DUMIRETSO SILA ni Aga sa kanyang silid. Nang makapasok doon ay agad nya itong pinaupo sa sofa. Wala itong kibo at nakatingin lang sa kanyang kinikilos. Kinuha nya ang maliit na first aid kit na nasa loob ng nightstand nya. Tumabi sya rito saka nilabas ang alcohol at bulak. Tahimik nyang nilinis ang sugat nito. Habang nililinis iyon, noon nya napansin na hindi lang ito sa kamay may gasgas. Kahit sa braso ay mayroon din. Bumangon ang pag-aalala nya para dito. "Napaaway ka ba?" "Hindi." Parang tamad na tamad naman nitong sagot. Mukhang walang balak na magpaliwanag sa kanya. Siniringan nya ito ng tingin. Bahagya nya diniinan ang bulak na nasa sugat nito dahil kaya napaigtad si Aga. "Nagsisinungaling ka talaga sa akin!" Hinawakan nya muli ang kamay nito saka maingat na nilinis. Hinihipan d

