CHAPTER 2

3314 Words
Legacy 2 Biglang pumaibabaw ang boses na iyon sa buong Cafeteria kaya bigla nalang akong napasinghap at kumalma. Boses ni Mom. "Phew!! Buti nalang nasa timing si Queen." Sabi ni Arin na Napahinga ng maluwag.  "ARIN!!" Sabay sabay na suway nila.  Tumayo na ako at nauna ng maglakad palayo. "Ang daldal mo talaga." "Ano? Ako nanaman!?" "Oo! Lintik ka. Kalalaki mong tao ang daldal mo."  Pero kahit nauna na akong maglakad ay dinig na dinig ko parin na nagsisisihan sila. Muli ay huminga ako ng malalim. Ang Complicated naman ng buhay ko. Huminto ako sa paglalakad at nilingon sila. Nalingunan ko silang nagtatalo talo pa. Si Andrea at kieth naman ay tumayo na lumapit sa akin. "Tara na!" Sabi ko kaya napatigil sila at nag unahan sa paglalakad palapit sa akin. GENEROUS'S POV Inayos ko ang pagkakasuot ko ng Gloves ng Matanaw ko na ang Arena. Tahimik kaming tatlo nila Kieth at Andrea habang Sina Irish, Shirron, Loran, Orwen at Arin ay pinagtatalunan parin ang nangyari kAnina sa Cafeteria. "Yow." Tinanguan ko ang nakasalubong namin na si Kuya Roomie. Anak ni Tita Ayumie at Tito Jiro. "Kanina pa kayo hinahanap ng mga Hari at Reyna. Lalo ka na Generous." Sabi niya na nakapamulsang nakatayo sa harap ko. Para siyang kuya ko. 23 na siya. Mas matanda sa akin ng tatlong taon. Matalik na magkaibigan ang mga magulang namin kaya Itinuring ko siyang nakatatandang kapatid. "Kuya Roomie!!" Nakuha ni Irish ang Atensiyon ni Kuya Roomie. "Si Arin po kanina m--hhmmmp.. hhhmmmpp." Agad na tinakpan ni Arin ang bibig ni Irish. "Ano yun Irish?" Tanong ni Kuya Roomie. "Ate, For So Many years, how would you be able to stand with these annoying creatures?" Bulong sa akin ni Andrea. Natawa ako ng Bahagya. "I don't know Either." Bulong ko din sa kanya. "Ahh.. Hehe, Wala po Kuya Roomie." Palusot ni Arin. "Si Irish ka ba? Si Irish ang Tinatanong ko Khan." Seryosong tanong ni Kuya Roomie. Pansin ko ang tensiyon. Si Arin mukhang kinakabahan. At Si Irish ay natigil sa pagpupumiglas. Sumingit na ako para Matapos na at naawa na ako sa itsura ni Arin na akala mo ay matatae. "Wala lang yun Kuya. Papasok na po kami sa loob." sabi ko. Sinenyasan ko sila Shirron na sumunod na agad. "Oo nga po. Sige po Kuya. See yah aRound" at nagbigay ng pilit na ngiti si Loran. Tapos ay nagsisunuran na ang iba. Papasok na kami at Mediyo nahuhuli si Arin ng bigla siyang tawagin ni Kuya Roomie. "Arin Khan." "P-po!?" Dinig ko ang paghagikhik ni Shirron at Irish ng mautal si Arin. "I'm watching you." He said seriously. Sunod sunod na tango ang ginawa ni Arin Bago Mabilis na Pumasok sa loob. Ako ang huling pumasok at alam kong hinintay pa ni Kuya Roomie na makapasok ako. Maliban sa Apat na Elementl User ay Isa din si kuya Roomie sa mga Guardian ko. Akala ko nga siya ang Lifetime Guardian ko eh. Pero hanggang ngayon di ko pa din kilala ang lifetime guardian ko. Si Kuya ang tumayong Kapatid ko sa Loob ng dalawampung taon. Binabantayan ako palagi, kahit hanggang ngayon na Miyembro na siya ng Committee at Isa naring Headmaster. Sound manipulator at magaling na Portal Maker. Pagpasok ko sa loob ay nakaupo na ang mga kaibigan ko sa bandang unahan at gitna. Kita ko pang nakataas ang kamay ni Irish na tanda ng pagsenyas sa akin na dun na