I can’t even swallow my food properly with the heavy silence hanging between me and Leonariz. Ang tunog lang ng kubyertos ang maririnig habang patuloy kami sa pagkain. Ilang minuto na ba ang nakalipas? Hindi pa ganoon katagal—lima, siguro? After I set up everything earlier in this table, habang nasa gilid siya kanina at pinanonood ako ay pagkakita niya naman na nakahanda na ang pagkain ay naupo na rin siya. Hindi na siya nagsalita simula noon, pero kalmado naman ang itsura niya. He's just eating his food quietly, nakailang kuha na nga rin siya ng kanin at ang ulam na niluto ko ay malapit na rin maubos. Siguro ay gusto lang rin talaga niya na may kasabay. Kung ganoon, ay sana inimbita na lang niya 'yong secretary niya at nagsabay sila. Napatingin naman ako sa pinggan ko. I was actually t

