Hindi sinayang ni Kraius ang sandali. He released Rhezi from his tight hug and cupped her beautiful face. There were still tears in her eyes and he didn't waste time to remove it. Pinunasan nito iyon gamit ang likod ng mga palad nito ng dahan-dahan. Siniguro nitong hindi na masasaktan ang dalaga sa ginagawa. Pagkatapos ay ibinaba nito ang mukha papalapit sa mukha ni Rhezi at hinalikan nito ang mga mata ng dalaga ng banayad. Ipinikit naman kaagad ni Rhezi ang mga mata nito nang maramdaman ang ginawa ni Kraius. Damang-dama ng puso nito ang ibat-ibang emosyon na nagpapahurumentado sa pagtibok niyon. Nasasaktan ito sa mga nalaman at nagsisisi rin ito, ngunit sadyang kakaiba ang hatid ng bawat mga halik ni Kraius sa mukha nito pababa sa labi. Ang banayad na pagdampi ng mga labi ng binata ay

