“Ang akala namin ay ito na ang pinakaligtas na lugar at hanggang sa mamatay kami ay walang mangyayaring masama sa amin dito. Ngunit bakit ganito ang nangyari ngayon?! Bakit kailangang maraming mga kabataan ang mamatay?! Ang mga inosente naming mga anak ay nawalan ng buhay at pinagkaitan na makamit ang kanilang mga pangarap!” Mas lalong nakakaramdam ng galit ang dalawang imbestigador dahil sa mga naririnig nila na sinasabi ng mga magulang na namatayan ng anak. Ang kanilang mga iyak ay isang saksak para sa dalawang imbestigador. Tama rin na sisihin nila kami dahil namatay ang kanilang mga mahal sa buhay. Totoo naman ang sinasabi nila na wala pa rin kaming nagawang aksyon para mahuli ang mga kriminal. Kahit ano ang gawin namin ay nauunahan kami ng mga kriminal at naiisahan. Kaya tama lang