ako dumiretso. Umupo ako sa bakanteng upuan na nasa pagitan ni Irish at Arin. Punong puno ang Arena. "Nakakatakot talaga si Kuya Roomie. Palagi kasing seryoso. Hindi naman niya kamag-anak si Tita Sirene at Tito Kier." Sabi ni Irish na nakatingin sa stage. "Pagpasensiyahan mo na. Kuya ng lahat eh." Sabi ko nalang. Napatango nalang siya at nanahimik. Pero ung nasa kabilang gilid ko talaga matagal ko ng gustong patahimikin. Kanina pa niya ako kinakalabit. "What!?" I asked in irritated tone. "Sorry." Bulong ni Arin. "Saan?" I asked and arched my eyebrows. "Yung sa cafeteria. Wala kasing control ng bibig ko." Sabi niya. "Forget it." Kibit balikat na sabi ko. "Tsaka Thank you." Ang kulit. "Saan?" Kailangan mo lang ng mahabang pasensiya Generous. "Kasi iniligtas mo ako kay kuya Roomie." Sabi niya. Bakit ba ang lapit ng mukha nito? Lumiyad ako ng bahagya para iwasan ang mga tingin niya. "Okay na yun." Sabi ko at tumingin sa unahan. Sakto namang lumabas si Kuya Roomie at May hawak na Microphone. "MAY I HAVE YOUR ATTENTION PLEASE!?" Tumahimik ang buong Arena ng magsalita sa entabldo si Headmaster Roomie. "Alam mo kasi kahit pa hindi mo namana ng Kapangyarihan ng mga magulang mo, Okay lang." Unti uning umakyat sa ulo ko ang dugo ko. Akala ko ba nagsorry na siya. Bakit binubuksan niya ulit ang topic? " Huwag mo isipin na naiiba ka sa Kanila." Naiintindihan ko na madaldal talaga siya. Siya na din mismo ang nagsabi na walang preno ang bibig niya minsan. Sa nakikita ko naman hindi minsan kundi madalas. Pero dahil binanggit niya na naiiba ako, ewan ko pero nawawala na naman sa control ang sistema ko. "Huwag mo isipin na Malas ka o di kaya ay Isinumpa ka." Pero ngayon parang nawala sa isip ko na dapat intindihin ko siya. Naisara ko ng mahigpit ang mgkabila kong kamay. Mabilis na inhale exhale ang ginawa ko dahil sa sobrang pagtitimpi ko. Pilit kong itinuon ang mata sa unahan dahil nagsasalita si Kuya Roomie sa Stage. "Tomorrow will be a big Day. A start of a New school year and exciting Tertiary life. The Last Year for our Seniors." Nagreact ang karamihan. Yung iba nalungkot. Marahil dahil para sa kanila ay naging maganda ang Tertiary life nila. "Anyways, We Would like to Acknowledge the Presence of our Committee ng the Royal Families." Itinuro niya ang dulo at mataas na bahagi ng aRena kung saan naroon ang Mga Magulang namin at ibang Miyembro ng committee. Nakatanaw sa amin. "At isa pa Gen, Para sa amin ay Bahagi ka parin ng Limang itinakda. Don't be upset--" muling nagpantig ang tenga ko. "Please stop talking." I said at habol hininga ako sa kinuupuan ko. Hindi ba siya napapagod sa kakadaldal? Ako pagod na sa pagpipigil na sakalin siya. Dahil kusang kumikilos ang kamay ko. Pilitin ko mang kontrolin ay di ko magawa. "To all freshmen. Welcome to the Tertiary Level. I hope you Enjoy this school year at siympre ipinapangako namin na mas magiging exciting ang buhay niyo dito." Pinilit kong makinig kay kuya Roomie pero alam ko na nanlilisik na ng mga mata ko. Ang mga kaibigan ko ay abala sa pakikinig at nasa stage ang atensiyon. Butil butil na pawis na rin ang dumadausdos sa noo ko at sa may bandang pisngi ko. "Alam ko madaldal ako pero Generous, dapat lang na pinapamukha na ng tadhana na...." nahinto