[Katherine Chelsea Aguilar]
Ilang araw na ang nakalipas, eh gano'n pa rin si Skyler sa'kin. Sabi niya tawagin ko siya sa pangalan niya edi go. Sa utak lang naman, pero gurang ang tawag ko sa kanya kasi mas matanda naman talaga siya sa'kin 5 or 6 years yata.
Tuwing umaga, lagi niya akong inaabangan sa tapat ng apartment namin. Kapag naman papasok ako sa trabaho, lagi niya akong sinasabayan sa paglalakad ko. Parang hinahatid ako. Tapos tuwing natatapos ang shift ko, lagi siya nakaabang sa'kin sa labas. Ewan ko ba sa lalaking 'yon. Lagi siyang sunod ng sunod sa'kin. Hindi niya ba nahahalata na iniiwasan ko siya? Manhid kasi ang lalaking 'yon kaya lapit siya ng lapit. Nakakainis siya. Tuwing tinataboy ko siya, nagmamatigas siya. Ayaw niya akong sundin. Tapos lagi pa siyang may dalang bulaklak tuwing hinihintay niya ako sa trabaho. Hindi ko iyon pinapansin bagkus umaalis agad ako.
Gusto ko na talaga siyang iwasan pero lagi siya lumalapit. Wala akong magawa kung hindi pabayaan na lang siya dahil magtatagpo at magtatagpo rin ang landas namin dahil magkapit-bahay lang kami. Ayoko na mahulog sa kanya. Ayoko na ulit masaktan dahil sa kanya. I don't want to risk my heart again.
"Hey baby, what are you doing under the daylight?"
Dumating na ang asungot sa buhay ko. Nandito ako sa labas ng apartment, kumakain ng paborito kong pagkain, bread pan. Hinihintay ko kasi si Charlotte, kanina pa kasi siyang wala. Wala naman kasi siyang iniwang sulat kung saan siya nagpunta. Nag-aalala na tuloy ako. Nawala tuloy iniisip ko tungkol do'n nang biglang dumating ang gurang kong Professor. Masisira na naman ang araw ko nito.
"Ano ba?!" sigaw ko. Pa'no ba naman kasi, kinuha niya ang kinakain kong bread pan. Hindi niya pinansin ang sigaw ko, kinain na lang niya ang natitira kong bread pan.
"Hmm. Tastes good." aniya habang ngumunguya. "Pero bakit ito kinakain mo? It's not healthy you know. It lacks of vitamins and proteins." anito at tinapon ang balat ng bread pan sa basurahan.
Nakita kong dinilaan niya ang ibabang labi niya. Ewan ko ba pero napatitig ako roon. Ang pula ng labi niya tapos ang nipis. Umangat ang gilid ng labi nito. Takte, ngumingisi 'to sa'kin. Inirapan ko na lang siya.
"Ano na naman ba kailangan mo, Sir?" naiinis kong tanong sa kanya.
Nagkibit-balikat lang siya. "Nothing. Kapag ba pumunta ako dito, may kailangan agad?" tanong nito. Humalukipkip ito at sumandal sa poste malapit sa'kin.
"Oo. Lagi-lagi." sagot ko.
Ngumisi lamang ito sa'kin.
~~~***~~~
[Third Person's POV]
Kanina pa tuwang-tuwa si Skyler na makitang naiinis si Kath sa kanya. Alam niyang konting pang-iinis pa niya rito bubulyawan na siya ng dalaga. Ngumisi siya at napailing. Nacucute-an siya sa itsura ni Kath kapag naiinis ito sa kanya. Pulang-pula ang mukha nito na parang kamatis. Bigla tuloy niyang naalala kanina na nakatitig ito sa labi niya nang dilaan niya ang ibabang labi niya. Tuwang-tuwa na siya. Actually, sinusubukan niya itong akitin. Pero mukha epic failed ito kasi inirapan siya nito.
Laking tuwa niya nang malaman niyang pumunta sa ibang bansa si Zyron. Masosolo na rin niya sa wakas ang dalaga. Wala nang sagabal sa mga plano niya para rito.
