Kinagabihan nang gisingin ako ni Mirko para kumain ng hapunan. Pasalamat pa nga ako na wala na ang kaniyang ina sa sala, marahil ay umalis din dala ng galit. Hindi ko alam kung kailan ang sunod niyang pagpapakita ulit, o kung may balak pa ba siyang bumisita rito sa unit ni Mirko. Sana naman ay huwag na itong magbalak pa. Ngunit dahil ina siya ni Mirko, mukhang malabo iyon. Lalo pa at nabanggit sa akin ni Mirko na ilang araw lang ang ilalagi nito sa Pinas at babalik din ng Australia. Bumisita lang ito rito para sa bakasyon, kaya malamang ay sasadyain niya sina Mikaela at Mirko. Nakabase kasi sa Australia ang Top Talent Modelling Agency. Ang company na pagmamay-ari mismo ni Madame Sylvia Frias— ang ina ni Mirko, na nakilala rin sa pagiging neat and clean fashion designer. Metikolosa, mat

