Napalunok ako at umayos na sa upuan ko. Ikinabit ko na rin ang seatbelt ko at nanginginig pa rin ang mga kamay ko nang hawakan ko na ang manibela. "O-Okay. We'll go now." I said. I saw in my peripheral vision that he was watching me. "Are you sure you can drive my car? Baka hindi ang pagkakatama ng ulo ko ang ikamatay ko, eh." I glared at him because of what he said. Itinuon ko na rin ang atensyon ko sa sasakyan niya and started the engine. "I-I can drive this. Ano bang pinagkaiba s-sa ibang sasakyan?" tanong ko sa kaniya kahit na kinakabahan ako. "Alright," sagot lang niya, pero ramdam ko pa rin na nakatingin siya sa akin. Ilang minuto na ang nakalipas nang makaalis na kami sa hotel at ganoon na lang ang pagkagat ko ng mariin sa pang-ibabang labi ko nang mapagtanto na hindi ko nga p