Nitong mga nakaraang araw, nahihirapan siyang suyuin ang dalaga. Oo, alam niyang galit ang dalaga sa kanya. Hindi siya manhid para maramdaman iyon. Kasalanan naman niya kung bakit naging gano'n ang dalaga sa kanya. Pero pinagsisihan naman niya ang mga naging kasalanan niya noon sa dalaga. At ngayon, aayusin na niya ang mga pagkakamali niya noon. Hindi na niya hahayaang mangyari ulit ang nakaraan. Magiging maingat na siya sa kanyang kilos. Hindi tulad noon, hindi siya naging maingat sa mga kilos niya, nasaktan tuloy niya ang pinakaimportanteng babae sa buhay niya. He went back to his senses when a finger snapped in front of his face.
"Hoy gurang. Natulala ka d'yan? Narealize mo na ba na kailangan mo nang lumipat ng bahay?" ani Kath sa harapan niya. Para talaga itong gusto paalisin sa bahay niya.
Bakit ba gurang ang tawag sa kanya ni Kath? Mukha bang tumatanda na ang itsura niya? Eh anim na taon lang naman agwat nila sa isa't-isa.
"Nope. I just realize that I'm ten times hotter than the sun." mahangin niyang pahayag kay Kath. Umakto naman si Kath na nasusuka at nandidiri sa sinabi niya. Napailing siya. Grabe naman 'tong baby ko sa'kin. Wala ba ito paghanga sa kanya? Kahit konti lang? Sa gwapo niyang ito? Oo, siya na itong mahangin. Pero gwapo talaga siya.
"Ang kapal talaga ng mukha mo! Yabang! Umalis ka na nga dito sa harapan ko at baka matangay pa ako ng kahangin mo dyan sa loob ng katawan mo!" masungit na sabi nito sa kanya.
Umalis siya sa pagkakasandal sa poste. "Okay, alis na muna ako. I'll be back later by lunch time. Wait for me, okay baby?" ngumiti siya ng nakakaloko sabay kindat sa dalaga. Nakita niyang namula ang pisngi nito. Lihim siyang napatawa. Ang cute talaga ng baby niya kapag namumula.
"Heh! 'Wag ka na bumalik! Mahawa pa ako sa katandaan mo!" bulyaw nito sa kanya. Edi siya na matanda. Basta alam niya sa kanyang sarili na gwapo siya at baby face pa.
Pumihit siya patalikod at nagsimulang maglakad patungo sa bahay niya. "See you later, baby." paalam niya rito habang kumakaway. Narinig na lamang niya na sinigawan siya nito ng gurang.
Edi ako na gurang, Ismid niya sa sarili.
To be continue...
________________
Mahaba po siya so mamaya po ang next update! Stay tuned!Continuation...
~~~***~~~
Tanghalian. Tapos nang lutuin ni Skyler ang niluluto niyang carbonara. Matagal na niyang na-master ang pagluluto no'n when he was at the age of 12. Lagi kasi niyang nakikita ang Mom niya na nagluluto ng carbonara. Nang pinatikim siya nito, nasarapan siya. Simula no'n, naging paborito na niya itong kainin. Kaya nagpaturo siya, pursigido itong natuto para matutong lutuin ang paborito niyang pagkain. At hindi nga siya nabigo, after a month, natuto na rin siya sa wakas lutuin 'yon. At nang makilala niya si Kath, pinagluluto niya ito kapag malungkot ito o kaya naman wala itong ganang kumain kapag masama ang pakiramdam nito. Bukod sa sandwich, pati carbonara kinakain nito kapag may sakit ito. Naging paborito na nga rin kainin ito ni Kath mula noon.
Napangiti siya nang maalala niya ang mga alaala nila noon. Hindi niya pa rin makalimutan iyon. At ngayon, mga bagong alaala naman ang isasaulo niya. And it starts now. Kumuha siya ng tupperware na pwedeng paglagyan ng niluto niyang carbonara kay Kath at inilipat doon.
Pagkatapos, habang dala-dala niya ang tupperware na may lamang carbonara, lumabas siya ng bahay at pinuntahan si Kath. Nakita niya ito nakaupo sa bench malapit sa poste habang nagbabasa ng libro. Hindi niya mapigilang pagmasdan ang dalaga. Nakasuot ito ngayon ng simpleng sandong puti, maikling sky blue na shorts at naka-tsinelas. Napalunok siya sa kanyang nakita. f**k. Ang hot at ang sexy niyang tignan sa suot niyang iyon, sabi niya sa kanyang sarili. Wala sa sariling napatingin siya sa mapuputi nitong hita. Bigla tuloy siyang nakaramdam ng init na namumuo sa loob ng kanyang katawan. f**k! Nakakaramdam ba siya ng pagnanasa sa dalaga? Marahas niyang ipinilig ang kanyang ulo at kinalma ang sarili. f**k. Hindi ko ito pwedeng maramdaman. She's too innocent for that.
