#LastYear #NagbalikSiZy #Broken #Space Nagbabalik na po si Zyron, at kailangan po natin siyang damayan :)CHAPTER 29: THE TRUTH [Katherine Chelsea Aguilar] Habang naglalakad pauwi sa apartment, tahimik lang kaming dalawa ni Skyler. Buti walang nakakita sa kanyang taga-University na kasama ako, kung hindi panigurado tsismis ito sa buong University bukas. Ayoko naman mangyari 'yon. Mugto pa rin ang mga mata ko. Namumula na rin ang ilong ko sa kakasinghot. Kanina pa ako tinatanong ni Skyler kung ano ba ang nangyari at kung bakit ako umiiyak. Hindi ko siya pinansin at hinayaan. Wala akong ganang sagutin ang tanong niya. Nang makarating na ako sa apartment, ramdam kong nakasunod pa rin siya sa'kin. Papasok na ako sa apartment ko ng hindi siya pinapansin nang bigla niyang hablutin ang b

