PADANOMORE

1263 Words
_________________________________________________________ #PDANoMore #HuliSiGurang #BadNiChismoso Sorry for the late update! May ginawa kasi akong kaninang hapon kaya hindi ako nakapagupdate hehe. Sana magustuhan niyo yong bagong update ko! Like, comment and be a fan! ??CHAPTER 11: BODY HEAT [Katherine Chelsea Aguilar] Ilang araw na ang nakalipas, gano'n pa rin ang buhay ko. Walang pinagbago. 'Yon nga lang, hindi na kami masyado pinapakialaman ni Sir Skyler. Kasabay ko na pala si Charlotte sa pagpasok. Buti nga lang sabay na kami sa pagpasok eh. Pati na rin sa mga break time. 'Yon nga lang kasama na namin si Zyron na lagi buntot ng buntot sa amin. Tinatanong ko nga sa kanya kung bakit lagi siya sumasama sa amin. Meron na kasi siyang mga bagong kaibigan sa mga kaklase namin. Ako lang ang walang bago kaibigan. "Why do you care?" ganyan ang pagsagot niya sa'kin tuwing sinasabi niya 'yon sa'kin sa kanyang masungit na tono. Hahaha. Kalalaking tao masungit. ~~~***~~~ Kinabukasan. Nagising ako na nanginginig. Hindi pa ako makahinga dahil sa sipon ko. Sana pala hindi ako masyadong kumain ng Ice cream. Langya kasi si Zyron. Ilibre ba naman niya ako ng sandamakmak?! Tinanong ko sa kanya kung bakit ang dami. Alam niyo kung ano sinagot niya? "What? You ask for it. Ubusin mo 'yan kung kaya mo." Ganda ng sinagot sa'kin 'no? 'Yan tuloy napasubo ako at inubos. Nawili na rin ako kaya naubos ko. Favorite flavor ko kasi 'yong in-order niya. Sinulit ko na. Kasi alam kong sa mga buwan na ito ay kailangan ko na magtipid. Magpapadala pa ako ng pera kina Nanay at Tatay mamaya. Kuhanan na kasi ng sweldo. Papasok ako ngayon kahit masama ang pakiramdam ko. Hindi ako pwedeng um-absent. Gano'n kasi ako. Kahit may sakit ako, pumapasok pa rin ako. Sayang kasi, makakamiss pa ako ng lesson. Wala pa naman akong ibang ka-close sa classroom bukod kay Zyron. Si Zyron naman hindi ko maaasahan 'yon. Hindi naman siya kumukopya ng mga lectures. Pero kapag may mga seatwork kami o kaya mga short quiz, perfect siya! Oh 'di ba ang talino? Dinaig pa niya ako. Samantalang ako kailangan ko pa kumuha ng notes para reviewhin iyon. Tumayo na ako mula sa pagkakahiga ko. Muntik pa nga ako matumba dahil ang bigat ng pakiramdam ko. Parang matutumba ako anumang oras. Pinilit ko na lang tumayo ng maayos at lumabas ng kwarto. Hindi ako nagpahalata kay Charlotte na hindi maganda ang kondisyon ng katawan ko. Nakita ko kasi siyang naghahain ng mga plato. Mukhang nakaluto na siya ng agahan namin. Nakita niya akong nakasandal sa may pinto. Nginitian ko siya. 'Yong ngiting-ngiti talaga. "Goodmorning Kath! How's your sleep? Hindi ka ba minalat sa kinain mong ice cream kahapon?" bungad niya sa'kin pagkalapit ko sa kanya. Umiling ako. "Goodmorning din! Hindi naman. Sinipon lang ako." nakita kong nag-alala siya. Agad naman siya pumunta sa cabinet at kumuha ng first aid kit. Inabot niya sa'kin ang gamot. "Oh. Inumin mo 'yan." kinuha ko naman iyon sa kanya. Kumain muna ako bago inumin 'yong gamot. Bumalik ako sa kwarto para kuhanin ang susuotin kong damit. Giniginaw pa rin ako. May lagnat na yata ako. Kumuha na rin ako ng bimpo. Maghihilamos na lang ako. Pagkatapos kong magbihis at mag-ayos ay sabay na kami umalis ng apartment ni Charlotte. Pagkarating pa lang namin ng gate ay nando'n na si Zyron sa may pinagppwestuhan niyang puno. Naka-shades pa siya. Ikakagwapo ba niya 'yon? Ikauunlad ba 'yon ng bansa? Hahaha. Tinopak na naman ako. Lumapit siya sa amin. Tinanggal niya ang suot niyang shades at ngumiti sa amin. "Good morning, ladies." aniya sabay kindat sa'min. Hindi ko pa pala nasasabi sa inyo na may nagbago na sa kanya. Iyon ay ang pagtrato niya sa akin. "Morning." maikling sabi ng katabi ko. Lagi siya gano'n magsalita kapag kinakausap siya ni Zyron o kaya kaming tatlo ang nag-uusap. Pero kapag may inaalok na pagkain iyon, papansinin niya iyon at magdadaldal. Basta pagkain lang eh 'no? Iba talaga nagagawa ng pagkain sa tao. "Good morning din Zyron." medyo matamlay kong sagot. Napakunot noo siya no'n. "Are you sick?" ngumiti ako sa kanya at umiling. Tumango na lang siya kahit hindi kumbinsido. Concern na rin siya sa'kin hindi tulad no'ng dati na mahilig mangtrip kahit nakakasakit na ng damdamin. Pumasok na kaming tatlo sa loob ng University. Medyo mabagal lang ang lakad ko. Ang bigat talaga ng pakiramdam ko. Kailangan ko pumasok. Hindi ako pwede umabsent ngayon. Napansin naman ng dalawa kong kasama ang kakaibang kilos ko. "Talaga bang okay ka lang, Kath?" alalang tanong ni Charlotte. Tumango ulit ako sa kanya. Si Zyron naman ay nakatitig sa'kin pero may pag-aalala sa kanyang mukha. Kinulit pa ako ni Charlotte na pauwiin ako pero tumanggi ako. Kailangan ko pumasok. May project pa kami sa Calculus. Ako pa naman ang leader ng grupo namin. Nagpaalam na sa amin si Charlotte dahil papasok na siya. Hindi kasi namin siya kaklase. Pumasok na kaming dalawa ni Zyron. Buti na lang at wala pa 'yong Prof namin. Bumungad sa kanya ang dalawa niyang kaibigan. Nauna akong umupo sa upuan ko. Dumukdok ako sa desk. Buti may dala akong jacket. Mas lalo kasing malamig sa pwesto ko. Airconditioned kasi ang lahat ng classroom dito. Malas ko. Natatapatan ako ng hangin no'ng aircon.Hindi ko namalayang nandito na pala sa may tabi ko si Zyron. Nakakunot ang kanyang noo habang nakatingin sa akin. "Tell me, you're sick, right?" tumungo ako at dahan-dahan tumango. Napa'tsk' siya. Umupo na siya sa upuan niya. "Let's go the clinic." sabi niya at aalalayan sana ako nang magprotesta ako sa kanya. "'Wag! Ayoko please. Ayoko makamiss ng kahit isang lesson. Kaya ko pa naman eh." paawang sabi ko sa kanya. Tila hindi pa rin siya kumbinsido sa sinagot at inakto ko sa kanya. "Kahit na. Dapat hindi ka pa rin pumasok. Paano kung lumala 'yan? Edi sa Hospital ang diretso mo." 'pag sasalita niya ng diretsong tagalog, iisa lang ang ibig sabihin niyan, sobrang seryoso niya. "Please Zyron. Kahit ngayon lang please..." pagpupumilit ko pa. Nakatitig lang siya sa akin. Seryoso pa rin ang kanyang mukha niya. Tumunog na ang bell. Magsisimula na ang klase namin. May project nga pala kami ngayon sa Calculus. Nagpuppy eyes ako kay Zyron kahit hinang-hina ako ng konti. Napabuntong-hininga siya. Alam kong papayag na siya. "I'll think about it first." nawala ang ngiti sa mga labi ko. Akala ko pa naman papayag na siya. Pumasok na ang Professor namin. "Good morning class!" masiglang sabi niya. "Good morning din Sir Clyde!" as usual. Mga babae halos ang sumagot. Excluding me. "Alright. Take your seat." Umupo na kaming lahat. Nilagay ko sa magkabilang bulsa ng jacket ko ang aking mga kamay. Nanginginig talaga ako. Hindi ulit ako nagpahalata sa katabi ko. Panigurado papapuntahin niya talaga ako sa clinic. Kaso epic failed, napansin niya ako. Nakakunot ang noo niya habang nakatingin sa akin. Ngumiti ako sa kanya. Ang aking pinakaunang killer smile. Nalaglag ang panga niya. Hahaha. Nagulat yata siya sa naging ngiti ko. Paano ba naman kasi, first time ko lang 'yon ipinakita sa kanya. Sinabi ni Sir na ipasa na 'yong project namin. Kinuha ko naman 'yong project ng grupo namin sa locker. Naglakad ako palapit sa desk niya. Inabot ko ito sa kanya. Nakatingin lang siya sa akin habang inaabot ko sa kanya 'yong project. Magkasalubong ang kilay niyang nakatingin sa akin. "Are you okay, Kath?" sabi niya sa pabulong na boses. Ayaw niya siguro mapansin ng iba kong mga kaklase. Tumango lang ako. Hindi siya kumbinsido sa sagot ko. "Maybe you should---" agad kong pinutol ang dapat niyang sabihin. "'Wag Sir! Okay lang ako!" sabi ko sa kanya at tumalikod. Bumalik na ako sa pwesto ko. Dumungaw ako saglit sa bintana. Tumingin na ako sa harap. Nagulat ako na nakatingin pala sa akin si Sir. May halong pag-aalala ang mababasa mo sa mukha niya. Nag-iwas ako ng tingin. Kumakalabog na naman ang puso ko. Nagdaan ang recess at lunch break. Dalawang oras na lang ay uwian na namin. Masaya ako dahil malapit nang mag-uwian. Ang katabi ko naman ay wala. May practice sila ng team nila sa basketball. Hindi ko ba nasabi sa inyo na kasama siya sa Varsity? Magaling daw kasi siya magbasketball kaya sinali siya sa Varsity kahit ayaw niya. Hambog talaga ang lalaking 'yon. Wala pa naman 'yong last teacher namin. Natulog na lang muna ako. Hindi pa rin naman kasi ako masyadong magaling. ~~~***~~~ [Third Person's POV] Nakatulog na nga si Kath sa kanyang klase. Hindi na nga siya pinakialaman ng last Professor nila. Makalipas ang isang oras ay tumunog na 'yong bell. Hudyat na uwian na nila. Pero si Kath hindi pa rin nagigising. Medyo nangangatog na siya sa lamig. Nilakasan pa kasi ng pesteng kaklase niya 'yong aircon. Punta naman tayo kay Skyler na kasalukuyang may inaayos na papeles. Nagmamadali siya dahil kailangan niyang makausap ang kapatid niya tungkol kay Kath. Nahahalata niyang may sakit ito. Kanina pa siya hindi mapakali simula no'ng makaalis siya ng room nila dahil time na. "s**t! Where's my diary?!" ngayon niya lang napansin na nawawala ang kanyang diary. Bakit nga ba siya may diary? Doon niya nilalagay ang mga gusto niyang sabihin kay Kath mula noong umalis siya sa papuntang London. Halos magulo niya ang kanyang opisina sa paghahanap. Napatingin siya sa orasan. 5:30 na. Malapit nang magsara ang school. Niligpit na niya ang mga ginulong gamit sa buong opisina niya. Kinuha na niya ang gamit niya. Babalikan na lang niya 'yong classroom nila Kath. Just in case na baka doon niya iniwan sa loob ng desk. Nagtaka siya kung bakit nabukas ang classroom. 'Dapat naka-lock ang mga classroom ngayong oras na 'to ah?' Pumasok siya sa loob. Nagulat siya nang makita niyang si Kath. Nakadukdok pa rin sa kanyang desk. Nangangatog. Kahit may jacket ito na makapal nanginginig pa rin siya. Agad niyang dinaluhan si Kath at ginising. "Kath, wake up..." inaalog niya ang balikat ni Kath. Napaungol si Kath. Nagising na. "Uhhhh..." nahihirapan itong gumalaw. Napansin naman kaagad ito ni Skyler. 's**t. Dapat dinala na talaga kita sa clinic para hindi ka nahihirapan ng ganito. Ayokong nakikita kitang nahihirapan.' Unti-unting naalimpungatan si Kath. Akala niya nananaginip siya dahil nakita niya ang kanyang gwapong Professor sa harap niyang may pag-aalala sa mukha. Pero hindi. Totoo ito ang nakikita niya. Parang tumalon ang puso niya. Hindi siya makagalaw upang tumayo. Inalalayan naman siya ni Skyler. Ngumiti siya. Matamlay na ngiti na nakapanghina ng puso ni Skyler. "Why didn't you tell? Sana nag-early dismissal ka na lang." sabi ni Skyler sa kanya na may halong pag-aalala. Umiling lang siya. "Ayoko Sir... kailangan kong pumasok... ayokong makamiss ng isang lesson..." mabagal niyang sabi. Halatang hinang-hina na.Parang sinaksak sa puso si Skyler. Inisiip pa rin ni Kath ang pag-aaral kaysa sa sarili nito. Tinupad nga nito na mag-aaral ito ng mabuti. "Come, ihahatid na kita sa inyo." alok niya kay Kath. Hindi sumagot si Kath. Hinang-hina talaga ito. Nanginginig pa dahil sa lamig ng aircon. Nag-aalinlangan pa siya kung bubuhatin ba niya si Kath o hindi. Pero mas pinili na lang niya na buhatin ito. Bridal style ang pagkakabuhat niya dito. Naglakad na siya malapit sa pinto. Naisara pala niya ang pinto no'ng pumasok siya. Pinihit niya ang door knob. Hindi bumukas. Pinihit niya ulit. Ayaw talaga bumukas. Napamura siya. Kailangan niyang maiuwi si Kath sa kanila para makainom ng gamot. Dahan-dahan niya munang ibinaba si Kath sa lapag. Kinuha niya ang cellphone niya sa back pocket ng kanyang pants. "s**t!" lowbat ang phone niya. Nakalimutan niyang magcharge kanina. Napahinga siya ng malalim. 'Paano na 'to? May sakit si Kath. Kailangan ko siya maiuwi.' Tiningnan niya si Kath na hinang-hinang nakasandal sa may pintuan. Wala silang choice. They have to stay here for the whole night. Lumuhod siya sa harap ni Kath. "Kumain ka na ba?" dahan-dahan umiling ang kaharap niya. Napasimangot siya. Bakit hindi ito kumain?! Alam nitong may sakit ito. Dapat marami itong kainin na pagkain. Ayaw niyang masermon ito dahil nga may sakit ito. Kinuha niya ang sandwich sa bag niya. Buti hindi pa niya nakakain 'yon. "Here. Eat this." inabot niya ang sandwich kay Kath. Tinititigan lang 'yon ni Kath. Parang ganito ang eksena nila noon. Kapag may sakit si Kath, hinang-hina ito at wala masyadong kinakain. Kailangan sandwich pa ang kainin nito para makakain. At kailangan subuan pa nito. Bigla niya iyon naalala. Binuksan niya ang plastic no'ng sandwich at itinapat sa bibig ni Kath. "Ahh..." ngumanga naman si Kath. Napangiti siya. Just like the old times. Hindi pa rin nagbabago ang kanyang Kath. Naubos ni Kath 'yong sandwich. Mukhang nabusog na ito. Buti naman. Mukhang kanina pa kasi kumakalam ang sikmura nito. Pinainom na niya ito ng tubig. Nang makainom na ng tubig, niyakap nito ang sarili. Nanginginig pa rin ito. Nahalata naman ni Skyler iyon. Hindi niya malaman kung ano gagawin niya para mawala ang sakit at panginginig ni Kath. Kung pwede lang sanang akuin ang sakit nito, gagawin niya. Biglang may biglang pumasok sa isip niya. Body Heat. Alam niyang ang katawan ng tao ay mainit. Possible kayang hindi na manginig ang katawan ni Kath kapag ginawa niya 'yon? Kaso, kailangan niya pang hubarin ang suot niyang polo para ma-transfer ang init ng kanyang katawan kay Kath. Mas lalo pang nanginig si Kath. Wala na siyang choice. Kailangan niyang gawin iyon. Unti-unti niyang tinanggal ang butones ng suot niyang polo. Nakita niyang nanlaki ang mata ni Kath. "S-sir ano p-pong ginagawa n-ninyo?!" hindi malaman ni Kath kung bakit siya naghuhubad ng polo. Akala ba nito pagsasamantalahin niya ang kahinaan nito? Hindi. Hindi niya kayang samantalahin si Kath. Malaki ang kanyang respeto kay Kath. Umiling siya kay Kath at ngumiti. Namula ito ng mahubad na niya ang kanyang suot na polo. Napanganga ito sa nakita nito. Bakit nga ba? Well-built chest. Ma-muscle na mga braso. At eight pack abs. Oo eight. Sinong hindi mapapanganga sa ganoong katawan. Napangisi si Skyler sa nakikita niyang expression. Nanlalaking nakatitig si Kath sa kanyang katawan. Muntik pa nga siyang matawa dahil nakikita niyang patulo na ang laway ni Kath sa bibig nito. Pfft. Just a joke. Iniwas kaagad ni Kath ang paningin sa kanyang katawan nang mapansin niyang nakatingin siya rito. Unti-unti naman siyang lumapit kay Kath. Ewan ba niya. Natutuwa siyang asarin si Kath lalo na sa sitwasyon ganito. "S-sir ano p-pong---" hindi na niya pinatapos magsalita si Kath. "Body heat." kaagad niyag sagot. Baka kung ano kasi isipin nito. "A-ano pong b-body heat??" nauutal na tanong ni Kath. Nginitian niya ito ng malambing. Unti-unti niyang pinulupot ang isang kamay sa maliit na bewang nito. Ang isa naman niyang kamay ay nasa ulo nito at unti-unti isinandal sa matipunong dibdib nito. Para siyang nakayakap kay Kath. Na talaga namang yakap. Naramdam naman ni Kath ang init ng katawan nito. Nanginginig pa rin siya pero hindi na gaano. Naiinitan na siya. Si Skyler naman ay mas lalo pang hinigpitan ang pagkakaakap dito. Hindi niya mapagilan. Namimiss na niya ito. Namimiss na niya ang Kath niya. Napansin niya unti-unting nakatulog si Kath. Sana naman bukas magaling na ito. Hinaplos niya ang malambot nitong buhok. Hinalikan. Inamoy. Nilaro. Namimiss na niyang gawin ito kay Kath. "I love you Kath. Mahal na mahal kita..." pabulong na sabi niya sa natutulog na si Kath. "Gagawin ko ang lahat para maalala mo ako. Gagawin ko ang lahat para... mahalin mo ulit ako..." pumiyok ang kanyang boses. "Kahit gaano pa 'yan katagal, hihintayin ko ang pagmamahal mo. Even if it takes forever..." at kumawala ang pinipigilan niyang luha. ______________________________________________________________
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD