"Ano'ng plano mo ngayon, 'teh?" tanong ni Kevin habang kumakain kami ng fishball na nabili namin sa kung saan dito sa kalye. "Hahanap muna ako ng part time. Nauubos ko na ipon ko. Saka ko na iisipin si Jeuz. Ang mahalaga ngayon ay tinapos ko na ang relasyon naming dalawa," saad ko. "Ngayong tapos na kayo ni Jeuz. Ano na'ng plano mo with fafi Ryo?" Kumunot ang noo ko. Parang baliw talaga 'to. "Wala." "Wala?" "Wala. Sa ngayon masaya na ako na okay na kami ni Ryo. Hindi na muna ako nag iisip o umaasa ng higit pa r'on. Madami akong kailangang isipin kagaya ng kung saan ako makakanap ng trabaho," saad ko ar sumang-ayon naman siya. Ganoon nga ang nangyari sa mga nakalipas na araw. Naghanap ako ng trabaho kahit na mababa ang lang sweldo. Sa tulong ni Kevin ay hindi naman ako

