si Aliona at binuksan iyon. Nakangiti ang mommy nya nang pumasok doon. "Good morning, anak," anito. Napangiti rin sya rito pero mas lalong lumapad ang ngiti sa labi nya nang makita si Aga sa likod ng kanyang mommy. Ito ang nagtutulak sa wheelchair at maingat na inalalayan ito palapit sa kanya na nakaupo na sa kama. "Kumusta na ang pakiramdam mo, anak?" "Hindi na po ganoon kasama ang pakiramdam ko," sagot nya. "38.8° pa rin po ang temperature nya, Tita," ani Aliona. Tumango ito. "Ang paa mo, kumusta?" Nasa paa nya ang atensyon ng lahat. "Makirot pa rin po saka ayan, namamaga pa rin." "Ininom mo na ba ang mga gamot mo?" Napatingin sya bigla kay Aga na syang nagtanong sa kanya. Seryoso ang mukha nito at kitang-kita nya kung paano nito pag-aralan ang lagay ng paa nya. "Oo." Tumango ito saka nag-iwas ng tingin. "Sige." Huminga ito nang malalim bago humarap sa mga pinsan nya. "Tawag pala kayo ng mga magulang ninyo." Nagkatinginan sina Aliona at Azariah. "Bakit daw?" "Hindi ko alam. Basta sumunod na lang kayo, okay?" May pekeng ngiti ito sa labi. "Nakakainis naman!" ani Azariah bago humarap sa kanya. "Babalik kami mamaya, ha? Pagaling ka." Tumango sya. "Sige. Salamat ulit." Lumabas ang dalawa at naiwan ang mommy nya at si Aga. May binulong ang huli sa kanyang mommy at maya-maya pa ay lumabas na rin ito. Tiningnan nya ang mommy nya nang hawakan nito ang kanyang palad. "Pasensya ka na kung hindi kita maalagaan kapag may sakit ka, anak." Ngumiti sya rito. "Mommy, ngayon mo lang naman ako di naalagaan dahil nasa baba ang kwarto ninyo ni daddy. Huwag po kayo mag-isip ng kung ano-ano." Hinawakan nito ang kanyang pisngi. "Napakabait mo, anak." "Ay, mommy p'wede ba akong magtanong?" "Sige. Ano ba iyon?" Tiningnan nya muna ang pinto bago mahinang nagsalita, "may napapansin po kasi ako kay Aga." "Kay Aga?" "Opo." Ilang sandali itong napaisip pero agad din na napalitan iyon ng ngiti na may panunukso. "Anak... may crush ka ba—" "M-mommy!" Tumawa ito. "Bakit? Gwapo naman si Aga, ah!" Naitakip nya ang mga kamay sa mukha nya. "Mommy naman! Wala akong crush sa kanya, okay? Saka malabo akong magkagusto roon!" Kumunot ang noo nito. "Talaga? Bakit naman? Ang gwapo kaya ng batang iyon. Mabait pa saka matulungin." "Mom, he's just a gardener!" aniya. "Cadence!" saway sa kanya nito at sumeryoso ang mukha. "Anong ibig mong sabihin?" "Mommy, gardener lang sya." "So?" "So? Mommy, hindi kami bagay! Hindi kami p'wede!" "Cadence, bakit ganyan ang mindset mo, anak?" Kumunot ang noo nya pero hindi sya nagsalita. "Anak, hindi ka dapat nag-iisip ng ganyan. Hindi ka dapat tumitingin sa estado ng mga taong nasa paligid mo," anito na bagaman at kalmado ang boses, alam nyang hindi nito nagustuhan ang kanyang sinabi. "Mabait na bata si Aga. Sya ang pinakamatagal na naging hardinero dito sa Hacienda De Lara. Sya lang din ang pinagkakatiwalaan ng Abuela mo." Hindi pa rin sya kumikibo. Alam naman nya mabait ito pero hindi nya kasi maiwasan na maisip ang lagay ng trabaho nito. "Anak, marangal na trabaho ang pagiging hardinero. Naiintindihan mo?" Tumango sya. "I'm sorry." "Nakalimutan mo na ba na galing din ako sa hirap at hindi ako tanggap ng mga kamag-anak ng daddy mo?" Tumingin sya rito. Oo nga pala. Iyon ang dahilan ng mga ito at ngayon, naisip nya na parang wala syang pinagkaiba sa mga kamag-anak nya dahil ganoon din sya. "Sorry, mommy." "Subukan mo kaibiganin si Aga. Mabait na bata iyon. Kung nagawa mong kaibiganin ang mga pinsan mo, siguro kaya mo rin gawin iyon sa kanya. Naiintindihan mo ba ako?" tanong ng mommy nya. Tumango sya. "Cadence, iyan ang ayaw na ayaw ko. Ayaw ko na makainisan ka ng maraming tao dahil lang sa tumitingin ka sa kung anong estado at trabaho nila. Kung wala silang ginagawang masama sa iyo, hayaan mo sila na mapalapit sa iyo. Sana naiintindihan mo ako." Tumango syang muli. Ngayon, wala syang ibang masabi pa dahil naguguilty sya. Alam naman ni Cadence na mabait si Aga at mali ang nasabi nya. Hindi naman nya kasi inaasahan na ganoon ang tingin ng mommy nya rito. Na ayos lang pala rito kahit hardinero lang. Napangiti sya at hinawakan ang kamay ng ina. "Don't worry, mommy. From now on, sisimulan ko na syang kaibiganin. Tama ka. Mabait naman si Aga." Ngumiti rin ito sa kanya. "Tama ka, anak. Mabait sya at ngayon, sya lang ang mapagkakatiwalaan natin. Walang iba." "Ano po iyon, mommy?" "Wala, anak. Basta tandaan mo ang mga sinasabi ko, okay?" NAGISING SI CADENCE nang maramdaman na may tao sa loob ng kanyang silid. Maliwanag pa sa labas kaya naman nakita nya agad kung sino iyon. "A-aga?" Nakatayo ito sa paanan nya at pinagmamasdan sya lalo sa kanyang paa. Seryoso ang mukha nito at nang marinig ang boses nya, tila tamad na tamad itong tiningnan sya. "Kumain ka na. Tanghalian na." Lumakad ito upang kuhanin ang tray na may laman na pagkain na nakalagay sa sofa. Maingat syang bumangon at naupo. Si Aga naman ay ipinatong ang tray sa harap nya. "Kaya mo ba kumain nang mag-isa?" Tumango sya. "Thank you." Hindi ito kumibo. Inayos nito ang kanyang pwesto. Nilagyan nito ng unan ang kanyang likod upang komportable syang makaupo. Nakaramdam ng pagkailang si Cadence dahil sa sobrang lapit nito sa kanya. Amoy na amoy nya ang pamilyar na pabango nito. "Komportable ka na ba sa pwesto mo?" tanong nito habang nakadukwang sa kanya. "O-oo," aniya. Nagkasalubong ang mga tingin nila. Doon nya natitigan ang mga mata nito. Hindi nya maipaliwanag ang nararamdaman ngayon. Ang dibdib nya, malakas ang kabog at tila ayaw mahiwalay ng titig nya rito. Dahil dito, ngayon napagtanto ni Cadence na may hawig ito sa Korean actor na si Ji Chang Wook. Ang mga mata, ilong at ang labi. "Kumain ka na," anito saka lumayo sa kanya. "S-sige," aniya saka sinimulan ang pagkain. Ilang na ilang sya dahil nakatingin lang ito sa kanya at animo binabantayan ang pagsubo nya. "B-bakit?" Hindi nya maiwasan ang magtanong. "Wala naman. Ubusin mo na iyan para makainom ka na ng gamot." Lumakad ito palapit sa bintana. Nakasuot si Aga ng maong pants saka plain green V-neck shirt. Nakahalukipkip ito habang nakamata sa labas ng bintana. Dahilan iyon upang lumabas ang mga biceps nito sa katawan. Nag-iwas sya ng tingin at tinuon ang buong atensyon sa pagkain. Kahit naiilang sya, kailangan nya pa rin kumilos ng normal kahit na kinakabahan sya sa hindi malamang dahilan. Tapos na sya kumain at nakainom na ng gamot nang lingunin sya ni Aga. Seryoso pa rin ang mukha nito. "Tapos ka na?" Tumango lang sya. Lumapit si Aga sa harap nya at kinuha ang tray na dala. "Ahm... Bakit nga pala ikaw ang... ang nagdala ng pagkain ko? Nasaan sina Aliona?" "Nasa Butterfly Haven sila." "Okay," aniya. Hindi nya alam kung paano sisimulan ang pakikipag-usap dito. Nahihiya sya. "Aga?" "Hmm?" "Ah... Salamat nga pala ulit," aniya. Tiningnan sya nito at tumango, "sige." "Anong 'sige'?" tanong nya rito. "You're welcome," seryoso pa rin ito. Walang kangiti-ngiti. Muli itong tumalikod hawak ang tray. "Saka s-sorry rin," mahina nyang sabi. Napatigil si Aga. Kitang-kita nya na bumuntong-hininga ito bago ipinagpatuloy ang paglagay ng tray sa sofa. Humarap ito sa kanya saka nilagay ang mga kamay sa magkabilaang bulsa. "Para saan?" Sya naman ang huminga nang malalim at sinalubong ang tingin nito. "Alam ko na may mga nasabi akong hindi maganda sa iyo nitong mga nakaraang araw. Lalo na yung sa bagay na ba pagiging hardinero mo." Nanatiling walang kibo si Aga. "Pasensya ka na kung naoffend kita sa bagay na iyon. I'm really sorry. Nagkamali ako." "Bakit ka nag-sosorry?" "K-kasi nga—" "Wala na iyon. Kalimutan mo na," anito. Saka sumilay ang ngiti nito sa labi. Hindi makapaniwala si Cadence sa nakikita nya. Ngayon lang yata sya nito nginitian nang ganito. "T-talaga?" Tumango ito. "Oo. Basta huwag mo na lang uulitin at gagawin sa iba. Tama ang mommy mo, makakainisan ka ng ibang tao kapag ang mindset mo." "S-sige," aniya. Heto na naman ang hiyang nararamdaman dahil sa inasal nya rito. "S-sorry ulit. S-sana maging m-magkaibigan tayo." Nilahad niya ang kamay dito. Tiningnan iyon ni Aga saka tumaas ang kilay. Mayamaya lang, ngumiti ito saka tinanggap iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD