GENEROUS'S POV Gusto ko mapag-isa. Mag-isip. Kaya dito ako pumunta sa Training Hall. Pag-alis namin sa Office of the Committee ay dito na ako dumiretso. Ako lang mag-isa. Ayoko lang makarinig ng ingay. Nasa pinakadulo ako at nakasalampak sa sahig at Nakasandal sa Pader. Pinagmasdan ko ang buong Kwarto. Sobrang lawak. Walang ingay. Nakakabingi ang katahimikan. Kaya mas lalong naging klaro ang mga bagay bagay sa isip ko. Ngayon lang nag-sink in sa isip ko ang maraming Problemang Kinakaharap namin. Una, nawawala si Tito Jiro, sunod ay ang Bundok, ang Alay at Ang mga Dark Magic User at pinangangambahan ng lahat. Ang pagtayo ng New Empire. Bukod dun, problema ko pa ang Isa Pang nagmamay-ari ng Kwintas na hawak ko. Mariin akong napapikit. Ipinilig ko ang Ulo ko sa Pader. Sa gitna ng pagiis

