[Katherine Chelsea Aguilar] Unti-unti kong minulat ang mga mata ko. Bumungad sa’kin ang puting ilaw at puting kisame. Luminga-linga ako sa paligid. Nasaan ako? Walang tao sa loob ng kwartong kinaroroonan ko maliban sa’kin at ang taong nakadukdok sa may gilid ng kama ko. Pigura pa lang niya, kilala ko kung sino ito. Kahit nanghihina ang katawanan ko, sinubukan kong abutin ang malambot niyang buhok para haplusin ‘yon. Mukhang pagod na pagod siya sa kakabantay sa’kin. Nagising siya sa ginawa kong ‘yon. Mapupungay ang mga matang tinignan niya ako. “Kath?” Tipid ko siyang nginitian. Nagulat ako nang bigla siyang tumayo at ang mukha ko at hinalikan ako ng mariin. Hindi kaagad ako nakareact. Kalaunan napapikit ako ng mata hinalikan siya ng banayad. Para siyang sabik na sabik dahil lumalali

