Maraming mga salita ang isinisigaw ng mga mamamayan sa dalawang imbestigador. Ang iba naman ay nakatuon sa loob ng city hall at pilit na pinapalabas ang gobernador nila. Ngunit hinaharang lang sila ng mga guwardiya at hindi hinahayaan na makapasok sa lugar. Dineretso rin ng dalawang imbestigador ang kanilang mga sasakyan sa loob. Siniguro nila na hindi masasaktan ang mga pilit na humaharang sa daanan nila. Hindi nila gusto na makasakit ng mga normal na tao. Bumaba ang mga ito at hinarap ang mga mamamayan. Pero hindi pa rin hinayaan ng mga guwardiya na makalapit ang mga mamamayan sa kanila. “Kung akala ninyo ay wala kaming ginagawa para mailigtas kayo, nagkakamali kayo. Hindi niyo pa ba nabalitaan ang nangyari noong nakaraan? Sampu sa mga tauhan namin ang nawalan ng buhay para lamang ma

