One week na kaming nandito sa U. S, masaya naman kami. Lalo na si Ryan dahil may trabaho na siya agad pagdating palang dito. Medyo napaupo ako dahil lagi na lang ako nahihilo. May time din na nasusuka ako. Hindi ko alam kung bakit ako ganito. "Rae? Are you okay?" tanong ni Kuya dahil wala siyang trabaho ngayon. "Nahihilo ako, kuya." Sabi ko at lumapit siya sa akin. Naalala ko, hindi pa ako dinadatnan. Dapat mayroon na ako ngayon. Napahawak ako sa ulo ko dahil sumasabay yung sakit niya at hilo ko. "I'm nervous, alam kong magugulat ka. But try this." may binigay si Kuya at nagulat ako na pregnancy test ang binigay niya sa akin! Dalawa pa iyon, kinabahan pa ako bigla! "Matagal ko nang na papansin na ganyan ka, kaya kinakabahan na ako." Dagdag pa na sabi ni Kuya. "N-natatakot ako..." ma