siya sa pagsasalita at mabilis na kumilos ang katawan ko at napatayo ako at mabilis kong nahaklit ang leeg niya. "GENEROUS!!" dinig kong sigaw ng Nasa tabi. Hindi ko alam kung sino ang tumawag sa pangalan ko pero alam kong isa sa mga kaibigan ko iyon. Ang alam ko lang ay Galit ako at si Arin lang ang nakikita ko. . . . . . HERA'S POV . Kinabahan ako bigla ng Nakita kong napahinto sa pagsasalita si Roomie at napalingon ang ilang estudyante sa Kinaroroonan ng Anak ko. Pati ang ilan sa Mga Estudyante ay nagsi tayuan kaya hindi ko masiyadong makita kung ano ang nangyayari. "Nagkakagulo sa baba." Napalingon ako sa Nagsalita. Si Arvie na nakakunot ang noo. "GENEROUS!!" Dinig kong sigaw ng Anak ni Calyx. "Let's go Wife." Napatingin ako kay Clyde na seryosong nakatingin sa akin. Tumango lang ako at saka mabilis na nagteleport para makarating sa Baba. Halos sabay lang kami nakarating Sa ibaba. Nagkakagulo ang ilan at marami ang nagbubulungan. Baka daw makasira na naman si Generous. Napabuntong hininga ako saka hinawi ang mga estudyante. Matapos kong hawiin ang Mga nagkukumpulang estudyante gamit ang Hangin ay nilagyan ko ng barrier ng espsayong na-okupa namin. Tanging si Irish, Orwen, Loran at Roomie ang Naiwang nagpapakalma kay Generous at ang ilan sa kanila tulad ng dalawang Batang royalty na si Kieth at Andrea at Shirron ay Pinapatahimik ang mga Estudyante. "Queen." Agad na lumapit sa akin Si Loran. "What Happened!?" Nauna ng magtanong si Clyde at hindi malapitan ang anak namin. Nanatiling nakahawak si Generous sa Leeg ni Arin. Maging ako ay nagdadalawang isip na Lapitan ng anak ko lalo pa't sobrang matingkad ang kulay ng mata niya. At isa lang ibig sabihin nito. Ibinubuhos niya ng buong lakas sa ginagawa. "Hindi ko po alam ang buong pangyayari. Basta ang Alam ko po ay Muntik na rin po niyang saktan si Arin sa Cafeteria. Dahil po sa Pag-open up ni Arin sa Kapangyrihan niya." Mahabang paliwanag ni Loran. "WHAT!?!?" Halos sabay na bulalas namin ni Clyde. Sinulyapan ko ng tingin si Arin. Kung bakit kasi manang mana siya kay Arvie. "Tita--Queen. Sorry po. Huhuhu tulong." Pagmamaka-awa niya. Napapailing nalang ako habang tinitignan ni Clyde ng matalim si Arin. Gustuhin ko man na turuuan siya ng leksiyon, mas iisipin ko ang kaligtasan niya dahil maaari siyang mamatay sa kamay ng anak ko. "Roomie." Tawag ko kay roomie at aGad naman siyang lumingon sa akin. TInignan ko siya sa mata at sinabi ko na gawin niya na. "Pero, Maraming estudyante di-" nagdadalawang isip si Roomie. Kahit ako. Marahil ay iniisip niya ang sasabihin ng mga estudyante tungkol kay Generous. Masakit din para sa akin pero bilang pinuno mas kailangan kong gampanan ang tungkulin ko. "Just do it." Napatingin ako kay Clyde. Lumapit siya sa akin at ipinatong niya ang kamay niya sa balikat ko. Habang nasa ganoong tagpo ay biglang sumulpot si France Go kasama ang Anak niya. "Sh*t! Khan,, ikaw nanaman!?" Sabi nito at agad na Lumapit sa Anak ko at niyakap ito mula sa likuran. I can See Clyde in Zee. Tahimik kasi ito at madalang makipag-usap sa iba. Kita ko kung paano bumaba ang Kamay ni Generous at ang pagbagsak ng balikat. Hindi pa siya lubusang kumakalma pero kahit papano ay napahinga ako ng maluwag. Si Zee Go ay Tulad ni Clyde. Siya lang ang bukod tanging nakapagpakalma sa Nagwawalang Kapangyarihan ng Prinsesa ko. "Roomie." Tawag ko kay roomie at agad siyang tumalima. Mula sa kanyang bulsa ay kinuha ni Roomie ang isang espesyal na handcuffs. Paglabas na paglabas nito ay kusa itong lumutang at kusang ikinulong ang kamay ni Generous doon. Maaring may Gloves siya na palagi niyang suot para hindi makapanakit, pero sa ganitong pagkakataon ay maari iyong malusaw kahit matibay ang spell na inilagay doon ni Gandalf. Ginawa namin ang handcuff para sa mga ganitong pagkakataon. Masakit para sa isang ina na makita ang kanyang anak na nagkakaganito. Pinagtitinginan at pnaguusapan na siya ng mga estudyante. Sobrang naawa ako sa kalagayan niya. Sumisigaw siya ng malakas at nagwawala. Nakaposas ang mga kamay niya kaya't tumakbo ang anak ni Arvie papunta sa likuran ni Irish. Nabitawan na rin siya ni Zee Go. Patuloy sa pagawawala si Generous. At mas lalong pinipiga ang puso ko. Ramdam ko ang paghigpit ng hawak ni Clyde sa akin. Maging kami ay hindi makalapit sa kanya. Hanggang sa unti unti ay humihina na ang lakas ng boses niya. Hinihingal narin siya at nakaluhod na humahangos. Sinubukan kong lumapit habang pinipigilan ko ang luha kong nagbabadyang tumulo. Pero sinigawan niya ako na para bang isang leon na nagbabanta sa kanyang kaaway, kaya't napaatras ako. Maya maya pa ay naghilom na ang kulay ng mga mata niya at nawalan siya ng malay. "Roomie. End the Orientation." Utos ko ng mabilis na binuhat ni Clyde si Generous. "Kayo ng bahala dito." Sabi ko kay Sirene at Shanon na nasa likod pala namin. Agad akong sumunod sa mag-ama ko. "Sasama po ako." sabi ni Zee na di ko namamalayang nasa tabi ko na. "Stay here. No buts. Stay here." Inunahan ko na siya. Nilagpasan ko siya at hinabol ang mag ama ko. I hope you'll be the knight of my Princess, Zee Go. I Hope. "STUDENTS. KINDLY SETTLE DOWN. YOU MAY NOW LEAVE AND ENJOY THE REST OF THE DAY. SEE YOU ALL TOMORROW." Yun lang huli kong narinig bago kami sumakay sa naka abang na karwahe sa labas ng Arena. Nakahiga si Generous sa Lap ni Clyde habang pinupunasan ko ang pawis niya. Kasabay nun ay ang pagpunas ko din ng luha ko. Mula pa noon, paulit ulit kong tinatanong ang mga Gods and Goddesses kung bakit nagkaganito ang pamilya ko. Bakit mula ng Araw na iyon ay wala ng kaayusan ang sarili kong Pamilya. Noong araw ding iyon na Nangyari ang pinakamasakit na pangyayari sa buhay ko. Sa buhay namin ni Clyde. Hindi na ako umaasa pero sana kahit Ako nalang. Sa akin nalang sana napunta ang Sumpa. Huwag lang sa Anak ko. Huwag lang kay Generous. Hindi ko alam kung paano nangyari na Iba ang kapangyaihang kaloob sa kanya. The light goddess told me, "wait at the right time, you'll know the Answer". Pero ano to? Bakit kailangan ganito? Anong nagawa kong masama para maing ganito ang anak ko. Mabait na bata siya, at Tahimik lang. Ang Probema nga lang mas mana siya sa Tatay niya pagdating sa ugali. Hindi niya makontrol ang sarili niya sa oras na Uminit ang ulo niya. Mainitin ang ulo. "Madalas mo sabihin sa kanya, "everything will be just fine", right?" Biglang sabi ni Clyde. Hinawakan niya ang kamay ko na nakapatong sa noo ni Generous. "Now I'll Tell you, Everything will be just fine." He said. Hinalikan