THIRD PERSON'S POV Isang magarbong pagdiriwang ang kasalukuyang nagaganap para sa kaharian dahil sa kaarawan ng pinaka-makapangyarihang Reyna ng buon Genovia. Hindi pa kalaliman ang gabi at hindi pa dumarating ang ilang mahahalagang bisita tulad ng mga pinuno ng ibang kaharian at tribo. Patuloy na dumarami ang mga bisita at marami na rin ang nagsasayaw sa pumapailanlang na musika. Suot ang kanilang magagarbong kasuotan at nagagandahang maskara. Masquerade ball ang kinasanayang uri ng pagdiriwang ng Reyna tuwing sasapit ang kaarawan nito. Dumadagdag man ang kanyang edad at tumatanda, ay hindi naman tumatanda ang kanyang pisikal na kaanyuan. Kaya't mas lalong nagiging kapansin pansin ang Royal Family. Ngayong gabi, isisiwalat ang tungkol sa nag-iisang anak na lalaki ng Hari't Reyna. Sa

