GENEROUS'S POV Hindi ko agad namalayan na nasa Aither na kami dahil nakatulog ako habang matayog ang lipad ng Fire Inferno ko. Pag-gising ko ay nasa Kwarto ko na ako. Mariin kong ipinikit ulit ang mga mata bago nagdesisyong bumangon. Sinipat ko muna ang sarili ko. Maayos na ang damit ko at wala na ang mga sugat ko. Napahinga ako ng maluwag. Akal ko kasi ay panaginip ang lahat. Nilingon ko ang bintana. Hapon na at mukhang kailangan ko ng bumaba para makita ko sila. Excited ako siyempre! Ilang araw ko silang nakita. Si Mom at Dad. Lalo na si Kuya. *sigh* sana ayos lang sila. Alam kong pinag-alala ko sila. Kamusta na kaya si Zee? napangiti ako ng hindi ko namamalayan dahil sa isiping yun. Nakangiting bumaba ako ng higaan at saka nag-ayos at lumabas. Hindi maalis ang saya sa puso ko a

