CHAPTER 03

1877 Words
Akala ko magagalit si Jeuz kapag nalaman niya ang ginawa sa akin ni Ryo, kagaya ng dati niyang reaction sa mga nananakit sa akin. "It's okay. Hindi ka naman nasugatan e'. You're doing good. Just continue, babe," aniya, bagay na hindi ko inaasahang marinig sa kaniya. Tumayo ako mula sa pagkakasandal sa kaniya. "Uuwi na 'ko," paalam ko. Hindi ko na ipinahalata na naiinis ako dahil para bang mas mahalaga sa kaniya ang mapabagsak ang kaaway niya kaysa sa akin na nasasaktan na. I felt his lips on my head. "Take care," he said in a sweet tone. Lagi niya 'yong ginagawa kapag ramdam niya na galit ako o naiinis ako. Effective e'. Nawawala inis ko. Pagod na ibinaba ko ang gamit ko sa kama ko. Isinalampak ko na lang din ang sarili ko doon at inisip ang buong araw ko. Ang sama. Muling sumagi sa isip ko si Ryo. Kung paano siya umasta kanina. Surrounded ako ng mga ganoong klase ng tao pero kakaiba siya sa kanila. Bakit kaya ganoon na lang ang kagustuhan ni Jeuz na mapabagsak siya? Ano ba'ng mayr'on sa kanila? "Ate…" Napabangon ako nang marinig ko ang tawag na iyon ng senior highschool kong kapatid. Dalawa lang kaming anak at siya ang bunso kaya naman mahal na mahal ko. "Upo ka, nasaan si nanay?" tanong ko. May dala siyang modules, mukhang mag tatanong ulit sa subject na nahihirapan siya. Masaya naman ako na ituro sa kaniya ang lahat ng hindi niya maintindihan. Isa siya sa mga dahilan kung bakit ako nag sisikap sa kolehiyo. Gusto ko nang magandang buhay para sa aming dalawa. "Si nanay, alam mo na, nasa bingo-han," umiiling na wika niya habang ipinapatong ang modules sa lamesa. Natawa na lang ako. Sanay na kami ni Rylen sa gawain ng nanay namin. Mula kasi noong namatay si tatay e' nagkaganiyan na siya. Para na rin siyang patay, para sa kaniya wala nang purpose ang buhay niya. Hindi niya na kami inisip. "Ate, ano'ng nangyari sa leeg mo?" nawala ako sa seryosong pagtitig sa assignments niya nang sitahin niya ang leeg ko. Napahawak naman ako doon habang naka-kunot ang noo. Naalala ko 'yong ginawa ni Ryo. Itinago ko na lang ang lahat sa isang maangas na tawa. Kilala ako ng kapatid ko sa ganoong paraan. Kapag maangas ang dating ko, ibig sabihin okay ako. "Sus, wala 'yan. Okay lang ako. Alam mo naman ate mo, hilig sa adventure," palusot ko na lang at muli siyang tinulungan sa assignments niya. Matapos iyon ay ginawa ko naman ang sa akin. Inabot na rin ako ng madaling araw sa pag rereview at pag cocomply sa mga requirements dahil malapit na ang exam. Sa tingin ko ay dalawang oras lang ang naitulog ko kaya medyo lutang pa ako nang pumasok sa school. Hindi na rin ako dumaan sa kuta. Naglalakad ako sa hallway papasok ng classroom habang inaayos ang mga dala ko. Sobrang pangit ko siguro ngayon. Buti na lang at hindi ako dumaan sa kuta. Ayoko na makita ni Jeuz na ganito ang hitsura ko. Break time namin kaya nagmadali akong mag punta a library para tapusin ang huling project na ipapasa ko na mamaya. Sakto naman na nakita ko si Ryo na nandoon din. Wala sa hitsurs niya na pala-aral siya kaya hindi ako sigurado kung ano'ng ginagawa niya sa lib. Mula sa kinatatayuan ko'y pinagmasdan ko siyang umupo sa isang lamesa at tumungo. Napa-iling ako. Sabi ko na e', wala talaga sa hitsura niya ang mag aaral. Hindi ako madalas dito sa library. Gusto kong mag basa pero masyadong old school ang libraries. Lahat naman ng bagay nasa internet na. Pero ngayon, mukhang mapapadalas ako rito. Badtrip. Kumuha muna ako ng ilang libro. Palapit na sana ako sa natutulog na si Ryo nang makasalubong ko ang isang babaeng may namumulang labi. Tila nasapak ah. "Tol, pahiram nga ng lipstick mo?" pakiusap ko sa ngayon ay gulat na babae. Nagulat din ako sa sinabi ko. "Uh, s-sure," nag aalangang tugon niya at kinuha ang lipstick sa bag. I should pratice these things from now on. Grr, Jeuz, I love you. "Salamat," saad ko at aalis na sana nang muli akong tawagin n'ong babae. "Excuse me, miss." Napalingon ako sa kaniya a hindi maipinta ang mukha. "…may lampas, kasi…" Hindi na siya nag sayang pa ng laway at tinulungan ako na ayusin ang sarili ko. "Much better," aniya. Tipid na ngumiti ako. Ang nice niya, e'di wow. Sana all nice. "Salamat." Umalis na rin siya kaya naman dumiretso ako at marahang umupo sa harap ng tulog na si Ryo. Tandaan mo, Naomi. Be feminine. Be a good girl. Huminga ako ng malalim at marahang binuklat ang libro. Hindi ko naman maiwasan na sumulyap din sa kaniya. Pinilit ko pa rin na tapusin ang ginagawa ko. Hindi ko tuloy napansin na nagising na siya. Gulat na napatayo siya nang makita ako. Pfft, mukhang daga. I gave him my best fake smile. "Hi!" I greeted and wave. Tss, nakakarumi. Mula sa epic na bagong gising niyang mukha ay napalitan ng pagka-asar. Sobrang satisfying n'ong tignan pero somehow nakakatakot pa rin. Nakakatakot na hindi ako puwedeng lumaban sa kaniya. "What do you think you are doing?" inis na tanong niya ngunit sa mahinang tinig lang. Hindi siya puwedeng nag ingay dito e'. "I'm sharing a table with a person I like, I guess," sagot ko at nag kibit-balikat. Ma-fall ka na kasi, gangster. Malapit na maubos pasensya ko. Lantarang panlalandi na 'to oh. He smirked. "Liar. After what I did to you last time? Who sent you?" Natigilan ako sa sinabi niya. Ang lakas naman maka-amoy nito. Sumeryoso ako. Hindi niya dapat malaman ang totoo. "Sent what?" I asked, trying to look so innocent. One thing you should know about me, I'm a good liar. "If you aren't working with someone, then what else do you need from me? Money?" rebat naman niya. This is when I should act offended right? Yeah, watched it several times. Nag baba ako ng tingin at nag panggap na nasaktan sa sinabi niya. Mabilis kong kinuha ang mga gamit ko at tumayo para umalis. Pero bago ako tuluyang umalis… "Alam mo Ryo, I don't care who you are. You showed me yesterday kung sino ka and when I insisted to stay, I mean it. Sana huwag mo 'kong pag isipan ng masama," saad ko at umalis. I smirked. That was really satisfying. Dumiretso na ako sa kuta matapos ang klase. Tumambay lang ako roon para sandaling umidlip dahil siguradong hindi ako makakatulog sa dami ng gawain sa bahay. "Babe," Lapit sa akin ni Jeuz habang tulala akong bumubuga ng usok. Hindi maalis sa isip ko ang mukha ng taong 'yon. Bakit nga ba ngayon ko lang siya napansin sa ilang taon ko nang pag-aaral sa university? "You alright?" Nahinto ako sa pag iisip. "Oh, y-yeah. Okay lang ako. Sobrang napagod lang sa school," sagot ko naman habang pilit na ibinabalik ang sarili. "I see. Busy ka siguro masyado. Kumusta na 'yong pinapagawa ko sa 'yo?" tanong niya. "Ah, okay naman. Nagkita kami ulit ni Ryo kanina," sagot ko. Ngumiti naman siya. Hanggang ngayon ay pilit kong pinaparamdam sa kanila na hindi ako kumportable sa pinapagawa niya. Hindi ko alam kung manhid siya o iniignore lang niya. "Good," komenda niya at sumandal sa couch. Napatingin naman ako sa kaniya. "J-Jeuz, p-puwede ko bang malaman, bakit gustong-gusto mo na mapabagsak ang taong 'yon?" tanong ko. Matagal ko nang gustong itanong sa kaniya 'yon. Nakita ko naman na natigilan siya. Kumunot ang noo ko sa naging reaction niya at sa mabilis na pagpapalit ng mood niya. "Kaaway ko nga," simpleng sagot niya na para bang napaka-lalim na dahilan na iyon para utusan niya ako na gawin ang pinapagawa niya ngayon. "Ang babaw naman n'on. Sigurado ako na may mas malalim kang dahilan," saad ko, pilit na pinapaamin siya. Mahina siyang natawa at pinaglaruan ang buhok ko. "Matalino ka talaga." "Ano nga?" "Babe, 'yun lang 'yon. 'Wag kang paranoid. Matagal na kaming magka-away kaya malalim ang galit ko sa kaniya," palusot niya. Sa tagal ko na siyang karelasyon recently lang niya nabanggit ang tungkol sa University Gang. Alam kong nag sisinungaling siya pero hinayaan ko na lang. Ngayon lang siya nag sinungaling. Malalaman ko rin ang lahat, Jeuz. Tumango na lang ako at hindi na nagtanong pa. I'll just do my mission at bahala na si Jeuz. Alam ko naman na mahal niya ako, at dahil mahal niya ako, hindi niya hahayaan na mapahamak ako. Walang pasok ngayong araw kaya nanatili na lang ako sa bahay para naman makapag ayos-ayos dito. Simple lang ang bahay namin pero may kalumaan na. Hindi na rin gaanong nakukumpuni. Ilang buwan na rin ang lumipas noong huling nakumpuni 'to. Si Jeuz at ang mga kaibigan niya ang pumunta rito after nang isang bagyo para ayusin ang bahay namin. Nakakatuwang alalahanin 'yon. "Ate, si Kuya Jeuz, nasa labas," tawag ng kapatid ko. Bakit siya nag punta rito? Wala naman kaming usapan. Mabilis na nag hugas ako ng kamay at bahagyang inayos ang sarili ko bago dumiretso sa sala kung nasaan sila. Natigilan ako nang makita si Jeuz na nakikipag lokohan kay Rylen, sa kapatid ko, dala ang ilang groceries at mga pagkain. Nakita ko ang tuwa sa mga ngiti ni Ryle. Hindi ko na rin maiwasang mapangiti. Hindi pa rin nag babago si Jeuz. Siguro minsan iba lang ang mood niya, pero siya pa rin ang Jeuz na minahal ko. "B-babe?" usal ko sa pangalan niya. Natigil naman sila at nagkatinginan bago umalis ang kapatid ko. "Ano'ng ginagawa mo rito?" tanong ko sabay tingin sa mga dala niya. "Bawal na ba kitang dalawin?" sagot niya. "Ano 'tong mga 'to?" "Para sa inyo 'yan." "Hindi ka na dapat nag abala pa," tugon ko at bumaling sa kaniya. Nahihiya rin naman ako minsan na dadalhan pa niya kami rito. Sana pinakuha na lang niya sa 'kin sa kuta. "Oh, nandito ka pala?" Natigilan kami pareho nang mapagtanto na nandiyan si nanay. "Tita, magandang araw po," magalang na bati ni Jeuz. Nakita ko naman kung paanong dumako ang mata ni nanay sa dala ni Jeuz. Napalunok ako. Ipapahiya na naman ako nito. "Ano 'yang dala mo?" tanong ni nanay habang kumukuha ng sigarlyo sa kaha. "Konting groceries po, para inyo, tita," sagot naman ni Jeuz. Napangiwi na lang ako nang magbago ang mood ni nanay. Bumait e. Parasite talaga. Nilingon ako ni Jeuz at ngumiti. Napangiti na lang din ako nang sundin niya ang utos ni nanay na dalhin sa kusina ang mga pinamili niya. Sinundan ko lang sila ng tingin habang nag tatawanan paalis. He always do unexpected things for me. Lagi siyang may sorpresa. Muling sumagi sa isip ko ang pinapagawa niya sa akin. Mahal naman ako ni Jeuz, 'di ba? Ramdam ko naman 'yon lalo na sa ganitong mga pagkakataon. Siguro tama na sundin ko na lang siya para makabawi naman ako sa mga naitulong niya sa pamilya ko. Tama lang siguro na gawin ko ang gusto niya. Dapat galingan ko para mapasaya siya. Napatango ako sa naisip kong 'yon. "Mikael Ryo Del Suarez," I nodded. "I will make that gangster fall."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD