Wala na rin naman naging tanong pa sa akin si Kade at tahimik na lang rin siya hanggang sa malapit na kami sa bahay. Kaya naman niya pa lang itikom ang bibig niya pag kaming dalawa lang, kung ganito ng ganito eh magiging okay rin kami at hindi ko na siya susungitan. Oo nga pala. Hindi ko na rin nareplyan si kuya sa mga mensahe nito, pero bago naman kasi rin kami umalis ng hotel and resort ay nagsabi ako kay Reiz na pauwi na ako. Natagalan nga lang dahil nga kay Reina na ichineck in muna namin sa hotel. Pag ang kuya kasi ang nireplyan ko ay siguradong marami pa siyang magiging tanong. At ito nga... hindi ko na rin pinababa si Kade, pagkadating kasi namin sa bahay ay nasa labas ang Kuya Ariston habang nakahalukipkip at seryoso ang mukha na patingin-tingin sa relo. Napangiwi pa ako at medyo

