HINDI NYA MATANDAAN kung gaano sya katagal sa harap ng kabaong ng abuela nya. Noong unang makita nya ito, wala syang ibang naramdaman kung hindi lungkot. Ngayon lang nya unti-unting napagtatanto na wala na nga ang pinakamamahal na abuela. Naramdaman ni Cadence ang kamay na humawak sa kanya. Nang lingunin nya kung sino iyon, bahagya syang napangiti. Ang mommy nya iyon na may pag-aalala sa mukha. "Maupo ka muna, anak," sabi nito saka piniga ang kanyang kamay. Tumango lang sya saka pinunasan ang mga luha sa pisngi. Napalingon sha sa gawi ni Aliona na nasa kanyang kabilang gilid. Hinimas nito ang likod nya. "Are you okay?" Tumango sya. "Oo." "Halika, maupo muna tayo." Inakay sya nito. Halos lahat ng mga mata ng lahat ay nasa kanya. May kung ano sa mga iyon at hindi nya sigurado kung awa

