CHAPTER 01

1875 Words
"Mag babayad ako," mayabang na saad ko sa finance ng school namin. Siniringan niya ako sabay abot ng form. Malaki yata galit sa 'kin ng babaeng 'to dahil madalas akong hindi mag bayad. "Salamat naman," aniya. Hindi na siya pinansin dahil wala naman siyang dulot sa buhay ko. Sana'y matanggal siya sa trabaho. Umalis na ako roon para pumunta sa kasunod na klase ko. Inilibot ko ang paningin ko sa university. Konti na lang, makaka-graduate na ako. Sandaling panahon na lang at mai-aahon ko na ang pamilya ko sa kahirapan. "Hindi daw pumasok si Ryo?" rinig kong saad ng isang grupo ng kababaihan habang dumadaan ako sa corridor. Hindi ko naman kilala kung sino ang pinaguusapan nila. "May naka-away na gang. Mukhang malala tama ni Ryo." Dumiretso na ako sa klase na tumagal lamang ng ilang minuto. Wala namang masyadong ginawa dahil mukhang nag mamadali 'yong professor. Itinabi ko na lang ang gamit ko at nag pasyang pumunta sa kuta. "Naomi (Na-yo-mi), ikaw pala. Pasok ka, nasa loob si Jeuz (Je-yuz)." Hindi ko na nilingon si Ian at dumiretso na lang ako sa luma at abandonadong gusali kung saan sila nananatili. Ilang kaibigan pa ni Jeuz ang nasalubong na hindi ko na pinagaksayahan pa ng panahon na batiin. "Jeuz, nandito pala syota mo. Pinapunta mo?" Napalingon sa akin si Jeuz nang marinig ang sinabing iyon ng kaibigan. Nasa isang lamesa siya kasama ang ilan pa na nag lalaro ng baraha. Tinignan ko lang siya hanggang sa ngitian niya ako. Napangiti na lang din ako at mabilis na lumapit at umupo sa tabi niya. "Panalo ba?" tanong ko at kinuha ang kaha ng sigarilyo para kumuha ng isa. "Kumusta school?" tanong niya habang ipinapatong ang braso sa balikat ko. Humarap ako sa kaniya at ibinuga ang usok na galing sa sigarilyong hawak ko. Ngumiti ako at hinawakan ang mukha niya. "Kababayad ko lang tuition. Laugh trip nga 'yong finance e, akala niya hindi ako makakabayad," sagot ko at ginawaran siya ng halik. "Thank you." "Kahit ano, para sa 'yo," sagot niya at ngumiti. Doon ko naman mas napansin ang bagong bangas niya sa mukha. "Napa-away kayo?" tanong ko at hinawakan ang mukha niya. "Oo, ang yayabang n'ong mga taga university e," si Anton, isa sa mga kasama ni Jeuz sa gang ang sumagot. Sanay na ako sa ganito na lagi silang napapa-away. Minsan nga ay sa hospital ko na pinupuntahan si Jeuz. "Tsk, baka sa susunod nasa kabaong ka na, ha? Bakit hindi n'yo 'ko sinali?" tanong ko habang pinaglalaruan ang lighter sa daliri ko. "Tss, gusto kang pala sumali," sagot ni Jeuz na ikinatawa ko. Oo, leader ng gang ang boyfriend ko. Bago ko pa man siya makilala ay buo na ang grupong ito. Hindi ako basag-ulerang babae pero natuto na rin ako sa kanila. Maraming nag sasabi na masamang impluwensya ang mga taong ito, pero hindi sa ganoong paraan ko ito nakikita. Ilang sandali pa'y nakipag laro na rin ako sa kanila hanggang sa tuluyan nang magdilim senyales na kailangan ko nang umuwi. "Uuwi ka na?" tanong ni Jeuz nang makitang kinuha ko na ang bag ko. Kumunot naman ang noo pero tumango rin. Alam naman niya na ganitong oras ako umuuwi, pero ngayon lang siya nag tanong. "Pagabi na, 'di ba?" "Puwede ba kitang makausap muna sandali?" kalauna'y saad niya. Napakibit balikat ako at tumango. Wala akong ideya sa kung ano ang gusto niyang pag-usapan. Sinenyasan niya ang mga kaibigan na iwan muna kami sandali. "May sasabihin ka ba?" tanong ko muling umupo sa tabi niya. Inakbayan niya ako at sinimulang hawiin ang mga takas na buhok sa mukha ko. Kumunot ang noo ko nang hindi siya mag salita kaya ako na ang nagsimula. "Grabe