MAAGA NAGISING si Cadence dahil balak niyang magprepara ng masarap na almusal bago umalis sina Aga pati na sina Migs at Kean. Tulog pa ang kaniyang mga pinsan pati ang mommy niya. Nagpatulong na lang muna siya sa isang kasambahay nila upang ayusin ang mga kasangkapan na gagamitin. Nagsangag siya ng kanina at nagprito ng mga itlog, hotdog at ham. May tinapay din siyang nilagay sa pinggan. Nagtimpla rin siya ng juice at kape. Hindi naman niya alam kung ano ang gusto ng mga ito pagdating sa agahan kaya naman lahat ay hinanda na ni Cadence. Magana niyang inayos ang hapagkainan at nang makitang alas siyete y medya ay inalis na niya ang suot na apron. Sa totoo lang ay nalulungkot siya dahil malalayo nang ilang araw any nobyo pero alam naman niyang wala siyang magagawa. May sarili rin itong buh

