THE FIRST CRIME: RAPE
Isang magandang araw na naman upang masayang pumasok ang mga estudyante sa bawat eskwelahan sa Rechilor City. Ang lahat ay masigla at natutuwa na pumasok sa kani-kanilang mga silid-aralan. Tahimik na ang paligid ng isa sa mga eskwelahan sa Gladiolus dahil nagsisimula na ang klase sa bawat silid. Wala nang mga estudyante na makikita pa sa labas. Mayroong isang sikat na paaralan doon na para sa mga may matataas na antas sa siyudad. Ang lahat ng mga mag-aaral doon ay mga disiplinado at talagang nakikinig sa bawat guro. Tinuturuan sila ng maayos sa eskwelahan na 'yon at talagang mga edukada at edukado.
Mayroong isang babae na anak mga negosyante na sina Mr. at Mrs. Perez. Naninirahan sila sa Daffodil, kung saan may mga nagmamay-ari ng mga malalaking negosyo sa siyudad. Ang babaeng anak nila ay lumabas ng kanilang silid upang magpunta sa banyo. Nagpaalam siya sa kaniyang guro upang makalabas siya. Wala kasing mga banyo sa kani-kanilang mga silid kaya kinailangan pa nito na lumabas.
Habang nag-aayos siya ng kaniyang sarili sa banyo ay bigla na lang siyang may narinig na isang kalabog. Siya lamang ang nag-iisa sa banyo nang mga oras na ‘yon kaya naman ay nagitla siya sa narinig. Sa loob mismo ng banyo niya ‘yon narinig.
Ano kaya ‘yon? Hindi kaya ay may multo rito?
Sa isip-isip ng estudyanteng babae ay baka may multo sa loob ng banyo. Wala rin siyang marinig na tunog ng kahit anong uri ng hayop sa loob ng banyo. Kahit na nakaramdam siya ng takot ay nilapitan niya pa rin kung saan nagmula ang kalabog na kaniyang narinig. Dahan-dahan siyang lumapit doon. Nasa pinaka-dulong bahagi ng banyo ang pinagmulan. Saka niya lakas-loob na binuksan ang pinto ng isang cubicle roon.
Tumambad sa kaniya ang isang lalaki na nakabalot ang buong ulo ng mask hanggang mukha. Tanging ang mga mata at bibig niya lamang ang nakikita. Ang kumalabog ay isang pala. Hawak na ‘yon ng lalaki at bigla itong tumayo nang makita ang estudyanteng babae. Nanginig sa takot ang babae at kung ano-ano ang pumasok sa kaniyang isipan sa mga oras na ‘yon.
Sino kaya ang lalaki na ito? Bakit siya narito sa banyo na para sa mga kababaihan? Mukhang masama siyang tao dahil sa suot niya ngayon at sa hawak niyang pala!
Natatakot na ang babae sa kaniyang isip-isip niya dahil sa postura ng lalaki ngayon. Tila ba ay hindi na nito malaman kung dapat na ba siyang tumakbo o hindi. Baka sa oras na tumakbo siya ay mahabol ito at paluin ng pala na hawak ng lalaki.
“P-Pasensya na po kayo. Hindi k-ko po alam na may tao d’yan...” natatakot na sambit ng babae. Unti-unti na itong umaatras habang nakatingin sa pala na hawak ang lalaki. Binabantayan niya ang kung ano man ang magiging kilos ng lalaki na nasa harap niya.
Napansin niya ang mga mata ng lalaki na dumako sa kaniyang palda. Ang kanilang uniporme ay may kaiksian. Ang palda niila ay hanggang itaas lamang ng tuhod. Kaya naman kita ngayon ang kaniyang mapuputing mga hita. Ramdam niya ang lagkit sa mga tingin ng lalaking nasa harapan niya.
Hindi kaya ay manyak ang isang ito kaya narito siya sa banyo ng mga kababaihan? Mukhang naghihintay lamang siya ng magiging biktima niya!
Mas lalo lamang na nakaramdam ng takot ang babae nang maisip niya ang posibilidad na ‘yon. Alam niya na walang makakarinig sa kaniya na kahit sino sa oras na sumigaw siya ngayon. Ang tanging naiisip niya ay ang tumakbo palabas ng banyo. Nasa dulo ng hallway ang banyo kaya naman ay may kalayuan pa ang kailangan niyang takbuhin bago siya makarating sa kung saan makikita siya sa loob ng silid.
“Mukhang masarap ka,” bigla ay sambit ng lalaki sa kaniya. Nanlaki ang mga mata nito at saka hindi na nagdalawang-isip pa na tumakbo palayo sa kaniya. Ngunit mabilis siyang nahabol ng lalaki at hinila ang kaniyang buhok bago pa nito mahawakan ang pintuan! Ini-lock ng lalaki ang pintuan ng banyo.
“AHH! Bitiwan mo ako!” sigaw ng babae. Pilit niyang inaalis ang pagkakahawak sa kaniyang buhok upang makawala siya. Ngunit sadyang malakas ang lalaki. Hila-hila niya ang estudyante hanggang sa dulong cubicle ng banyo.
Patuloy ang paghiyaw ng babae at nagpupumiglas ngunit wala siyang laban sa lakas ng lalaki. Binitawan ng lalaki ang hawak niyang pala. May kalawakan ang dulong cubicle sa banyo na ‘yon kaya nagawa niyang ihiga ang babae sa sahig saka itinalikod. Itinali niya ang mga kamay ng estudyante sa likuran nito.
“Parang awa mo na po... bitiwan mo ako!” umiiyak nang sambit ng babae. Dinaganan pa siya ng lalaki sa kaniyang likuran kaya mas hindi na siya makagalaw pa. Nahihirapan na siya ngayon lalo na at nakasubsob ang kaniyang mukha sa sahig.
“Manahimik ka. Mabilis lamang ang gagawin natin ngayon,” sambit ng lalaki. Nangilabot ang babae nang marinig niya ‘yon. Tila natawag na niya ang lahat ng santo sa kaniyang isipan para lamang makahingi siya ng tulong. Sa kaniyang sitwasyon ngayon ay nababaliw na siya. May kinuhang panyo ang lalaki at itinapik iyon sa bibig ng babae. Humihiyaw ang babae ngunit hindi na marinig ng ayos. Patuloy ang pag-iyak niya habang umiiling.
Please, no! Don’t do this to me...
Ngunit wala na siyang magagawa pa. Hindi niya kayang labanan ang lalaki na ito. Bigla ay hinawakan ng lalaki ang ibabang parte ng katawan niya. Iginagalaw niya ang kaniyang katawan, nagbabakasakali na sana ay tumigil na ang lalaki sa balak nitong gawin. Ngunit mas napahamak lang siya dahil sa kaniyang ikinilos.
“Sabing tumigil ka!” galit na sigaw ng lalaki. Sa galit nito ay agad niyang naihampas sa ulo ng babae ang pala na nasa gilid niya! Nagtalsikan ang dugo sa kaniyang damit nang sumabog ang likuran ng ulo ng babae dahil sa lakas ng pagpalo nito sa ulo.
Nang mapatay na lalaki ang estudyante ay itinuloy pa rin nito ang masamang balak niya. Hindi na siya nakatiis pa at agad nitong ginahasa ang kawawang babae. Alam na niya ang mga oras ng klase sa eskwelahan na ‘yon, kaya naman ay kampante siya na walang kakatok sa pinto ng banyo. Mabilis lamang ang kaniyang ginawa at saka siya agad na natapos.
Lumabas muna siya upang tignan kung may mga tao ba sa labas. Nang makita na wala ay muli niyang binalikan ang babae. May suot siyang isang earpiece sa kaniyang tainga.
“Kamusta ang mga CCTV?” tanong nito sa kabilang linya.
“Ayos na ang lahat. Maaari mo na siyang ilabas,” sagot naman ng tao mula sa kabilang linya. Nakapwesto siya ngayon sa security room at kontrolado niya ang mga CCTV camera na nakalagay sa buong eskwelahan. Kaya naman ay napanood niya ang lahat ng ginawa ng lalaki sa banyo. Magkasama silang dalawa na nakabantay sa eskwelahan na ‘yon. Ilang araw na silang naghihintay ng mabibiktima nila sa lugar na ‘yon at ngayong araw lamang sila nakakuha ng tamang tiyempo at tamang biktima.
May dalang malaking bag ang lalaki at pinagkasya niya roon ang katawan ng babae. Nang matapos ay nilinis niya rin ang dugo na nagkalat sa sahig. “Tapos na ako maglinis,” sambit muli ng lalaki sa kabilang linya.
“Itapon mo siya sa likuran ng eskwelahan ang katawan niyan,” utos muli ng nasa kabilang linya.
“Masusunod.”
Mabilis na kumilos ang lalaki at binuhat ang katawan ng babae. Siniguro rin niya na walang naiwan na bakas niya upang maging ebidensiya. Mahihirapan ang mga pulisya na mag-imbestiga sa kamatayan ng babae na ‘to sa oras na mabalitaan nila ang tungkol dito. Iyon talaga ang plano nila. Ang mahirapan sila at magkaroon na ng krimen sa tahimik na lugar na ito.