pala 'yang mga sugat mo. Bangas-bangas ka na ah," saad ko para lang may masabi. "Actually, may kinalaman doon ang gusto kong sabihin sa 'yo," aniya. Umayos ako ng upo. "Sabihin mo na kasi, pinakakaba mo 'ko e," nakangusong saad ko at saka dinilaan ang pisngi ko sa loob. "Can you do me a favor?" tanong niya. "Of course, kahit ano, para sa 'yo." Lagi niya akong ginagawan ng pabor, pati na ang pamilya ko. Sobra-sobra lagi ang naitutulong niya sa amin at ngayon lang siya hihingi ng pabor. Masaya ako na gawin ang anuman para sa kaniya. "'Yung gang na naka-away namin kanina. 'Yung mga taga-university," panimula niya. Alam ko na may gang nga sa university namin pero hindi naman ako pamilyar sa kanila. Ang grupo lang nila Jeuz ang gang na kilala ko. "...'Yung leader nila, si Ryo . I want you to date him, Naomi." Natigilan ako sa sinabi niya. Sunod-sunod ang naging paglunok ko at mas umayos ako ng upo. Pilit akong tumawa. "Baliw ka talaga, ano nga?" pangungulit ko, umaasang uulitin niya ngunit iba ang sasabihin. Umayos din siya ng upo at nagsimulang mag seryoso. Ang seryosong Jeuz na ayokong makita. "Seryoso ako sa hinihiling ko, Naomi. Gusto ko na i-date mo siya. Make him fall inlove, distract him. Sa ganoong paraan mas magiging madali sa amin ang lahat," saad niya. Madalas niyang hindi ipaliwanag sa akin ang malinaw na plano niya dahil batas sa grupo na ang plano ay para sa grupo lamang. Pero sa ngayon, sa tingin ko karapatan ko na maunawaan 'yon. "B-bakit ako?" naguguluhang tanong ko. Tinapunan niya ako ng tingin. Tingin na tila ba nauubos na ang pasensya niya sa akin. "Bakit hindi?" "Girlfriend mo 'ko!" "Kaya nga ikaw ang pinagagawa ko nito. Kasi alam ko na hindi mo ako tatanggihan, kasi mahal mo 'ko," saad niya na pilit ibinababa ang boses. Marahan pa niyang hinawakan ang mukha ko. "Gagawin mo, 'di ba? Maliit na pabor lang naman 'to kumpara sa mga nagawa ko para sa 'yo." Napalunok ako sa sinabi niyang 'yon. Tama siya, maliit na bagay lang 'to kumpara sa mga nagawa niya. Dahil sa kaniya nakakapag-aral ako sa pretehiyosong unibersidad at nakakapag kolehiyo. Malaki ang utang na loob sa kaniya ng pamilya ko. Mahal ko siya kaya ayokong makisama sa iba pero gagawin ko, dahil nga mahal ko siya. "Sino ang leader ng gang na 'yon?" tanong ko at iniwasan ang mga haplos niya. Tumingin na lang ako sa kung saan para iwasan ang mata niya. "P-payag ka na?!" Muling bumalik ang Jeuz na mas minahal ko. Halatang-halata ang saya sa mukha niya. Mabilis siyang napayakap sa akin kaya hindi ko maiwasang mapangiti bagaman hindi pa rin mawala sa isip ko ang utos niya. Tumango ako at pilit na ngumiti. "Okay!" Kinuha niya ang cellphone niya na nasa lamesa. Nanatili ako sa upo ko habang nakatingin sa kaniya, iniisip kung tama ba na pumayag ako sa utos niya. "This is Mikael Ryo Del Suarez. Sigurado naman ako na kilala ko siya dahil same university kayo..." Napatitig na lang ako sa kaniya habang ibinibigay niya ang impormasyon sa lalaking iyon na hindi ko naman talaga kilala kahit pa nasa iisang university kami. Wala akong kaibigan sa university kaya wala rin akong masagapan ng balita sa kung anumang gang ang mayro'n doon. Hindi pa rin ako makapaniwala na pinapagawa sa 'kin 'to ni Jeuz. Gusto niya na makipag date ako sa iba. Ako na girlfriend niya. Wala naman akong choice. Hindi ko puwedeng tanggihan si Jeuz at mahal ko siya, obligasyon ko na gawin ang lahat ng gusto niya. Unang araw ko sa university kasama ang misyon na iyon. Inilibot ko ang paningin ko sa field kung saan walang masyadong nakakakilala sa akin. Kung ilalarawan ko ang buhay ko sa unibersidad na ito, isa lamang ako sa napakaraming babae na hindi naman kapansin-pansin. Kumbaga, wala lang. Nag aaral lang. Kabado pero ipinagpatuloy ko ang pag hahanap sa Ryo na 'yon. Wala akong ideya kung saan siya matatagpuan dahil bukod sa pangalan niya ay hitsura lang niya sa litrato ang alam ko. "Hoy, La Torre!" Napalingon ako sa tawag ng isang babae mula sa isang grupo na naupo sa bleachers. Kumunot ang noo ko at unti-unting napagtanto na mga kaklase ko sila sa isang major subject. Mga kagrupo ko yata sila sa isang project, pero hindi ko naman sila kailangan dahil kaya ko namang gumawa ng project mag-isa. Bumuntong hininga ako at aalis na sana. Kagaya ng nakasanayan ay hindi naman ako nakikisama sa kanila. "Nandiyan si Ryo." Automatic na humito ako sa anumang hakbang na gagawin nang marinig ko ang saad na iyon ng isa sa nga kagrupo ko. Kunot-noong napalingon ako sa aroganteng lalaking nag lalakad papalapit sa grupo. Umay. Tamad na umupo siya 'di kalayuan sa grupo. Tinignan ko lang siya at ang ilang bangas niya sa mukha na malamang ay nakuha sa pakikipag-away sa grupo nila Jeuz. "Ano, La Torre, hindi ka ba sasama?!" medyo inis nang tanong nang umaastang lider ng group. Nakita ko ang pagkakataong ito para makalapit kay Ryo, kaya kahit bawat hakbang ko ay ang pagtapak ko sa ego ko ay tiniis ko na lang. Hindi ko alam na kagrupo ko siya. Kaklase ko ba siya? Nag simulang mag discuss 'yong lider-kuno. Sa isip-isip ko'y nilalait ko ang paraan ng pag didiscuss at pag pa-plano niya ng gagawin sa project. Gusto ko na sanang tapusin 'to pero kailangan kong gumawa ng paraan para makausap ang nananahimik na si Ryo. Hindi naman siya nakikinig. Nakaupo ako, hindi kalayuan sa kaniya. Dinilaan ko ang pisnge ko habang iniisip kung paano ko sisirain ang pagkatao ko sa harap ng lalaking 'to. Ilang beses akong sumulyap sa kaniya. "H-Hi," bati ko sa pinakamalambing na tono. Pilit na ngumiti ako ngunit agad ding nawala nang makita ko ang nakakainis na ngisi sa labi niya. Hindi ko alam kung para sa akin nga 'yon dahil hindi naman niya ako tinignan. Napailing siya at dinampot ang bag niya at walang paalam na umalis. Hindi naman siya napansin ng mga kagrupo ko dahil busy sila. Ang sarap niyang bangasan sa totoo lang. Tiim bagang akong nag pigil ng inis at sinagad hanggang baba ang pride ko. Para naman 'to kay Jeuz e'. Tumayo ako sa sinundan siya, "Sandali lang, Ryo," tawag ko dahilan para huminto siya. Nasa kalagitnaan kami ng open field ngayon. Kunot-noo niya akong nilingon at muling mapangisi nang makita ako. Tuluyan siyang humarap sa akin at maangas akong tinignan. Nakakawala ng angas 'tong ginagawa ko e'. "Ang lakas ng loob mo, sino ka ba?" tanong niya. Inilahad ko ang kamay ko. "I'm Naomi. Magkaklase tayo sa engineering. Alam ko hindi mo 'ko napapansin pero... m-matagal na kitang tinitignan mula sa malayo. C-crush kita," dire-diretsong saad ko, kasabay noon ay ang kaba at matinding pandidiri sa sarili. Napakagirly naman nito. Mahina siyang natawa na sinunsan ng mas malakas na tawa. Napapahiyang ibinaba ko ang kamay ko nang mapagtanto na tinatawanan niya lang ako. Hindi ko alam kung paano gawin ito ng tama. "Business management ako, hindi engineering. Ayusin mo buhay mo, Nami? Nakakahiya ka," aniya at tinalikuran ako. Naiwan akong nakatulala. Bawas ang angas ko ah. Akala ko kaklase ko siya? I mean, akala ko magkagrupo kami? Sinipa ko na lang ang nakita kong nakakakalat na plastic bottle para mabawasan ang inis ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD