HINDI NA NAGTAKA pa si Cadence nang magising siya kinabukasan ay marami ng mga guards na nakapalibot sa kanilang bahay. Hindi kasing laki kagaya ng mansyon sa Hacienda Aitana ang bahay nila sa Bulacan pero dalawang palapag din iyon. Ngunit ang bilang ng seguridad at masasabing kapareho ng bilang kung ilan mayroon sa mansyon. Napabuga ng hangin si Cadence habang nagsasalit ng cereal at gatas sa mangkok. Hindi pa niya nakikita si Aga mula nang bumaba mula sa silid. Ang mommy niya ay abala sa pagdidilig ng mga halaman. Nag-good morning lang siya rito at dumiretso na sa kusina upang mag-agahan. Sinulyapan niya ang cellphone na nasa mesa katabi ng mangkok. Wala ni isang text o tawag si Aga. Nang katukin niya kanina ang silid nito at ni Migs, wala ng tao roon. Kahit ang pinsan niyang si Arisia