Ibinato ng lalaki ang katawan ng babae sa likod. Nakasuot naman siya ng gloves at pati na rin ang kaniyang sapatos ay may plastic na nakalagay, kaya naman ay wala siyang naiwan na bakas. Itinuturo rin sa kaniya ng nasa kabilang linya kung may mga tao ba na dadaan kaya pinapaiwas siya upang sigurado na walang makakakita sa kaniya. Nang maibato ng lalaki ang babae ay tinanggal niya ito sa malaking bag at ibinalandra ang hubad nitong katawan. Nakatalikod ang babae at ang mga damit naman niya ay nakakalat sa lugar.
“Tapos na ang trabaho ko,” sambit muli ng lalaki.
“Maaari ka nang umalis sa lugar na ‘yan.”
***
“Bakit kaya ang tagal bumalik ni Miss Perez? Hindi kaya ay nag-cutting classes na siya?” tanong ng guro nang mapansin niya na hindi pa rin bumabalik ang estudyanteng babae. Patapos na ang kaniyang klase ngunit hindi pa rin nakabalik ang babae.
“Pero hindi po niya ugali ang mag-cutting sa klase, Ma’am,” sagot ng isa sa kaibigan ng babae.
“Kung ganoon ay bakit hindi pa rin siya nakakabalik dito? Mr. Robles, maaari ba kitang mautusan na hanapin kung nasaan si Miss Perez?” utos nito sa isang estudyante. Agad naman na tumayo si Robles upang sumunod. “Sige po, hahanapin ko na po siya.”
Tumakbo si Robles papunta sa banyo ng mga kababaihan. Ayos na rin naman ang CCTV. Nabura na ang mga naganap kanina sa eskwelahan. Ngunit ang nakabantay sa security room kanina ay may kopya nang nangyaring krimen. Kumatok muna si Robles sa pinto ng banyo. “Perez, nariyan ka ba sa loob? Hinahanap ka na ng ating guro kanina pa,” aniya.
Lumabas mula roon ang dalawang babae. “Walang tao rito sa loob bukod sa aming dalawa. May hinahanap ka ba?” sagot ng isang babae.
“Ah ganoon ba, salamat,” sambit niya.
Nagpaikot-ikot si Robles sa buong eskwelahan nila. Lahat ng maaaring tambayan ng mga estudyante ay pinuntahan niya. Sigurado rin kasi siya na hindi makakalabas ang kahit na sinong estudyante dahil bawal nang lumabas kapag hindi pa awasan.
Ngunit naisipan niyang dumaan sa likuran ng eskwelahan. Pakiramdam niya ay naroon nakatambay si Perez. Isa rin kasi iyon na magandang tambayan dahil masarap ang simoy ng hangin dahil sa mga puno. Nang makarating siya roon ay isang malakas at umaalingasaw na amoy ang bumungad sa kaniya.
“Bakit naman ganito ang amoy dito? Hindi ba nakapaglinis ang mga trabahador dito?” tanong niya sa sarili niya. Patuloy siya sa paglalakad hanggang sa bumungad sa kaniya an hubad na katawan ng patay na babae. Nagitla ito at agad na natumba dahil sa takot.
“Tangina!” gulat na sigaw niya. Hindi siya makapaniwala sa nakikita niya ngayon. Tinignan niya ang mukha ng babae at nang mamukhaan niya ito ay nanakbo na agad siya paalis.
“Tulong! Tulong! May namatay sa likuran ng eskwelahan!” malakas na sigaw ng lalaki.
Nagsilabasan ang ilang guro nang marinig ang sigaw na ‘yon. “Tulong! May namatay na babae sa likod!” sigaw muli ni Robles.
“Mr. Robles! Ano ba ang isinisigaw mo riyan? Anong namatay?” tanong ng isang guro.
“May namatay na estudyante sa likuran at hubo’t-hubad siya! Si Perez!”
“Hindi maganda ang biro mo na ‘yan, Robles! Matagal na tayong nakatira rito at walang nangyayari na krimen sa lugar natin. Kaya ano ang sinasabi mo riyan?” galit na tanong ng guro.
Hinihingal na si Robles. “Totoo ang sinasabi ko! Tignan ninyo sa likuran ng eskwelahan!”
Dali-dali silang nagsipuntahan sa likod ng eskwelahan. Mabilis silang naghiyawan nang makita ang katawan ng kawawang si Perez. Binaboy ang katawan niya kaya naman sobrang nakakagulat. Halos lumuwa na rin ang utak dahil sa lakas ng pagpalo ng pala sa ulo niya kanina. Ang lahat ay gulat na gulat at nakaramdam ng takot. Nangilabot sila nang makita ang bangkay.
Iyon ang unang beses na nakakita sila ng isang bangkay sa Rechilor City. Hindi nila alam kung bakit nangyari ang krimen at kung paano.
Ang plano ko ay ang gumawa ng mga krimen sa tahimik na lugar na ito.