Nang maging maayos na ang pakiramdam niya, nakangiti siyang lumapit ka Kath at binati ito. "Hey, baby! Kain na tayo?" tanong niya sa dalaga. Nag-angat ito ng tingin. Nagtama ang mata nilang dalawa. Tapos bumaba ang tingin nito sa hawak niyang tuppeware. Kumunot ang noo ni Kath.
"Ano 'yang dala mo?" aniya sa normal na boses. Lumapad ang pagkakangiti niya. Hmm, bumait na yata ang baby Kath niya.
"Pagkain." wika niya.
"Anong pagkain?"
"Carbonara." anito. Nakita niyang kumislap ang mata ng dalaga nang sabihin niya 'yon.
"Talaga?! Patingin nga!" tumayo ito mula sa pagkakaupo, lumapit sa kanya at kinuha ang hawak niyang tupperware.
Natuwa siya nang makita niyang masaya ang baby Kath niya. Sa wakas, nginitian na rin siya nito. Sa mga nagdaang araw, puro simangot lang ang pinapakita nito sa kanya. Pero ngayon, at last nginitian na rin siya. He misses her smile, that's why he's happy to see his beloved Kath smile at him.
"Tara, pasok tayo. Kainin na natin 'to. Ay wait, para sa akin nga ba 'to?" sabay pakita ang hawak nitong tupperware.
Tumango siya. "Yes. It's for you." sagot niya na hindi mawala-wala ang ngiti sa labi.
"Salamat, Sir! Tara, pasok na tayo." aya nito sa kanya at naunang pumasok ng apartment. Napakamot siya sa kanyang ulo. Kanina gurang, ngayon naman Sir? Ano na sunod? Manong? Feeling na talaga niya matanda na siya. Haay na'ko. Sa gwapo niyang ito?
Sumunod na lamang siya kay Kath na ngayo'y nakapasok na sa loob. Nakita niyang naghahain ito ng tinidor, pinggan at baso para sa kanilang dalawa. Pinagmasdan niya ang kabuuan ng apartment. Tama lamang ito sa pangdalawahang tao. Hindi masyadong maliit at hindi masyadong malaki. Sakto lang.
"Tara, Sir. Kain na po tayo." tawag ni Kath sa kanya.
"Okay." at nagtungo sa kusina kung nasaan si Kath.
Naabutan niyang pinaglalagyan siya ng carbonara sa kanyang pinggan. Sinalinan na rin nito ang baso niya ng juice.
Umupo siya sa tapat ni Kath at pinagmasdan niyang umupo ito sa harapan niya at sumubo ng carbonara. Ngumuya ito, napapapikit din ito na parang sarap na sarap.
Dumilat ito tiningnan siya ng namamangha. "Wow! Ang sarap! Ikaw ba nagluto nito, Sir?" manghang tanong nito sa kanya.
"Oo, ako nagluto niyan." aniya.
"Hindi ko alam na marunong ka pa lang magluto." sumubo pa ito ng isa pa. Nagsimula na rin siyang kumain.
"Now you know. I started cooking when I was 12." pahayag niya sa dalaga.
"Ang bata mo pala nang magsimula ka magluto. Kanino ka naman natuto magluto?" curious nitong tanong sa kanya.
"My Mom. I was curious when I saw her cooking carbonara. When she let me taste it, it tastes delicious. Right then, it became my favorite food. I asked her if she could teach me how to cook one, and she agree with it. And that's the time I learned how to cook." kwento niya habang ngumunguya.
"Buti masarap. Baka mamaya nito mamatay ako kapag hindi masarap." biro nito sabay tawa. Medyo nasaktan siya sa sinabi ng dalaga pero hindi niya iyon pinahalata.
"Mamaya mas sasarap pa 'yan. Dahil mamatay ka sa ipalalasap kong sarap sa'yo mamaya." makahulugang wika niya. Pinamulahan ng pisngi ang dalaga na ikinangisi niya. Alam niyang iba ang takbo ng isip nito.
"Ang bastos mo! Manyak!" mas lalo pang pumula ang pisngi nito. Napahagalpak siya ng tawa sa reaksyon ng dalaga sa kanya.
"Anong bastos? Pagkain tinutukoy ko." lumakas tawa niya ng makita niyang napanguso ang dalaga sa sinabi niya.
"Tse! Para kasing double meaning ang sinabi mo kanina!" sigaw nito sa kanya."Gano'n ba? Oh sige, tara sa kwarto mo nang mademonstrate ko sa'yo ang isa pang meaning no'n." hmm, ano kayang sarap ang pwede niyang ibigay dito? Halik sa labi? Halik sa leeg? Hilahin niya ito sa banyo at doon ipalalasap ang nakamamatay na sarap?
"Aray!" daing niya dahil binatukan siya ni Kath.
"Manyak! Tutal tapos ka naman kumain," bigla siyang hinila ni Kath palabas ng apartment nito. "Makakaalis ka na. Salamat na lang sa pagkain!" sabay malakas na sinaraduhan ng pinto.
Natawa siya sa inasal ni Kath. Pinihit niya ulit ang seraduhan ng pinto. Buti na lang hindi ito naka-lock kaya nakapasok siya.
Nakita niyang kumakain pa rin ito ng pagkaing ginawa niya. Nakatalikod ito sa gawi niya kaya napangisi siya. Lumapit siya sa dalaga at biglang hinalikan sa pisngi nito.
Kaagad napatayo si Kath at nanlalaki ang mga matang tinignan siya. "'Di ba pinalabas na kita?! Ano na naman ginagawa mo rito?!" bulyaw nito sa kanya habang namumula ang pisngi.
"Eh sa bukas ang pinto ng bahay mo. Syempre makakapasok ako 'no." pilosopo niyang sabi kay Kath.
"Ewan ko sa'yo. 'Wag mo nga akong guluhin. Kitang ine-enjoy ko 'yong pagkain ko. Istorbo ka talaga kahit kailan!" inis nitong sabi sa kanya.
Umupo siya sa tapat ni Kath at pinagmasdan itong kainin. Ang ganda pa rin nito kahit na busangot ang mukha nito. Ito kaya, napopogian kaya ito sa kanya?
Nang matapos itong kumain ay nagligpit na ito ng pinagkain. Siya naman ay tinignan isa-isa ang kwarto. 'Yong unang kwartong pinuntahan niya nahulaan niyang kwarto ito ng kapatid niya. 'Yong sumunod naman na kwarto ay napatunayan niyang kwarto na ito ni Kath.
Pumasok siya sa loob. Nanuot ang strawberry nitong pabango sa buong kwarto. Humiga siya kama nito at ipinikit ang mata. Bigla siyang nakaramdam ng pagod. Bigla niyang namiss ang kulitan nila ni Kath tuwing nagpupunta ito sa bahay nila. Kailan kaya ulit mangyayari ang gano'ng pangyayari?
Napamulat siya ng mata nang bumukas ang pintuan ng kwarto. "Ano ginagawa mo sa kwarto ko?! Invading of privacy ang ginagawa mo!"
Tsk. Nagsusungit na naman ang baby niya? Bumangon na lamang siya at ngumiti ng nakakaloko kay Kath.
"I want to sleep. Bakit, hindi na ba ako pwedeng matulog dito?" painosente niyang tanong.
Lumapit ito sa kanya at pumameywang. "Aba, ang kapal naman ng mukha mong matulog dito sa kwarto ko. Bakit, kwarto mo ba 'to? Ha? Ha?"
Ang harsh naman ng babaeng 'to sa'kin, isip niya.
Napa-tsk na lang siya at hinatak si Kath palapit sa kanya. Napaupo ito sa kanyang hita. Niyakap niya ito ng mahigpit mula sa likod. Nakasiksik ang ulo niya sa leeg nito.
"Hmm... You smells good." Sabi niya habang inaamoy ang leeg ni Kath. Nanigas lamang ang katawan nito. Hindi niya matukoy kung ano ang reaksyon nito sa ginagawa niya.
"A-ano ba! 'Wag mo nga akong a-amuyin!" nauutal nitong sabi sa kanya. Tumawa na lamang siya ng mahina at mas sumiksik pa sa leeg nito. Para siyang bata dahil sa maamo nitong mukha.
"Ang bango mo kaya. Bagong ligo." Paos niyang sabi. Mas hinigpitan niya ang pagkakayakap niya kay Kath.
"B-bitawanan mo nga ako! Ang manyak mo!" sabi nito at pilit na kumawala sa bisig niya. Hindi siya nagpatinag. Nanatili lang siyang nakayakap sa dalaga.
"Manyak ba ako? 'Di naman ah?" natatawa niyang sabi.
"Oo kaya! Ano ba tawag mo d'yan sa ginagawa mo?" masungit nitong tanong sa kanya.
"Lambing. Nilalambing lang naman kita ah. Is it bad already?" sabi niya at ngumuso kahit hindi siya nakikita ni Kath.
"Oo! Bitawanan mo na nga ako! Hindi na ako makahinga sa higpit ng yakap mo!" binitawan na nga niya ito. Tumayo na ito at tinignan siya ng masama. Ngumisi lang siya. Ang ganda-ganda talaga ng baby niya.
"Umuwi ka na nga." Sabi nito at pumunta sa closet at kumuha ng damit.
Umiling siya. "Ayoko. I want to stay here. I miss you, baby. Don't you miss me too?"
Inirapan lang siya ni Kath. "Ba't naman kita mamimiss? Close ba tayo?"
Tumayo siya at lumapit sa nakatalikod na si Kath. Niyakap niya ito sa likod. Napasinghap ito ng ikinangiti niya.
"Where close now, baby. Do you miss me?" bulong niya sa dalaga.
Hindi ito sumagot.
"I know you miss me. Don't worry, the feeling is mutual." Sabi niya.
Pumiglas ito at pumunta sa may banyo. Nagkibit-balikat lang siya at umupo sa kama. Baka magpapalit lang ito ng damit.
Ilang sandaling paghihintay niya. Lumabas na si Kath suot ang isang maluwang na t-shirt at pajama. Lihim siyang napasimangot. Tsk. Mas maganda pa ang suot nito kanina.
"Hindi ka pa ba aalis?" mataray nitong tanong sa kanya.
"Tsk. Gustong-gusto mo talaga akong umalis 'no? You're hurting my feelings baby." Sabi niya at umakto na parang nasasaktan.
"Arte mo naman. Bading ka ba?" tanong nito sa kanya sabay ngumisi.
Tinuro niya ang kanyang sarili. "Ako? Bading ako? Let me remind you baby that I can kiss you right here, right now." Aniya at siya naman ang ngumisi. Namula ang buong mukha ni Kath na ikinangiti niya.
"Ang manyak mo talaga! Umuwi ka na nga! Baka masapak pa kita!" iritang sabi nito sa kanya habang namumula ang mukha.
Napailing na lang siya. "You're so mean, baby. Alright, uuwi na ako. I'll be back later evening. Masisilayan mo na naman ang gwapo kong mukha." At nagpogi sign siya kay Kath.
"Panget mo." Asar nitong sabi sa kanya.
Lumakad na siya papunta sa pinto ng kwarto. "Gwapo ako. Hindi ako panget."
"Panget mo, gurang pa." bago niya mabuksan ang pinto nilingon niya si Kath.
"Isa pang sabi mo ng panget hahalikan kita. You want that? Hmm?"
Bigla na lamang itong nanahimik. Ngumisi siya. "Bye, baby." Paalam niya at lumabas na ng bahay.
Damn. His baby is really tempting~~~***~~~
Kinagabihan. Kumakain ng carbonara si Kath. 'Yon na ang hapunan niya dahil masyadong madami ang niluto ni Skyler sa kanya. Magtitira sana siya para ibigay kay Skyler dahil nakakahiya kung uubusin niyang lahat iyon. Pero napagisip-isip niya na 'wag na lang. Naiirita pa rin siya sa gurang na 'yon. Bigla niyang naalala ang nangyari kanina. Feeling niya namumula pa rin ang buo niyang mukha. Naiirita siya pero at the same time kinikilig. Ilang beses na siyang niyakap sa likod ni Skyler. Kahit tinatarayan niya ito malambing pa rin ito sa kanya. Kainis! Ewan ba niya sa sarili kung bakit ito gano'n sa kanya. Hinayaan na lamang niya ito.
Ipinilig niya ang kanyang ulo para mawala iyon sa isip niya. Kailangan na niyang bilisan ang pagkain dahil lalabas ulit siya para hintayin si Charlotte. Hanggang ngayon hindi pa rin ito umuuwi. Kanina pa siya nag-aalala. Bakit kasi hindi man lang ito nag-iwan ng sulat! Edi hindi siya mag-aalala ng sobra sa kaibigan niya.
Pagkatapos niyang kumain, kumuha siya ng jacket sa kwarto bago lumabas ng apartment. Doon na lang niya hihintayin ang kaibigan. Siniguro niya na sarado ang ilaw ng apartment bago ni-lock ang gate. Umupo siya sa may bench sa gilid ng poste malapit sa apartment niya.
Naku, Charlotte. Umuwi ka na. Maraming batok ang aabutin mo sa'kin kapag hindi ka pa umuwi. Alalang-alala na ako sayo.
Makalipas ang tatlumpong-minuto, walang ni anino ni Charlotte ang nagpakita. Pumunta muna siya saglit sa isang tindahan para bumili ng biskwit. Kumakalam kasi ang sikmura niya. Babalik na sana siya sa kinauupuan niya kanina nang may biglang tumakip ng panyo sa may ilong niya. Agad siyang nagpumiglas dahil nakakaramdam siya na may mangyayaring masama sa kanya. Dahil masyadong malakas ang nakahawak sa kanya, hindi siya makapalag. Nanghihina na rin siya dahil sa amoy ng panyo. Unti-unti bumigat ang mata niya at ilang sandali, nawalan siya ng malay.~~~***~~~
Takot. 'Yon ang nararamdaman niya pagmulat ng mga mata niya. Nakatali ang mga kamay at paa niya. Nasa isang abandonadong building siya. Madilim ang buong kapaligiran. Puro mga sirang kagamitan ang nakikita niya sa gilid.
Maraming tanong ang bumabagabag sa isipan niya. Bakit siya nandito? Ano ginagawa niya sa lugar na 'to? Bakit siya nakatali? Bakit siya dinakip ng kung sinuman ang nasa likod ng lahat ng 'to?Takot na takot siya. Walang pwedeng tumulong sa kanya kung hindi ang sarili lang niya. Kailangan niyang makatakas dito.
Biglang bumukas ang ilaw at nakarinig siya ng mga yabag ng sapatos na naglalakad patungo sa direksyon niya. Kumabog ang dibdib niya sa takot. May tao!
"Gising na pala ang babae, pre. Ano na gagawin natin?"
Lalaki ang boses. Ito kaya ang kumidnap sa kanya?
"Walang sinabi si boss eh. Hintayin na lang natin ang sunod niyang utos."
Boss? Meron pa lang tao sa likod nito. God! Anong gagawin nito sa kanya? Wala naman siya nakaaway na tao.
"A-anong kailangan ninyo sa'kin?!" sa wakas, nakaya na rin niyang magsalita sa kabila ng nararamdaman niyang takot at kaba.
Lumapit sa kanya ang may katangkarang lalaki na may malaking pangangatawan. Agad siyang napaatras. Bumilis ang t***k ng puso niya dahil ss kabang nararamdaman niya.
"Wala kaming kailangan sa'yo. Ang boss namin mismo." sagot nito sa kanya na may nakakakilabot na ngiti sa labi.
"Please. Pakawalan niyo ako. Anong kasalanan ko sa boss niyo?" unti-unti pumatak ang mga luhang kanina pa niyang pinipigilan.
"Hindi pwede. Malaki atraso mo sa boss namin. Magbabayad ka ng malaki."
Atraso? Sino ba ang boss nila? Wala naman siyang kilalang tao na may galit sa kanya. Pili lang naman ang kinakausap niyang tao. Paano siya nagkaroon ng atraso sa boss nila?
"Pre, tutal wala pa namang inuutos sa'tin si boss, baka pwede naman nating pagdiskitahan ang babae. Maganda siya, maputi, makurba ang pangangatawan, tamang-tama sa mga tipo natin." sabi no'ng kasamahan niyang lalaki.
Nakaramdam siya ng takot ng makitang puno ng pagnanasa ang mga mata nitong nakatingin sa kanya. Napamura siya. Hindi pwede. Anong gagawin nito sa kanya?
"P-pakiusap. Pakawalan niyo ako..." sunod-sunod nagsipatakan ang mga luha niya. Abot kaba ang naramdaman niya nang lumapit ang mga ito ss kanya. Lumakas ang kabog ng dibdib niya.
"Hindi pwede, Miss. Magsasaya muna tayo." makahulugang sabi no'ng lalaki at nagtanggal ng damit. Pati ang kasamahan nito nagtanggal ng damit.
Hindi! Hindi pwede! Naiiyak siyang umatras palayo sa lalaki para hindi siya mahawakan nito pero nahila siya nito.
"'Wag! Maawa kayo! Huwag niyo kong hawakan! Please, lumayo kayo sa'kin!" aniya sa pagitan ng pagiyak. Parang wala itong narinig bagkus hinawakan siya sa may hita niya. Lumakas ang pagiyak niya.
"'Wag! Lumayo ka sa'kin! Maawa kayo!" sinubukan niyang tadyakan ang mga ito pero nakahawak ang kasamahan nitong lalaki sa magkabilang paa niya.
Wala siyang ibang ginawa kung hindi magsisigaw at umiyak nang hawakan siya ng mga ito sa iba't-ibang parte ng katawan. Nandidiri siya sa lalaking humahawak sa kanya. Gusto na niyang makatakas.
Wala siyang ibang pwedeng maisip na maaaring tumulong sa kanya. Isa lang ang pumapasok sa isip niya. Sana, dumating siya. Sana...
"SKYLER TULONG! SKYLER!" sigaw niya sa pangalan ng binata. Kasabay no'n ang isang putok ng baril na umalingawngaw sa loob ng silid.
"f*****g assholes."
Lumingon siya sa pinaggalingan ng boses. Hindi siya makapaniwala. Nandito si Skyler! Magtatalon sana siya sa tuwa pero agad ito naglaho nang makita niyang madilim ang mukha nito. Nanlilisik ang mga matang nakatingin sa mga lalaki. Namutla siya. Parang hindi ito ang Skyler na nakilala niya. Ibang Skyler itong nasa harapan niya. Para itong magpapatay ng tao sa itsura nito. Madilim ang mukha, nanlilisik ang mga mata, nakaigting ang panga at may hawak na baril. Para ba itong isang halimaw na kahit anong oras makakapatay siya ng tao.
"You're going to experience hell because of what you did." malamig na saad nito at lumapit sa mga lalaki na ngayo'y nakatayo na.
Sumugod ang isang lalaki at umamba ng suntok pero mas mabilis ang kilos ng binata at inilagan iyon sabay suntok ng malakas dito. Nakita niyang tinutukan ni Skyler ng gamit ang baril niya ang lalaki at pinaputukan iyon sa lalaki. Nakabulagta ngayon ang lalaki at naliligo ito sa sarili nitong dugo.
Nanlalaki ang mga mata niyang nakatingin sa binata na ngayo'y nakikipagsuntukan sa lalaki. Hindi siya makapaniwala! Binaril ni Skyler ang lalaki at pinatay! Hindi, hindi magagawa iyon ng binata. Hindi nito kayang pumatay ng tao.
Isang putok ng baril ang umalingawngaw sa buong silid. Nakita niyang nakatutok ang baril nito sa lalaki. Patay na ito ngayon. Para itong demonyo na nagbalat-kayong bilang tao.
"A-anong ginawa mo?! B-bakit mo sila pinatay?!" nanginginig niyang tanong sa binata. Napalingon ang binata sa gawi niya. Bigla siyang kinabahan nang makitang madilim pa rin ang mukha nito at puno ng galit ang mga mata.
"Does assholes deserve to die." malamig pa rin ang boses nito. Nagsimula itong maglakad palapit sa kanya.
"Makukulong ka! Bakit mo sila pinatay?!" tinignan siya nito deretso sa kanyang mata.
"Walang ibang pwedeng humawak sayo maliban sa'kin! Akin ka lang, Kath! Ako lang ang pwedeng humawak sayo!"
Napaatras siya sa sinabi sa kanya ng binata. "Hindi! Hindi mo ako pag-aari!" sigaw niya.
"Yes! You are mine! The moment my lips touch yours, I declared to myself that you are mine! Akin ka lang, Kath. Akin lang!"