Chapter 13

1733 Words

Pagkalabas sa kwarto ni Inay ay siya namang bungad ng nurse sa akin, siya iyong nurse na nagtitingin kay Inay. Ito rin ang madalas na matiyagang nagbabantay dito. "Aalis na po pala ako, babalik ako ulit sa susunod na araw," sambit ko dahilan para tumango ito. "Ganoon ba? Sige..." aniya, kapagkuwan ay binuksan ang pintuan upang makapasok siya roon. "At siya nga pala, congrats dahil nakahanap na tayo ng donor para sa gagawing heart transplant ng iyong ina." Sa narinig ay nanlaki ang dalawang mata ko, nagawa ko pa itong sundan sa loob ng kwarto ni Inay habang kunot ang noo na pinapanood ko ang bawat kilos niya. Abala ito sa pag-check ng mga aparatos na naroon habang may kung anong isinusulat sa dala nitong papel. Tumikhim ako upang kunin ang atensyon niya. "Ho? Totoo po ba ang narinig ko

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD