THE THIRD CRIME: GANG CRIME
Isang linggo na ang nakalipas at hindi pa rin nakakahanap si Hugo ng mga mahuhusay na detectives na maaaring tumulong sa kanila. Marami na siyang lugar na hinanapan at lumabas pa siya ng siyudad para lamang makakuha ng mga mahuhusay. Hindi niya maaaring biguin si Gobernador Rechilles. Lalo na at nanganganib din ang Rechilor City.
Nagbabayad si Hugo ngayon sa labas ng siyudad dahil may mga inutusan siya na maghanap ng mga magiging detectives. Determinado si Gobernador Rechilles na makahanap ng mga tutugis sa mga kriminal sa Rechilor City. “Wala pa rin ba kayong nahahanap hanggang ngayon? Isang linggo na ang nakalipas. Baka naman nasasayang lang ang mga binabayad ko sa inyo?” inis na tanong ni Hugo sa mga inutusan niya. Miski ang gobernador ay naiinip na rin sa kakahintay sa mga magiging detectives.
“Wala pa rin kaming nakikita na mga mahuhusay na narito sa bansa natin. Pero may nakita kami na dalawang mga mahuhusay na mga Pinoy katulad natin. Na-contact na namin sila dahil hanggang ngayon ay nasa ibang bansa pa sila. Sasabihan ka namin kapag nag-reply na sila sa mensahe namin. Mahirap silang makuha lalo na at mga high class sila,” paliwanag ng isa.
“Siguraduhin mo lang na magagaling talaga ang mga ‘yan. Kulitin ninyo kung maaari para mapapunta na rito at malaman kung gaano kagaling ang mga ‘yan,” sambit pa ni Hugo.
“Masusunod, Hugo.”
Muling bumalik si Hugo sa Rechilor City at bumungad sa kaniya ang galit na itsura ng gobernador. “Hugo, ano na ba ang nangyayari sa ipinag-uutos ko sa ‘yo?! Bakit hanggang ngayon ay wala ka pa ring nahahanap ng mga tutugis sa mga kriminal dito sa ating siyudad?!” sigaw niya nang makita niya si Hugo.
Nagtataka naman na nakatingin sa kaniya si Hugo. Iniisip niya kung may nangyari na naman ba dahil galit na galit si Gobernador Rechilles ngayon. “Naka-usap ko na ang mga inutusan ko noong nakaraan, Gobernador. May na-contact sila na mga mahuhusay na mga detectives ngunit hindi pa nag-rereply sa kanila. Ang sabi ay tunay ngang mahuhusay ang mga ‘yon. Mga Pinoy sila ngunit nagtatrabaho ngayon sa ibang bansa,” paliwanag ni Hugo.
“Babayaran natin sila sa kahit magkano pang halaga. Basta makapunta lamang sila rito at tugisin ang mga hinayupak na gumagawa ng krimen dito!” sagot ng gobernador.
“Ano po ba ang nangyayari? Pasensiya na kung tinatanong ko po kayo ngayon. Kababalik ko lang muli rito sa Rechilor City kaya wala pa akong alam kung ano na ang balita rito,” may galang na sambit ni Hugo.
“Isang buwan lamang sila na nanahimik. Muli na naman silang gumawa ng panibagong krimen dito kanina. Muli na naman silang nanggulo sa isa sa mga eskwelahan sa Gladiolus. May ikatlo nang krimen na naganap, Hugo,” sagot ni Gobernador Rechilles sa kaniya.
Nagugulat naman si Hugo na tumingin sa gobernador nang marinig niya ang balita. Saka ito tumungo at nagpaalam sa gobernador. “Kakausapin ko pong muli ang mga kapulisan.”
Ano ba ang gusto ng mga kriminal na ‘yon at dito pa talaga sila naghahasik ng lagim? Bakit hindi man lang sila nahuhuli agad? Marami na ba sila?
***
[ANG ORAS NG KRIMEN.]
“Bibigyan ko ng limpak-limpak na pera ang kung sino mang mga estudyante ang makakagawa ng aming ipag-uutos. Naiintindihan niyo ba ‘yon? Madali lang naman ang mga gagawin ninyo. Isa pa ay isa itong hamon para mas mahasa ang inyong mga katawan sa pakikipaglaban,” sambit ni Crony.
Nasa ibang eskwelahan naman sila ngayon sa Gladiolus. Nakasuot ng isang mask si Crony, samantalang si Felony naman ay nakabantay muli sa security area ng eskwelahan. Ang target naman nila ngayon ay isang maliit na eskwelahan na pang mga mahihirap na mamamayan. Karamihan din sa mga estudyante roon ay mga mahihina ang utak at madali na utuin. Nagkukunwari ngayon si Crony na isang guro at puro lalaki ang mga nasa harapan niya ngayon.
“Naiintindihan po namin,” sagot ng mga estudyanteng lalaki.
“Kunin ninyo ang mga nasa harapan ninyo ngayon,” utos ni Crony. Kinuha naman ng mga lalaki ang nasa harapan nila. Isa ‘yong armas na maaaring makapatay ng isang tao. “Simula ngayon ay isa na kayong samahan o ang tinatawag na gang. Alam niyo ba kung ano ang gang?”
Nagtaas ng kamay ang isang estudyante kaya tinawag siya ni Crony. “Ang gang po ang mga siga sa eskwelahan. Sila ang mga nasusunod,” sagot nito.
“Ngunit hindi ba at masasamang tao ang mga nasa gang? Kaya bakit naman kami magiging isang gang?” sabat naman ng isa pang estudyante. “Hindi porket nasa isa kang gang ay masama ka na agad. Ang gang ay binubuo upang magkaroon ng mga taga-pagtanggol sa bawat lugar. Kaya naman ay tuturuan ko kayo ngayon kung paano lumakas at makipaglaban. Nang sa gayon ay matuto kayo na labanan ang mga masasamang loob,” turo pa ni Crony sa kanila.
“Sino po ang lalabanan namin dito? Kilala naman ang Rechilor City sa mga tahimik na siyudad at hindi nagkakaroon ng gulo rito,” sabat muli ng isa pang estudyante. Naiinip na si Felony habang pinapanood ang mga estudyante na ang dami pang sinasabi.
“Just kill them already,” sambit ni Felony. Nakasuot si Crony ngayon ng earpiece. Mabuti na lang at hindi rin nagtataka ang mga estudyante kung bakit siya may suot na face mask ngayon. Kung sabagay ay naipaliwanag naman niya sa mga ito na may sugat ang mukha niya at hindi niya gustong ipakita sa ibang tao.
“Hindi niyo ba nabalitaan ang mga nangyayari na krimen dito? Nagkaroon na ng dalawang krimen, kaya mas mabuti nang handa kayong mga kabataan sa anumang pangyayari. Kayo ang magliligtas sa mga nakakatanda dahil kayo ang mas maliliksi at malalakas kaysa sa mga matatatanda. Hindi niyo ba gusto ang gagawin natin ngayon? Ito rin ang unang beses na may magtuturo sa inyo kung paano ang tamang pakikipaglaban,” muling paliwanag ni Crony.
Miski siya ay naiinip na rin at gusto nang patayin ang mga estudyante na nasa harapan niya. Hindi nila nais ngayon na mabahiran ng dugo ang kanilang mga kamay. Kaya naman ay may naisip silang krimen na gagawin. “Gusto po naming matuto.”
“Ako rin po!”
“Ako rin!”
Sunod-sunod na ang mga bata na nagsisagot kay Crony kaya naman ay napangisi siya. Hindi naman nakikita ngayon ng mga estudyante ang itsura niya ngayon. Gumamit din siya ng voice changer upang hindi malaman ang tunay niyang boses. Mabuti na lang at high technology ang gamit niya dahil hindi nahahalata na may gamit siyang voice changer.
“Ipiring ninyo sa mga mata ninyo ang panyo ng mahigpit. Matapos ay ilagay ninyo sa mga tainga ninyo ang mga headset na nasa harapan ninyo,” utos ni Crony. Mabilis naman siyang sinunod ng mga ito. “Naririnig niyo pa rin ba ako?” tanong sa kanila ni Crony. Sumagot naman ang mga ito.
Papatugtugan ni Crony ang lahat ng mga headset na nasa tainga nila ng malakas. Iyong tipong hindi nila maririnig ang nasa paligid nila. “Ang mga espada na hawak ninyo ngayon ay mga laruan lamang. Aalisin ko isa-isa ang mga takip na nasa espada. Magharap kayong lahat.”
Agad naman na lumapit si Crony isa-isa sa mga estudyanteng lalaki upang alisin ang mga tela na nakatakip sa espada. Sinabi niya lang na laruan ang mga ‘yon upang hindi sila matakot. Kahit na ang totoo ay maaari ka nang mamatay sa isang daplis pa lang no’n sa katawan mo. Nagharap-harap na silang lahat saka lumayo sa kanila si Crony.
“Magpapatugtog ako ng malakas sa mga headset na hawak ninyo. Ang gagawin ninyo ngayon ay ite-test kung gaano ba kalakas ang pandama ninyo. Kailangan ‘yon na mahasa sa pakikipaglaban. Isipin ninyo na kalaban niyo ang bawat isa. Huwag kayong mag-alala dahil laruan lang ang mga espada na hawak niyo. Sa oras na maramdaman niyo na natamaan na kayo ng espada ay magkukunwari kayo na natumba. Ang matira ang siyang matibay. Kapag may naramdaman kayo na basa sa inyong katawan ay tubig iyon. Kapag may natamaan na kayo ng espada ninyo ay maghahagis ako ng tubig sa inyo. Iyon ang senyales na may napatay kayo na kalaban. Naiintindihan niyo ba?” paliwanag muli ni Crony sa kanila.
Nang sumagot na ang lahat ay agad nang nagpatugtog si Crony. Miski siya ay halos marinig ang tugtog mula sa mga headset nila dahil sa sobrang lakas. Natutuwa siyang makita nang biglang may sinaksak na ang isang estudyante. Dahil mga nakatakip ang mga mata nila ay hindi nila nakikita ang tunay na nangyayari. Hindi rin nila naririnig ang mga tunog ng espada na hawak nila. Tuwang-tuwa ngayon sina Crony at Felony habang pinapanood ang labing-anim na mga estudyante na pinapatay ang isa’t-isa. Sigurado naman sila na wala ni isa sa kanila ang matitira. Sa lakas ng kanilang mga saksak ay para talagang hindi na mabubuhay pa ang mga estudyante. Ni hindi rin nila magawang alisin ang mga piring sa mga mata nila. Rinig na rinig ni Crony ang mga sigaw at hiyawan ng mga estudyante nang dahil sa sakit na nararamdaman nila.
Ito na ang pinakamasayang kaganapan na nasaksihan ng mga mata ko. Sa isip-isip ni Felony ay tila ba isang komedya ang pinapanood niya ngayon. Sobra pa ang tuwa niya dahil sa mga dugo na nagkalat sa sahig. Nagtatalsikan na sa buong lugar ang mga dugo ng mga kawawang mga bata na ‘yon.
Inihanda na rin ni Crony ang lahat ng mga kailangan niyang iwan sa lugar na ‘yon. May nakasulat na ‘GANG WAR’ sa labas ng gymnasium, kung saan doon naganap ang p*****n. Para maisip ng mga pulis na nag-away ang mga estudyante na ito at nagpatayan sila ng kusa. Sunod naman ay inalis ni Crony ang lahat ng mga nakatakip sa mga mata nila pati na rin ang mga headset na suot nila. Katulad noon ay nakasuot siya ng mga takip sa buong katawan, pati ang kaniyang sapatos. Upang walang maiwan na mga fingerprints niya sa lugar na ‘yon. Gusto nila na makitang nahihirapan ang mga gustong tumugis sa kanila. Isang linggo lang ang pinalipas nila at mayroon na naman silang gulo na ginawa sa siyudad.
Nang maayos na ang lahat ay umalis na sina Felony at Crony sa lugar. Katulad noong una ay binura ni Felony ang CCTV footage sa security area at naka-save sa kaniya ang mga nangyari roon. Gusto niya na kolektahin ang mga krimen na nagawa nila.
Nilisan na nila ang lugar hanggang sa dalawang guro ang nakakita sa mga namatay na estudyante. Sobra ang gulat nila nang makita ang mga namatay na estudyante. Nagkalat ang dugo nila sa paligid at halos hindi nila malaman kung ano ba ang dapat nilang gawin. Tumawag sila ng mga ambulansya at pulis. Kaya naman ang mga news reporter ay nagpunta rin sa eskwelahan.
***
“Ano na naman ba ang nangyari ngayon?” tanong ni Hugo sa police station. Pinakita naman ng isang pulis ang sign na nakita nila sa labas ng gymnasium. “Ito ang nakita namin sa labas. Gang war ang nakalagay. Sa tingin namin ngayon ay mukhang nagpatayan ang mga estudyante. Ang lahat ng fingerprints nila ay nasa mga espada na hawak nila,” paliwanag ng pulis.
“Nagpatayan ang mga estudyante? Imposible ang sinasabi mo na ‘yan. Hindi niyo ba kaya na mag-imbestiga ng ayos?!” galit na sambit ni Hugo sa kanila. Nakita rin niya ang itsura ng mga namatay na estudyante habang nakakalat ang mga espada na ginamit nila.
“Nakita rin sa autopsy na ang espada ang kinamatay nilang lahat.”
Napahawak si Hugo sa kaniyang sentido saka may tumawag sa telepono niya. Nakita niya na iyon ang isa sa inutusan niya na maghanap ng mga detectives.
“Na-contact na namin ang mga mahuhusay na detectives.”