third person

1852 Words
[Third Person's POV] Nagulat siya sa ginawa ni Diane kaya medyo tinulak niya ito pero mas lalong pinag-igihan nito ang paghalik sa kanya. "C'mon, Clyde. I know you miss this moment too." Bulong nito sa kanya sabay halik sa leeg niya. Buong lakas niya itong itinulak at inayos ang sarili. "Don't do that again, Diane. Kath might see you." Mariin niyang sabi. Kaagad naman umayos si Diane at humingi ng tawad sa kanya. "Sorry. Oo nga pala. Dito pala siya nag-aaral." Napatango siya at ngumiti. Ilang minuto ay nagpaalam na ito. "Bye, Clyde. See you when I see you." "Same to you." Sagot niya. Siya naman ay bumalik sa kanyang inuupuan kanina. Biglang may tumawag sa kanya. Nagulat siya na marami siyang missed calls galing sa kapatid niya. Sinagot naman niya ang tawag. "Hello?" hinihingal niyang sagot. Bigla siyang hindi makahinga ng maayos sa hindi malamang dahilan. [Hi malandi kong Kuya.] sarkastikong sabi ng kapatid sa kanya. Nagulat siya sa bungad ng kapatid sa kanya. "What the f**k Charlotte?! Stop calling me that. Hindi ako malandi." bigla siyang nainis. Kahit kailan hindi pa siya natatawag na malandi ng kapatid niya kahit na playboy siya noon para makalimutan ang sakit na naramdaman niya dahil kay Kath. [Talaga lang Kuya? Sarap na sarap ka pang halikan ang babae mo kanina eh. ] nagulat siya sa sinabi ng kapatid niya sa kanya. Nakita ba sila? "What are you talking about?" mabilis niyang sagot. [Akala mo hindi ko malalaman ang mga kagaguhang pinaggagawa mo?!] bulyaw sa kanya ng kapatid. Napatayo siya sa kinauupuan niya dahil sa galit. Nagmura ang kapatid niya, 'yon ang pinakaayaw niyang ginagawa ng kapatid. "Watch your mouth Charlotte. I'm still your brother who your talking to." mariing sinabi niya. Bigla siyang napakalma at natulala sa sinabi ng kapatid niya. [I don't fuckin' care! Sinaktan mo lang ang bestfriend ko!] sigaw ng kapatid sa kanya. Nanghina ang mga tuhod ni Skyler at napaupo. Bigla niyang naalala si Kath. Buong maghapon nakalimutan niya ito. Nakalimutan niya rin itong sunduin kanina. [Alam mo bang nagkakagusto na si Kath sayo? Ang saya pa nga niya kanina. May ibibigay nga sana siya sayong sandwich dahil gusto niyang bumawi sayo. Masayang-masaya talaga siya. Pero lahat ng 'yon, naglaho lamang. Sa isang iglap, nawala lahat ng iyon. Dahil sa nakita niyang kagaguhan mo.] napahigpit ang hawak ni Skyler sa telepono. Ramdam niya ang saya at sakit sa kanyang puso. Masaya, dahil sa wakas nagkakagusto na sa kanya ang mahal niya. Sakit naman, dahil alam niyang nasasaktan ito ngayon at mapapalayo ang loob nito sa kanya. Pero sa dalawang nararamdaman niya, mas nangingibabaw ang sakit. "The fuck..." nasabi na lang niya. Wala siyang nasabi. [Akala ko mahal mo talaga si Kath. Napakagago mo Kuya. Ang landi-landi mo!] ramdam niya ang galit ng kapatid sa kanya. "SHUT THE f**k UP CHARLOTTE! WALA KANG ALAM AT WALA KANG KARAPATANG HUSGAHAN AKO!" napasigaw na lamang siya dahil sa sakit na nararamdaman sa puso. Nasasaktan siya. Pati ang kapatid niya galit na galit sa kanya dahil sa kagaguhang nagawa niya. [Kitang-kita ng dalawa kong mata ang paglalandian ninyong dalawa! Hindi na kayo nahiya! Kulang na lang magmotel kayong dalawa!] "Tangina lang Charlotte! Hindi mo alam ang buong storya!" mali sila ng akala. Napasuklay na lang siya ng buhok gamit ang isang kamay. [Hindi ko na kailangan malaman pa Kuya. Ito lang ang tatandaan mo, una nasaktan mo si Kath. Pangalawa, lalayuan ka na niya. At ang pangatlo, wag na wag kang hihingi ng tulong sa akin tungkol kay Kath.] bigla siyang nataranta. "Charlotte you don't under---" namatay na ang tawag. Unti-unting namuo ang mga luha sa mata niya hanggang sa lumuha na nga ito. Kung kailan may nalaman