*DURING THE WAR* FLASHBACK (BOOK 1) MYERA'S POV Kahit kailang talaga ay isang malaking hadlang ang babaeng to sa lahat ng plano ko. Wala akong pakialam kung Anak siya ng kapatit ng nanay ko. Magkadugo man kami o hindi hindi pa rin magbabago ang kagustuhan kong mapatay siya! Ako na ang unang sumugod ng magsimulang maglaban sina Clyde at ang mga kaibigan niyang hindi biniyayaan ng talino. Mabilis akong nakapagteleport papunta sa likod ni Hera at bibigyan ko na dapat siya ng malakas na sipa sa likod ng bigla siyang nawala. Tang ina! ''Ang bagal mo pagong!'' Napamura ako ng sumulpot siya sa harap ko at kasunod nun ay ang pagsasad ko sa lupa at ang malakas na kamao niyang tumama sa simura ko. Lalo akong nanggigil sa kanya kaya mabilis akong tumayo at sumugod. Pinantayan ko ang lakas