niya ako sa noo. Napapikit ako dahil dama ko ang Lungkot na nararandaman niya. Sa loob ng 25 years. A lot of things happened. Until now We can't search the answer. In 25 years, cruel events happened. At ito, ito ang kinalabasan. In the past 25 years? Walang nagbago kahit isa sa itsura naming dalawa. Pati boses at Lakas. Noong una oo, gusto ko. Pero ngayon? Hindi ko alam kung dapat ba na tinanggap nalang namin ang kamatayan kaysa sa maging immortal. Pero hindi kami makasarili, hindi ko kaya maging makasarili at gustuhing mamatay kasama si Clyde sa kabilang buhay habang ang Mga magulang ko at mga Genovian na umaasa na maililigtas namin sila sa Ika anim na digmaang iyon. "Hubby, bakit kailangan siya pa? Dapat ako nalang." Sinasabi ko iyon habang nakatingin sa natutulog kong Anak. "There must be a reason why. Kailangan lang natin maging malakas para sa kanya. Para mas maging matapang siya. Wife, She needs us. She needs you." "Being with her and being beside her is not enough! We must find Answers. We should Find how to cure the Curse. Nagawa ko na dati, nagawa na nating gawan ng solusyon ang mas mabigat na bagay dati sa mababaw na rason. Ngayon pa ba tayo susuko na mas May dahilan na Tayo?" Mediyo tumaas na ang tono ng pananalita ko at sumabay pa ang emosiyon ko. Pero hindi niyo ako masisisi. Try to fit in my shoe. And you'll understand. "This is different wife. This is not about saving the World. This isn't about saving our people. We can't just decide that easily. We need Plans, advice and Objectives. We need an ste by step process. Were talking about Our Daughters condition. We shouldn't take risk like what we did before." For a second I stayed listening. I stop suddenly hearing the last words he said. "Dahil ayokong pagsisihan natin sa huli." "But how?" Napayakap ako kay Generous. Lalong bumuhos ang luha ko. "How?" Paano? He's Right. Hindi pwede mag take ng risk. Hi di pwede na magpadalos dalos. Pero paano? 20 years ng naghihirap ang anak ko sa sumpang hindi dapat sa kanya. Sa Sumpang walang nakaka alam kung bakit sa kanya napunta. Hinalikan ko ang noo ni Generous. At pinagmasdan ang Mukha niya. . . . . . . . . . . . GENEROUS'S POV Alam ko na pati mga magulang ko ay nahihirapan sa sitwasyon. Naririnig ko lahat. Dahil gising ako. Alam ko na nasa karwahe ako. Naririnig ko ang iyak ni Mom at ang lungkot sa Boses ni Dad. Gusto ko sila Yakapin. Gusto ko humingi ng tawad. Gusto ko idilat ang mga mata ko at ibuka ang bibig ko pero hindi ko magawa dahil sa Handcuffs na suot ko. Pinipigilan nito ang enerhiya ko. Gusto ko humingi ng tawad kay mommy dahil ako ang dahilan kung bakit siya nasasaktan. I want to say sorry because I was Cursed. I make them suffer and I make them feel the pain. Gusto ko magsorry dahil hindi ko naman sinasadya na masaktan sila. Boses palang ni mom at ang pag-iyak niya ay kumukurot sa puso ko. Ang higpit ng yakap ni Dad at ang Mainit na labi ni Mom na dumadampi sa kabuuan ng mukha ko, sa simpleng bagay na yan ay nararamdaman ko ang pagmamahal nila para sa akin. Ilang sandali pa ay tahimik na si Mom at Dad. Naramdaman ko nalang na Hinaplos ng isang malambot na kamay ang buhok ko at may nagtatanggal sa handcuffs na suot ko. Unti unti ay naramdaman ko na ang mga kamay ko. Gumalaw na ang mga ito at naidilat ko na ang mata ko. "How do you feel, Princess?" Tarantang tanong ni mommy. Ngumiti ako at marahang tumango. "Sorry. Sorry if we need to do that." Sabi niya at niyakap ako. Umupo ako mula sa pagkakahiga. "Okay lang Mom. You did Right. Kung hindi niyo ginawa iyon, baka pati kaibigan ko mapahamak ng dahil sa akin." Napayuko ako ng maalala ko nanaman ang nangyari kanina. "Don't worry. We'll find the Cure." Sabi ni dad. "Trust daddy okay?" "I do Dad." Then hinalikan niya ang noo ko. "Malapit na tayo sa Aither. Fix yourself Princess." Utos ni Mom. "Opo." Sabi ko. Inayos ko ang Gloves ko ng mapansin kong may parte doon na nalusaw. Nalusaw? Paanong? Bakit nalusaw? I thought matibay ito ay kayang harangan ang kapangyarihan ko? Hindi kaya mas lalong lumalala ang kondisyon ko? O baka mas lumalakas ang kapanyarihan ko? Sinulyapan ko si Mom na may hawak na libro at sunod sunod ang ginagawang pagbuklat nun at si Dad na naka tanaw sa labas ay tila may iniisip na malalim. "Mom. Dad." Sabay silang napalingon sa akin. At nag aalinlangan kong ipinakita ang kamay ko na suot ang sira sirang Gloves. Napasinghap si Mom at napatakip ng bibig. Maging si Dad ay hi di makapagsalita. Nang makabawi ay agad na kumilos si Mom at kinuha niya ang isang pares mula sa ilalim ng upuan ng karwahe. "Hubby Tanggalin mo ang Gloves niya. Bilis." Natatarantang sabi ni Mom. Sumunod naman si Dad at mabilis na hinablot ang Gloves sa kamay ko. Wala pang ilang segundo ay Mabilis na naisuot ni Mom ang Gloves sa Magkabila kong kamay. "Huwag mo munang babanggitin ang tungkol sa nangyari kanina sa Lola mo. Understood?" Hindi nakai Tingin sa akin si Mom habang sinasabi niya iyon. Abala sila pareho sa pag-aayos ng Gloves ko. "Why Mom?" Sabi ko. "Matanda na ang Lola mo. Makakasama sa kanya kung Madadagdagan pa ang problema niya. Lumalala ang sumpa. Pakiusap lang namin sayo na sana anak, iwasan mong mapikon. Wag pairalin ang init ng ulo. Please." Paki usap ni Mom. "O-opo." Sabi ko nalang. Pagdating na pagdating namin sa Aither ay Binuhat ulit ako ni Dad at mabilis na Lumabas ng Karwahe. Lumipad siya habang buhat buhat ako at dumiretso papasok ng Palasyo. Nakita kong nakasunod si mom sa amin at lumilipad din pero bigla siyang lumihis ng lipad at kumaliwa. Doon ay naaninag ko ang pigura ni Lola. "Gandalf!" Tawag ni Dad at walang isang saglit ay kasabay na namin si Gandalf. "Ano pong Nangyari Master? Ano pong nangyari?" Tanong nito. "Huwag ng maraming tanong. Kunin mo ang pansamantalang lunas. Isunod mo sa Kwarto ng Prinsesa." Ang bilis lumipad ni Mom kaya hindi ko namalayan na kasabay na namin siya sa kahabaan ng hagdan na ito. "Opo. Opo." Pag alis ni Gandalf ay saktong narating namin ang Kwarto ko. Inilapag ako ni Dad sa higaan ko. Tahimik lang ako at hindi nagsasalita. Sanay na ako. Sa tuwing mangyayari ito aY ganito na ang Set up namin. It's Either matataranta ang magulang ko o ang buong palasyo. Lahat naiistorbo ko. Lahat naabala. Pinagmasdan ko ang Kisame at ang malaking chandelier na nakasabit doon. Paano kaya nakakaya ng kisameng ito ang bigat ng chandelier? Paano nagagawang magtiis ng magulang ko sa akin kahit sobrang pabigat ko na?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD