Kraius was eyeing Rhezi. Ni hindi nito nilulubayan ng tingin ang dalaga habang naglalakad papalayo dito. Mariin din ang bawat titig nito sa papalayong pigura habang kuyom ang mga kamao. He was mad. Kitang-kita iyon sa awra nito. He flinched when someone snaked in his arm. Kaagad na naningkit ang mga mata nito sabay baling ng tingin dito. He instantly saw his current hook up. Ngiting-ngiti ito habang pulang-pula ang labi dahil sa lipstick na gamit. "You seemed angry. May problema ba?" tanong nito. Umiling si Kraius at hindi na nagtangkang sagutin ito. Sumimangot naman ang kasama nito at iginaya na lamang ang binata paupo sa lounge na kinaroroonan ng mga kaibigan. They occupied the VIP area and all were obviously enjoying. "Hi, K!" bati ng mga ito. Tumango lamang si Kraius at hindi na

