“Nahihirapan tayo ngayon na alamin kung paano ba ang kilos nila. Hindi ko malaman kung saan bang lugar sila gagawa ng panibagong krimen. Nakapalibot na ang mga tauhan natin sa buong siyudad at mahigpit na nagbabantay. Ngunit hindi ‘yon ibig sabihin na hindi na sila makakagawa ng krimen. Lalo na ngayon na hindi naman sila kilala ng mga tauhan natin. Maaaring nagpapanggap lamang sila na sibilyan at normal na mga mamamayan sa siyudad na ito. Upang makalusot sila agad sa mga bantay natin.” “Miski ako ay hindi ko rin mahulaan kung saang lugar naman sila sa susunod na maghahasik ng lagim,” dagdag na sagot pa ni Detective Damien. “Hindi rin naman sapat ang mga nalalaman natin ngayon na mga impormasyon. Baka nga ang mga pangalan nila na narito ay hindi rin totoo at gawa-gawa lamang ang kanilan