siyang maganda tsaka na lang mayroong hindi maganda na mangyayari. Ganito ba talagang mapaglaro ang tadhana sa kanya? Kung kailan okay na ang lahat tsaka na lang may papasok na hindi maganda? Ang tagal na niyang inaasam ito. Ang magustuhan siya ni Kath. Pero sa nakita nito, tuluyan na itong malalayo sa kanya. Ang saklap. Talaga bang hindi sila nababagay? Hindi ba sila para sa isa't-isa? Ilang taon, minahal niya si Kath. Kahit nasa malayo siya, hindi siya tumigil mahalin si Kath. Lahat tiniis niya. Sakit at lungkot. Lahat ng iyon tiniis niya. Gusto niyang makapagtapos agad para naman pag-uwi niya ng Pilipinas, ay may maipagmamalaki siya. Para mabigyan niya ng magandang buhay si Kath kapag naging mag-asawa na silang dalawa at magkakapamilya. Pero ano nangyari no'ng umuwi na siya ng Pilipinas? Ganito kasi ang nangyari... Pagkagraduate na pagkagraduate ni Skyler ng kolehiyo ay agad siyang nagpabook ng flight para makauwi agad ng Pilipinas. Excited na siyang makita si Kath pag-uwi niya. Hindi na siya makapaghintay. Buti na lamang may flight ng gabing iyon. Doon siya nagpabook. Kaya umuwi na siya agad para makapagimpake. Dinala na rin niya ang ibibigay na regalo para kay Kath 'pag nagkita silang dalawa. Binuksan niya ito at tinitigan. Isa itong infinity bracelet. Finally, I would be able to fulfill my promises to you. Remember my promises, baby? We will start our forever when we see each other. Sinarado na niya ito at itinago sa loob ng maleta. Hindi niya mapigilan ang saya na nararamdaman niya. Lahat ng sakripisyo niya, worth it dahil makikita na niya si Kath sa ilang taon nagdaan.~~~***~~~ Nakalapag na ang eroplanong sinasakyan niya. Hindi siya nakatulog dahil sa sobrang excitement na nararamdaman niya. Magkikita na sila ng mahal niya. Ano na kaya ang itsura nito? Mas lalo ba itong gumanda? Is she grown up into a beautiful lady? Naging mas mabait at malambing ba ito? Mas kumulit ba ito at mas naging sweet? Maraming tanong ang naglalaro sa kanyang isipan habang hinihintay na lumapag ang sinasakyang niyang eroplano. Pagkarating niya ng airport ay dali siyang naghanap ng masasakyan. Naging madali naman ang biyahe niya patungo sa lugar kung saan nakatira si Kath. Hindi niya mapigilang kabahan. Ngayon na niya ito makikita. Sa tagal na panahon, walang nagbago ang pagmamahal niya kay Kath. Nasa tapat na siya ng gate ng bahay ni Kath. Walang nagbago simula no'ng umalis siya. Gano'n pa rin ang itsura. Napansin niyang walang tao sa loob ng bahay. Mukhang wala pang nakakauwi. Baka nasa eskwelahan pa si Kath. Maga-alas tres pa lang kasi ng hapon. Umupo muna siya sa sidewalk. Hihintayin na lang niya ito. Biglang nagflashback sa kanya ang una niyang pagkita kay Kath. Ang kunwaring tampo niya kay Kath. Ang First kiss niya kay Kath. Kung paano siya nahulog dito. At... ang pagpaalam niya dito. Naputol ang pagflashback niya. May natanaw siyang isang babaeng nakasuot ng uniporme na naglalakad. Napatayo siya bigla. Bumilis ang pagtibok ng puso niya. Hindi siya maaaring magkamali. Si Kath 'yon! Ang babaeng mahal niya at mamahalin hanggang sa huling hininga niya. Mas lalo gumanda ang Kath niya. Nagmukha itong anghel sa paningin niya. Hindi siya makagalaw sa kinatatayuan niya. Na kay Kath lang ang buong atensyon niya. Si Kath lang ang nakikita ng mga mata niya. Hindi niya namalayan na nakalapit na sa kanya si Kath. Napatingin sa kanya si Kath. Mas lalong lumakas ang kabog ng dibdib niya. Ngumiti siya ng abot-tenga. "K-kath..." lalapit sana siya dito para yakapin pero umatras ito na ikinataka niya. Kumunot ang noo ni Kath. "Sino ka?" unti-unti nawala ang ngiti sa mga labi niya. Para siyang binuhusan ng malamig na tubig sa kanyang narinig. Sino ka? Sino ka? Sino ka? Sino ka? Paulit-ulit ume-echo sa pandinig niya ang katagang 'yon. Nabibingi ba siya? Baka naman mali ang dinig niya. Napatawa na lang siya kahit sa loob-loob nito, unti-unting nawawasak ang kanyang puso. "Hahaha, ganda ng biro mo Kath ah. Namiss mo lang yata ako kaya ka nagbibiro ng ganyan." may hinanakit sa kanyang boses. Mas lalong kumunot ang noo ni Kath. "Ano bang pinagsasabi mo, Mister? At bakit alam mo ang pangalan ko? Kilala mo ba ako?" nagbibiro lang siya 'di ba? Nasasaktan siya sa inaakto ni Kath. Kung nagbibiroito, sabihin sana nita na nagbibiro lang ito at nagjojoke ito tapos yayakapin siya ng mahigpit tulad ng dati. Pero hindi eh, seryoso ang mukha nitong nakatingin sa kanya. "H-hindi mo ba ako natatandaan? Kuya Sky mo ito..." tinitigan lang siya ni Kath. Doble-doble na ang nararamdaman niyang sakit. "Hindi. Wala akong kilalang Sky na pangalan. Kaya pwede ba, Mister? Umalis ka d'yan. Papasok na ako sa amin." at tuluyan nang pumasok si Kath sa bahay. Si Skyler naman ay nakatulala lang. Hindi siya makapaniwala. Ano ang nangyari makaraan ng apat na taon? Bakit hindi siya nito maalala? Bakit ganoon ang bungad sa kanya? Maraming bakit ang naglalaro sa isip niya na sa ngayon ay hindi niya kayang sagutin. Nagpasya na lang siya na umuwi sa kanyang condo. Wala pang nakakaalam na nakauwi na siya. At ayaw niya ipaalam muna iyon Pagpasok niya ng condo, doon niya ibinuhos ang kanina pang pinipigilang luha. Unti-unti nanghina ang mga tuhod hanggang sa mapaupo siya. Ang sakit-sakit. Bakit siya kinalimutan ni Kath? Bakit?! Naghintay siya. Nagtiis siya. Pero ano itong bumungad sa kanya?! Ang saklap... Gusto niyang magwala at magalit. Pero wala siyang lakas para gawin iyon. Lahat ng lakas niya ay nawala dahil sa nangyari. Mas nangingibabaw ngayon ang sakit na nararamdaman niya. Walang tigil sa pag-agos ang mga luha niya. Paano na ang mga pangako nila sa isa't-isa? Matutupad pa ba iyon? Eh nakalimutan na nga siya ni Kath. Baka pati pagsasama nila nakalimutan na rin nito. Buong gabi wala siyang ibang ginawa kundi ang umiyak ng umiyak para man lang mailabas ang sakit na nararamdaman niya sa dibdib. Para siyang pinatay ng ilang beses. 'Yon ang nangyari... Lagi na lang palpak. Ang saklap. Para kang ginagago ng tadhana. Hanggang kailan ba niya mararamdaman ang ganitong sakit? Lagi na lang ba siya masasaktan ng husto? Hindi na ba siya pwedeng makaranas ng kasiyahan? Kahit man lang sa piling ni Kath? Ang tanong, mangyayari pa kaya iyon? Eh tuluyan na ngang malalayo ang loob nito sa kanya. Tadhana nga naman. Ang hilig manggago. Gusto na niyang sumuko. Hirap na hirap na siya. Gusto na niya patigilin ang sakit. Gusto na niyang lumigaya man lang kahit saglit. Kaya ba niyang isuko ang pagmamahal niya para kay Kath? Kaya ba niya? Buong buhay niya, wala siyang ibang ginawa kung hindi ang magmahal, magtiis at masaktan mula sa malayo... Walang-wala na siya... talo na siya... Teka nga, minahal nga ba siya ni Kath noong bata pa lang ito? Napatawa siya. Isang mapaklang tawa. Hindi... hindi naman talaga siya minahal ni Kath. She loves him as a brother. Wala naman ito alam sa pagmamahal katulad ng pagmamahal niya para rito. Wala talaga... Siya lang itong umaasa na mahal talaga siya ni Kath. Ang gago niya. Napakagago niya. Umasa lang siya sa wala. Laking sampal iyon sa kanya. Hindi na siya mamahalin ni Kath kahit kailan. Kahit anong gawin niya hindi nito kayang mahalin katulad ng pagmamahal niya para dito. Hinding-hindi... Ngayon pa lang gusto na niya sumuko. Pagod na pagod na siya. Pagod na siyang makaramdam ng sakit. Ayaw na niya maramdaman ito. Gusto na niyang sukuan ang pagmamahal niya... sukuan ang pagmamahal para kay Kath...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD